What's new

Closed Atheist here!

Status
Not open for further replies.
Exodo 20:5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

Tulad ng sinabi ko katangi-an ng Dios yan mapanibughuin sya.naninibugho sya kung ang mga tao sumasamba sa mga diosdiosan.hindi mo ba naiintindihan yong verse?"hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi"ng mga alin??????sa napopoot daw sa kanya!!
Bakit mo idudugtong yong sa mga magulang eh wala naman talagang pagtatalo na hindi mamanahin ng anak yong kasalanan ng magulang at anak sa magulang malinaw naman sa talata na ayon sa gawa tayo hahatulan.

Ngayon sasabihin ko bang masama ang Dios kung naninibugho sya?hindi!!! Dapat lang syang magalit at manibugho biro mo nilikha ka para sumamba sa kanya tapos sasamba ka sa ibang mga diosdiosan.mabuti ba yan para sayo?anong klaseng pag-ibig yan?anong akala mo pag umiibig ka ba dina pueding magselos kung ang dahil naman ng selos mo o paninibugho ay dahil sa PAGIBIG?

Katunayan ang salitang yan ay isa sa mga salitang ipinangalan sa Dios

Exo.34:14 Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:

Ngayon masama ba ang Dios dahil may katangian syang ganyan... ikaw nga na tao nakakaramdam ka ng ganyan ang Dios pa kaya na sa kanya tayo kawangis?

Maliban na lang kung paninibugho mo gawa ng laman.masama yan katulad sa binabanggit ni san pablo mga gawa ng laman na hayag.
Wala naman ako sinabing hindi masama ang paninibugho. Ang sabi ko "basta paninibugho masama yan" dahil ang paninibugho ay isa nga sa mga gawa ng laman ayon kay apostol Pablo. Sinabi mo masamang paninibugho ang ibig sabihin ni Apostol Pablo dyan. So ang gusto mo iparating may mabuting paninibugho? Na yung paninibugho ng Diyos ay maituturing na mabuting paninibugho? Ganun? Wala namang mabuting paninibugho. Ang paninibugho ay itinuturing na masama ayon kay apostol Pablo.

Ito nga tanong ko sa'yo. Kung ang paninibugho ay gawa ng laman, ang Diyos ba may laman? Ang Diyos ay espiritu kaya hindi mo pwedeng ihanay yan sa mga katangian ng Diyos. Tapos ang salitang "mapanibughuin" ay ipinangalan pa ni Propeta Moises sa Diyos. Talagang di pa nga lubos na kilala ni Propeta Moises ang Diyos nung panahon niya. Saka anong sinasabi mo na "wala naman talagang pagtatalo na hindi mamanahin ng anak yong kasalanan ng magulang at anak sa magulang"? Sinabi nga sa paninibugho ng Diyos, Kanyang dinadalaw (sinisingil) ang katampalasanan (kasalanan) ng mga magulang sa anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa Kanya. Napopoot sa Diyos ang ibang tao kaya sa mga diosdiosan sila sumasamba. Konektado pa rin sa paninibugho ng Diyos. Napakalinaw na sa kasalanan ng mga magulang idinadamay din ng Diyos pati mga anak sa kasalanang di naman nila ginawa. Hanggang sa ikaapat na salinlahi pa. Ang lupit naman. Yan pala ang epekto ng selos o paninibugho ng Diyos dahil sa PAG-IBIG. Pag-ibig palang tawag mo dyan na dinadamay ng Diyos pati mga anak sa kasalanang di naman nila ginawa. Walang pag-ibig dyan. Makatarungan ba yan? Mabuti ba yan para sa'yo? Wag ka naman magbulag-bulagan.

Sinabi mo ang Biblia inspired by God.
1 Juan 4:18 Walang takot sa pag-ibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
2 Timoteo 1:7 Sapagka't hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.

