What's new

Closed Bakit kaya ang taas ng sahod sa ibang bansa sa pinas ang baba?

Status
Not open for further replies.
Dahil sa ekonomiya paps, dahil kapag mayaman/masagana ang ekonomiya ng isang bansa natural na malaki ang sahod.
 
For developed countries mataas ang sweldo pero mataas din ang cost of living, nakadepende kase yan sa ekonomiya ng bansa. Akala lang talaga ng mga pinoy mataas ang sweldo dun kase gawa ng conversion to peso, pag ikaw na mismo ang nandun, parang pareho lang..
 
Kasi masagana bansa nila at wag ka magalala dahil effective na ang train law makakatipid yung mga mayayaman kaya payaman!
 
Tinaasan na nga yung sahod... malaki nga lang tax... ganyan din sa ibang bansa... malaki sahod pero mahal pamumuhay tulad sa singapore
 
mataas naman sweldo dito sa pinas yung bilihin ang mahal dahil yung mga negosyante mababangkarota if di nila tataasan presyo lalo na kung foreign ang company
 
maybe you’ve heard someone mention how cheap yung cost of living pag nasa foreign countries ka, or that prices are a lot higher in some other place halfway around the world. that’s because not every currency has the same purchasing power. yung purchasing power ito yung ability ng currency na makabili ng mga products and services. halimbawa yung average income sa King's Landing mas mataas sa Gotham City. but yung prices sa Gotham City are also a lot lower. so every person is spending less money to maintain a lifestyle that’s equal to or better than that of King's Landing. that's because purchasing power of the currency varies across geographic locations. other factors ay yung mga labor laws (minimum wage policies), taxation, level of inflation, demand and supply for labor, and yung qualifications, level of education tapos skills :)
 
Mataas din naman ung cost of living nila don. Yan din dapat maklaro sa mga ibang filipino na may kapamilyang OFW na akala nila hayahay ang buhay ng mga OFW.
 
Dahil tayo ay neocolonial ng mga dayuhan.. Ang economy natin ay pinapatakbo ng mga foreign investor at hindi tayo kapwa pilipino.. Upang makakuha ng super tubo ang mga negosyante.. Susulsulan nila ang gobyerno na wag itaas ang sahod ng pilipino kapalit ng malaking comission.. Yan ang paraan kung bakit yumayaman ang mga nakaupo. Kaya nga ayaw ng goverment natin magkaroon tayo ng sariling product at industry dahil kahit ang mga politiko ay kontrolado nila
 
Sinasabi din ng gobyerno kaya mababa ang sahod sa pilipinas ay para mahikayat ang mga foreign investor. Ngunit ito ay isang kalokohan.. Isang dahilan nito ay ang pagkabaon natin sa utang. Dahil doon nakakapagdomina ang mga dayuhan sa mga kasunduan sa pulitika na isa na rito ay ang panatilihing mababa ang sahod at paramihin ang kontraktwal.. Paramihin ng gobyerno ang taong walang trabaho, para sa kanila ito ay reserbang lakas paggawa at para kahit na mababa ang sahod ay tatanggapin ito dahil sa daming nangangailangan.

Hindi lang din sa atin ang epekto ng mababang sahod pati ang pangangailangan ng mga 1st world country sa murang lakas paggawa.. Panatilihin nila na may makukuha silang manggagawa mula sa 3rd world country na kayang tumanggap ng pinakamurang sahod at ito ay ang mga kawawang OFW..
 
Ang pagtaas ng sahod kasabay ng pagtaas ng bilihin ay nangyayari lang sa mga bansang pinapatakbo ng Kapitalistang sistema.. Hindi ilalayo ng gobyerno ang sahod sa presyo ng binibili dahil hindi papayag ang kapitalista sa ganoon sitwasyon na hindi parin sila kikita ng malaki. Ganyan ang bansa pag pinapatakbo ng sistemang kapitalista.

Kaiba naman ito sa bansang Sosyalista gaya ng Cuba.. Nagagawa ng gobyerno na itaas ang sahod pero hindi ang pagtaas ng bilihin dahil ang lahat ng kanila produkto ay ginagawa at pagaari ng gobyerno.. Kaya ang bilihin sa kanila ay pagaari din ng mamamayan. Bakit mo pa itataas ang presyo kung pera din ng mamamayan ang bagsak nito..
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top