What's new

Closed Bakit ang baba ng sahod sa pilipinas??

Status
Not open for further replies.
REAL LIFE IN THE PHILIPPINES

-payag ba kayo mga paps na may national minimum wage sa pinas para lahat pantay-pantay.

-yung ibang taga probinsiya pumupunta ng manila dahil mataas daw ang sahod pero yung cost of living napakamahal naman so parang wala din.

-kanino bang presidente nagsimula ang manimum wage.

-sabi ng iba nung naupo na daw si cory dun na nag hirap ang pilipinas is it true?

-bakit pagdating sa sahod yung mayaman lalong yumayaman yung mahirap lalong naghihirap.

-yung iba daming reklamo sa sahod pero sa luho walang reklamo haha.

-kaya ba marami pumupunta sa ibang bansa?
 
yan ang pinaniwala sa atin mula ng dalhin ng kastila ang kristyanismo dito.
"Mapalad kayong mahihirap at inaapi dahil mapapasa inyo ang kaharian ng Diyos"
Kaya ang pobreng pilipino ay ok lang na alipinin ng mga kastila noon.. Dahil sa salita ng diyos na yan, ilan ang nag buhay hari habang maraming mahihirap na pinagsasamantalahan.

Kung magiging mapanuri ka lang sa kasaysayan. Ginamit nila ito bibliya para sakupin tayo at alipinin ang mamamayan. Ito rin ang ginamit ng mga puti para mapasunod ang mga native sa mga bansang kinolonya nila hanggang sa mga slave na negro sa america

Kung ang mga taong gumagawa nito sa mahihirap ay parurusahan ng diyos.. Edi sana matagal ng sinusunog ang kaluluwa nila Henry Sy at Lucio Tan, Conguanco, Gocongwei dahil sa dami ng taong pinagsamantalahan nito para yumaman. Sa pagiging kontraktwal ng manggagawa nito, pagbibigay ng mababang sahod at pangangagaw ng lupa sa magsasaka at katutubo. Bakit ang mga pulitikong ginawa ng negosyo ang paglilingkod sa bayan dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan bakit hindi gawin ng diyos na patamaan nya ng kidlat?

Hinayaan ba ng Diyos maging balanse? Hinayaan ba nya na meron apihin at may mapagsamantalahan? May kawawain habang sila'y nabubuhay sa karangyaan na galing sa pinagpaguran ng iba.

Kung si Hesus pa, mas tinitingnan ko sya na naghahangad ng pagkapantay pantay. Ang pangaapi sa mahihirap ng mga mayayaman. Dahil sa banta sya sa maaring pag aalsa ng mahihirap laban sa mga naghahari kaya pinahirapan at pinatay siya. Hindi ko sya tinitingnan bilang Diyos kundi isang rebolusyunaryong naghahangad mawakasan ang pagsasamantala ng tao sa tao.
Darating tayo dyan sa tinatawag mong pagkaka pantay pantay, manalig ka lang
 
pagkilos hindi pananalig.. hindi matutupad ang pananalig mo kung hindi ito gagalaw sa pamamagitan ng pagkilos. yan kasi ang kulturang tinuro sa inyo ng mga taong inalipin at pinagsamantalahan tayo. Powered by Lugaw
 
kasi ang mayayaman mostly business agad. kaya mas malaki ang pasok ng income sa kanila. kaya lalo silang yumayaman.
tayong mahihirap puro gastos, pamasahe, pagkain, trabaho, sahod kaya ang pinaka source of income natin ay ang trabaho lang.
sa minimum naman puro sila laging pag-aaral kung paano, dahil pag tinaasan daw maraming company ang malulugi. ehh paano naman yung mga sumasahod ng 50k-100k/month? tapos tayo na kung let say gagawin 800per day x30.. so nasa 20k lang. hirap pa sila. pero sa mga 50 - 100k/month wala lang?
pero pag taas sahod sa government office ang bilis ng proseso wala ng pag-aaral na binabalita or ginagawa. na iimplement agad.