So itong mga sinabi nina apostol Juan at Timoteo hindi na inspired by God? Kasi kitang-kita naman na salungat ito sa turo ng ibang mga propeta at apostol na dapat katakutan ang Diyos na inyo ring pinaniniwalaan. Mas malinaw pa sa inyong mga mata. Ang mga nagagawa ba ng "pagkatakot sa Diyos" ay di magagawa ng "pag-ibig sa Diyos"? Wag nyong maliitin ang pag-ibig sa Diyos. Ang gusto ng Diyos mahalin natin Siya at hindi katakutan. Nakikita naman sa Kanyang unang utos. Yun ang nais ng Diyos.
 
Last edited:
Guys. tingin nyo ba ung mga mananampalataya magigising pa sa katotohan? na superstitious belief lang ang "god" and was just created to control people!?
Hindi pa huli ng lahat, ito tanong ko sayu bat napaka perfect ang pag gawa sa mundo ? Halos lahat katulad ng araw, buwan, bundok , dagat , hangin, lahat may ginagampanan. Sa tingin mo ba sino ang gumawa nyan mga makina or machine? Tol wala naman mawawala kung maniniwala ka sa GOD. God is Good All the time
 
Wala naman ako sinabing hindi masama ang paninibugho. Ang sabi ko "basta paninibugho masama yan" dahil ang paninibugho ay isa nga sa mga gawa ng laman ayon kay apostol Pablo. Sinabi mo masamang paninibugho ang ibig sabihin ni Apostol Pablo dyan. So ang gusto mo iparating may mabuting paninibugho? Na yung paninibugho ng Diyos ay maituturing na mabuting paninibugho? Ganun? Walang namang mabuting paninibugho. Ang paninibugho ay itinuturing na masama ayon kay apostol Pablo.

Ito nga tanong ko sa'yo. Kung ang paninibugho ay gawa ng laman, ang Diyos ba may laman? Ang Diyos ay espiritu kaya hindi mo pwedeng ihanay yan sa mga katangian ng Diyos. Tapos ang salitang "mapanibughuin" ay ipinangalan pa ni Propeta Moises sa Diyos. Talagang di pa nga lubos na kilala ni Propeta Moises ang Diyos nung panahon niya. Saka anong sinasabi mo na "wala naman talagang pagtatalo na hindi mamanahin ng anak yong kasalanan ng magulang at anak sa magulang"? Sinabi nga sa paninibugho ng Diyos, Kanyang dinadalaw (sinisingil) ang katampalasanan (kasalanan) ng mga magulang sa anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa Kanya. Napopoot sa Diyos ang ibang tao kaya sa mga diosdiosan sila sumasamba. Konektado pa rin sa paninibugho ng Diyos. Napakalinaw na sa kasalanan ng mga magulang idinadamay din ng Diyos pati mga anak sa kasalanang di naman nila ginawa. Hanggang sa ikaapat na salinlahi pa. Ang lupit naman. Yan pala ang epekto ng selos o paninibugho ng Diyos dahil sa PAG-IBIG. Pag-ibig palang tawag mo dyan na dinadamay ng Diyos pati mga anak sa kasalanang di naman nila ginawa. Walang pag-ibig dyan. Makatarungan ba yan? Mabuti ba yan para sa'yo? Wag ka naman magbulag-bulagan.

Sinabi mo ang Biblia inspired by God.
1 Juan 4:18 Walang takot sa pag-ibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
2 Timoteo 1:7 Sapagka't hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.

So itong mga sinabi nina apostol Juan at Timoteo hindi na inspired by God? Kasi kitang-kita naman na salungat ito sa turo ng ibang mga propeta at apostol na dapat katakutan ang Diyos na inyo ring pinaniniwalaan. Mas malinaw pa sa inyong mga mata. Ang mga nagagawa ba ng "pagkatakot sa Diyos" ay di magagawa ng "pag-ibig sa Diyos"? Wag nyong maliitin ang pag-ibig sa Diyos. Ang gusto ng Diyos mahalin natin Siya at hindi katakutan. Nakikita naman sa Kanyang unang utos. Yun ang nais ng Diyos.

Tama ka inspired by God ito:

1 Juan 4:18 Walang takot sa pag-ibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
2 Timoteo 1:7 Sapagka't hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.