kaya maraming pumupunta sa ibang bansa kasi ang sahod natin na 512 per day. kinikita lang doon ng ilang oras lang.
meron kasing bansa na per oras ang bayad.

kung mga nagrereklamo sa sahod. kaya ganun kasi hirap sila makabili ng pangluho nila.
Agree boss.. Ang gobyerno ang laki ng budget kaya easy lang mag increase.. ang private agencies naka depende sa employer kaya subrang tagal mag taas ng sweldo. buti pa sa mga bpo o mga homebase jobs yung iba 1hour lang isang araw mo na sahud dito sa pinas.
 
ang sakin lang kung bakit mababa sahod kasi po we have cheap cost of living. kaya hayun nakakatawa nga pumunta ng maynila for bigger sahod eh parang isang kahig isang tuka naman sa sobrang mahal ng bilin diba
 
Unang-una ay value ng piso = nag plummet yan at oo since pagupo ng puppet president. Electric and oil companies were suspiciously privatized, di na kontrol ng gobyerno ang pagtaas ng presyo nila at anti foreign investment laws slowed down the competitive market resulting in a slow Philippine economy growth.

Pangalawa ay supply at demand po. Maraming Pilipino and nag aapply habang maliit naman ang demand sa kanila ng mga kompanya eg. needed engineers = 500 / Filipinos applying for the positions = 5,000. Sa kakulangan ng mapagpipilian, marami tumatanggap ng maliit na sweldo.

Pangatlo - Propaganda of dumbing the Filipino population. Repetitive TV shows of pro poverty made the current state of the Philippines slow to be challenged.
 
Last edited:
People need real jobs, utak hardcore purist socialist kasi tayo ayaw natin nang outside companies na willing to give us jobs like our local BPO does.



hindi natin ikasisiya ang BPO bakit? may nakita ka na ba na tumagal sa trabahong iyan? people need REAL jobs like in offices, schools , government positions . ginagawa lang nilang t.a.n..ga mga tao , may trabaho nga mabilis naman turn over
 
hindi natin ikasisiya ang BPO bakit? may nakita ka na ba na tumagal sa trabahong iyan? people need REAL jobs like in offices, schools , government positions . ginagawa lang nilang t.a.n..ga mga tao , may trabaho nga mabilis naman turn over

Malaki kasi yung benta sa BPO, yung problema sa mga call center agents ay displina at pag titipid.

Bakit pinili kung example ng BPO? kasi mabilisan lng yung training at hindi mo kaylangan nang science degree or hindi mo din kaylangan na physically fit ka.

If you want more office jobs you need more companies hence you need companies in manufacturing or in IT.

BSED is not really that easy to take, madami nang mga kumukuha neto. Hindi eto para sa lahat.

Government positions? kaylangan mo nang science degree, atleast board passer at dapat civil service exam passer ka.
 
Malaki kasi yung benta sa BPO, yung problema sa mga call center agents ay displina at pag titipid.

Bakit pinili kung example ng BPO? kasi mabilisan lng yung training at hindi mo kaylangan nang science degree or hindi mo din kaylangan na physically fit ka.

If you want more office jobs you need more companies hence you need companies in manufacturing or in IT.

BSED is not really that easy to take, madami nang mga kumukuha neto. Hindi eto para sa lahat.

Government positions? kaylangan mo nang science degree, atleast board passer at dapat civil service exam passer ka.


yun po nga main point ko. sana may mga trabahong office jobs stable jobs government positions na easier for the people to get in kahit walang degree kaso nga thhr reality if the situation hindi pwede , hindi pwede kasi walang backer, walang degree , kaya nag mumukha lang ***** mga tao yun ang point.
 
yun po nga main point ko. sana may mga trabahong office jobs stable jobs government positions na easier for the people to get in kahit walang degree kaso nga thhr reality if the situation hindi pwede , hindi pwede kasi walang backer, walang degree , kaya nag mumukha lang ***** mga tao yun ang point.

Yung logic nang statement mo incorrect parin, kasi yung mga government jobs at sa education sector ay my limit. BPO is considered as an office job.

Be more specific kung anung office job yan?
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top