Eh eto hindi ba ito inspired by God?kung hindi sayo SA AKIN OO!!!!sinabi ng Biblia ang Dios mapanibughuin.

Exo. 34:14 Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:

Exo.20:5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;u

hindi kaba nakakaintindi?tama espiritu nga ang Dios.. Dahil ba espiritu sya hindi na sya maninibugho?NAKASULAT NGA EH!!!!!???
Wag ka raw sumamba sa ibang dios dahil NANINIBUGHO nga sya!!!!!!

ANG DIOS MAPANIBUGHUIN!!!!!!

Tatanggalin mo ba yan?tanungin kita bakit pinabayaan ng Dios isulat ni Moises yan?

Alam mo ba na kapag may mga salita na ayaw ng Dios ipasulat ay hindi nya ipapasulat????

Apoc.10:4 At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.

Sabihin mo sa pastor mo hindi lang si juan at timoteo ang sumulat sa biblia.tandaan mo walang kontradiksyon sa biblia ito ang gawin mo magbakasakali ka.

Isa. 34:16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.

Sigurado kami iniutos ng Dios ito:

Kawikaan 1:7 Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.

dude , ganyan ang pagkatakot sa Panginoon , ang pag-alam sa kaniyang karunungan

Hindi naman yong takot na baka patayin ka na dadahasin ka ng Dios, hindi ganyang klase ng pagkatakot dude iba ang klase na pagkatakot sa Dios ang itinuturo ng Bibliya, hindi yong pagkatakot na iniisip mo(sarili mong interpretasyon o unawa) na mali
Isa pala yan sa mga nagagawa ng pagkatakot sa Diyos. Kung ganun ang pag-ibig sa Diyos hindi pwedeng pasimula ng kaalaman? Na makukuha mo lang ito kung matatakot ka sa Diyos? Ganun? Mukhang minamaliit nyo ang pag-ibig sa Diyos.

Saka anong sinasabi mo na "hindi naman yong takot na baka patayin ka na dadahasin ka ng Dios"? Naniniwala nga kayo na ang Diyos ang tinutukoy ng Panginoong Jesus na ating katakutan na pumapatay ng kaluluwa at katawan sa impyerno. Sinasabi mo pa na hindi yung takot na baka patayin ka ng Diyos. Ayan nga napakalinaw matakot sa Diyos kasi maaari Niyang patayin ang ating kaluluwa at katawan sa impyerno. Nakalimutan mo na yan? Sasabihin mo agad na mali ang pagkaunawa ko tungkol sa pagkatakot sa Diyos.
 
Ano na naman brad.tutol ka na naman dito?

Kawikaan 1:7 Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.

Alam mo ba kung anong tawag sa takot na yan?

Heb.11:7 Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya.

"Banal na takot" yan brad.ito pa isang katunayan.tinatanong kita dito kung sino ito na nagtataglay ng babal na takot pero di mo sinasagot.

Heb.
5:4 At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na gaya ni Aaron.

5:5 Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi, Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon:

5:6 Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

5:7 Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,

5:8 Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;

Yang takot na yan..masama ba yan? Banal nga eh... Sino yan na nagtataglay nyan ayon sa verse.. Sege pakusagot.
 
Hay kakalito balakadyan
Tama ka inspired by God ito:

1 Juan 4:18 Walang takot sa pag-ibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
2 Timoteo 1:7 Sapagka't hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.

Eh eto hindi ba ito inspired by God?kung hindi sayo SA AKIN OO!!!!sinabi ng Biblia ang Dios mapanibughuin.

Exo. 34:14 Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:

Exo.20:5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;u

hindi kaba nakakaintindi?tama espiritu nga ang Dios.. Dahil ba espiritu sya hindi na sya maninibugho?NAKASULAT NGA EH!!!!!???
Wag ka raw sumamba sa ibang dios dahil NANINIBUGHO nga sya!!!!!!

ANG DIOS MAPANIBUGHUIN!!!!!!

Tatanggalin mo ba yan?tanungin kita bakit pinabayaan ng Dios isulat ni Moises yan?

Alam mo ba na kapag may mga salita na ayaw ng Dios ipasulat ay hindi nya ipapasulat????

Apoc.10:4 At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.

Sabihin mo sa pastor mo hindi lang si juan at timoteo ang sumulat sa biblia.tandaan mo walang kontradiksyon sa biblia ito ang gawin mo magbakasakali ka.

Isa. 34:16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.

Sigurado kami iniutos ng Dios ito:

Exo. 34:14 Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:
Sumasang-ayon ka na inspired by God ang sinabi nina apostol Juan at Timoteo tungkol sa pagkatakot pero ipinipilit mo pa rin sa'kin na dapat kong katakutan ang Diyos dahil ito ang turo ng ibang mga propeta at apostol. Ano kaya yun? Lumalabas sinasulangat mo din ang turo nina apostol Juan at Timoteo. Inilatag mo pa ang mga nagagawa ng pagkatakot sa Diyos na parang ipinaparating mo sa'kin na hindi ito magagawa ng pag-ibig sa Diyos. Alam nating lahat na ang Diyos ay espiritu. Ang paninibugho ay isa sa mga gawa ng laman ayon kay apostol Pablo. Sa madaling sabi, hindi ito maaaring maging gawa ng espiritu. Pero ipinipilit mo pa ring ang Diyos ay mapanibughuin dahil ito ang turo ni propeta Moises. Eh di lumalabas na sinasalungat mo din ang turong ito ni apostol Pablo.

Sabi mo tandaan ko na walang kontradiksyon sa Biblia? Kahit kitang-kita naman ng iyong mga mata na may kontradiksyon. Hindi ba parang niloloko mo ang sarili mo.

Uulitin ko ulit. Ginawa ngang diyos si propeta Moises ng Diyos.
Exodo 7:1 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.

Kaya para sa mga israelita, ano mang sinabi ni Propeta Moises ay pinaniniwalaan nilang sinabi ng Diyos at ano mang ginawa niyang tanda o kababalaghan ay ginawa ng Diyos dahil ginawa siyang diyos. Tama naman na huwag sumamba sa ibang Diyos. Pero dahil sa hindi pagsamba sa Kanya nagagawa Niyang idamay pati mga anak sa kasalanang ang mga magulang naman ang may gawa. Nakikita mo ba dyan ang tunay na kahulagan ng pag-ibig ng Diyos? Mukhang si Propeta Moises lang ang may sabi na mapanibughuin ang Diyos kahit na hindi sinabi ng Diyos. Bakit ko nasabi? Sinabi ko na sa inyo na "God loves His enemies" ngunit ayaw nyong maniwala dahil salungat ito sa turo ng ibang mga propeta. Sinasabi mo na ang utos ng Panginoong Jesus na "love your enemies" ay utos para sa panahong kristiyano. Ngunit yun lang ba ang Kanyang sinabi? Idinagdag din Niya "upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit. Sapagkat Siya'y mabuti sa mga walang turing at sa masasama". Hindi nyo maitatanggi ang kahulugan na "upang tayo'y maging mga anak ng Diyos, dapat natin Siyang tularan. That we are to love our enemies as He loves His enemies. Itinuro nga sa atin ni Cristo na "kung ang iniibig ninyo ay yung mga umiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin"? Ibig iparating ng Panginoong Jesus na ibigin din natin kahit yung mga hindi umiibig sa atin. Kaya nyo bang gawin yan? Because that's the nature of God's love. Na iniibig din ng Ama kahit yung mga hindi umiibig sa Kanya.

Ngunit sa palagay ko hindi pa rin kayo maniniwala kahit pa si Cristo na Diyos ang may sabi nito. Dahil nakapako na ang inyong mga isip sa turo ng ibang mga propeta na "ang Diyos ay mabuti sa mabubuti ngunit kinamumuhian ang masasama at mga kaaway".
 
Backread ka
 
backread ka nga po tsaka pati yung bible read nyo rin po cover to cover, para makaunawa ka nga

di ba nga sa pag ibig ng diyos maging sa kaaway niya ay ibinigay niya ang bugtong na anak niya para sa ikaliligtas ng lahat mga magsisimpalataya rito,

for god so loved the world he gave his only begotten son.

iibigin nga ng diyos maging mga kaaway nito kung papatubos sila diumano sa dugo ni Hesukristo at susuklian ng mga ito ang pag ibig niya

ang tanong ko sa yo kung tanggihan man ng mga tao si hesus gayong nakilala na nila siya o alinman sa mga maliliit at abang tulad niya, bakit kamumuhian din sila ng diyos at mapopoot sa kanila sa apoy na walang hanggan sa paghuhukom, dahil nga sa paninibugho ito.

hindi ka rin ba naniniwala sa judgment day at malaimpyernong pagpaparusa sa mga kaaway niyang hindi nakipagkasundo sa tipan niya, kahit inialay na si hesus sa kaligtasan nila noon?

kung totoo at pinaniniwalaan mo ang paghuhukom at araw ng pagpaparusa sa masasama, maniniwala ka ring may hangganan ang pag ibig lalo at kung hindi naging tapat ang kanyang iniibig o nangalunya sa ibang asawa

nabasa mo rin naman ata yung talinghaga sa kasalan at nung taong hindi nakadamit pangkasal, di bat ibinulid din sa kadiliman sa labas, ano nga kaya ang kapalaran ng mga loyal daw pero unfaithful naman?
 
respeto lang naman sana sa nag post nitong thread na to,

kung hindi ka o kayo naniniwala eh bahala na kayo,
eto lang tanong ko, naniniwala ba kayo sa demonyo? may satanas ba? baka naman un pinaniniwalan nyo,,

hindi kayo naniniwala sa diyos pero andaming patunay na may mga totooong nangyayaring exorcism o pagsanib ng demonyo sa tao? un ba hindi kayo naniniwala? o bulag kayo??

maaaring nawala ang paniniwala nyo o nabahiran ng masamang kaisipan dahil sa mga nababalita o napapatunayan nyo na mismong mga pinuno ng simbahan ang gumagawa ng masasama tulad ng pang rarape, pari na maraming anak, pari na kulto o kung ano ano pa,,.. lalong lalo na ung mga pinuno nila sa Vatican ang dami kontrobirsiya dun, ang daming satanic ritual na pinag gagagawa ,,

kaya siguro ang mga naiisip nyo eh un nga mismo na nagsasabing malapit sila sa diyos eh sila pa pala ung demonyo!! in short !!! Wag nyo naman po lahatin lahat ng relihiyon! respeto lang.. wag nyo lahatin na ang lahat ng pinuno ng simbahan ay masasama,

may duda kayo na may diyos pero sigurado tayo na may demonyo,.. wag lang naman sanang lahatin o sabihing ang bobobo naming naniniwala na may diyos. o sabihin nyo gumising kami, marahil pwedi nyo sabihin sa simbahang alam nyo na may masasamang gawain pero wag nyo naman lahatin.. respeto lang naman sana.

kung hindi kayo naniniwala wag kayo makipagtalo.. RESPETO lang..
 
pabayaan mo na ang mga illogical na mga na yan biruin mo nainiwala sila sa sa genesis 2:7 at 19 na nagsasabing nauna ginawa ang tao kaysa sa mga hayop at bukod pa doon ang lahat ng hayop ay ginawa pa ng sabay2

talaga namang mang mang mang sila kaya wag mo ng pansinin ang mga ganyang uri ng tao basta ba hindi sila nakakaapikto sa pamumuhay natin

wala na kasing pag asa ang mga ganyan ehh kasi ugali na nilang maniwala sa mga bagay na hindi dinaan sa tamang prosiso
 
Ano na naman brad.tutol ka na naman dito?

Kawikaan 1:7 Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.

Alam mo ba kung anong tawag sa takot na yan?

Heb.11:7 Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya.

"Banal na takot" yan brad.ito pa isang katunayan.tinatanong kita dito kung sino ito na nagtataglay ng babal na takot pero di mo sinasagot.

Heb.
5:4 At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na gaya ni Aaron.

5:5 Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi, Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon:

5:6 Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

5:7 Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,

5:8 Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;

Yang takot na yan..masama ba yan? Banal nga eh... Sino yan na nagtataglay nyan ayon sa verse.. Sege pakusagot.
Sa lahat ng mga propeta at mga apostol, kay apostol Pablo lamang maririnig ang tinatawag na "banal na takot". Sa lumang tipan nga magkaiba ang pagkatakot sa banal.

Kawikaan 9:10 Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.

Kaya hindi banal na takot na gaya ng nasa isip mo ang tinutukoy sa kawikaan 1:7. Pati ang takot pala ay naging banal na rin. Ang Panginoong Jesus ba ay sumusunod sa kalooban ng Ama dahil sa pagkatakot sa Kanya? Ito basahin mo:

Juan 14:31 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na iniibig ko ang Ama, at ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.

Ayan napakaliwanag iniibig ng Panginoong Jesus ang Ama. At ayon sa kautusang ibinigay sa Kanya ng Ama ay gayundin ang Kanyang ginagawa dahil sa "pag-ibig sa Ama". Sinabi ba Niyang "Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na kinatatakutan ko ang Ama"? Inuulit ko, iniibig ni Cristo ang Ama hindi kinatatakutan. Gayundin naman may sinabi rin ba ang Panginoong Jesus na katakutan Siya ng mga taong sumusunod sa Kanya? Ito basahin mo:

Juan 14:15 Kung Ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang Aking mga utos.

Ayan napakaliwanag pag-ibig at hindi pagkatakot sa Kanya ang hangad ng Panginoong Jesus. Upang maipakita natin na Siya'y ating iniibig, ay dapat nating tuparin ang Kanyang mga utos. Sinabi ba Niyang "kung Ako'y inyong kinatatakutan, ay tutuparin ninyo ang Aking mga utos"? Pag-ibig ang hangad ng Panginoong Jesus dahil yun ang iniuutos sa atin sa unang utos na "ibigin ang Diyos".
 
backread ka nga po tsaka pati yung bible read nyo rin po cover to cover, para makaunawa ka nga

di ba nga sa pag ibig ng diyos maging sa kaaway niya ay ibinigay niya ang bugtong na anak niya para sa ikaliligtas ng lahat mga magsisimpalataya rito,

for god so loved the world he gave his only begotten son.

iibigin nga ng diyos maging mga kaaway nito kung papatubos sila diumano sa dugo ni Hesukristo at susuklian ng mga ito ang pag ibig niya

ang tanong ko sa yo kung tanggihan man ng mga tao si hesus gayong nakilala na nila siya o alinman sa mga maliliit at abang tulad niya, bakit kamumuhian din sila ng diyos at mapopoot sa kanila sa apoy na walang hanggan sa paghuhukom, dahil nga sa paninibugho ito.

hindi ka rin ba naniniwala sa judgment day at malaimpyernong pagpaparusa sa mga kaaway niyang hindi nakipagkasundo sa tipan niya, kahit inialay na si hesus sa kaligtasan nila noon?

kung totoo at pinaniniwalaan mo ang paghuhukom at araw ng pagpaparusa sa masasama, maniniwala ka ring may hangganan ang pag ibig lalo at kung hindi naging tapat ang kanyang iniibig o nangalunya sa ibang asawa

nabasa mo rin naman ata yung talinghaga sa kasalan at nung taong hindi nakadamit pangkasal, di bat ibinulid din sa kadiliman sa labas, ano nga kaya ang kapalaran ng mga loyal daw pero unfaithful naman?
Ang Panginoong Jesus na ang nagsabi, "kung ang iniibig ninyo ay yung mga umiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin"? Sa kabila ng mga ginawang pagpapahirap at pagpako sa Kanya sa Krus ng mga pinunong bayan nagawa ba Niyang sila'y kamuhian? Bagkus inibig pa rin Niya ang Kanyang mga kaaway at nagawa pa Niyang idalangin sa Ama na sila'y patawarin sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa (Lucas 23:34). Kanino pa ba makukuha ng Panginoong Jesus ang katangiang ito na pag-ibig sa kaaway? Walang iba kundi sa Ama. Sapagkat anumang bagay na ginagawa ng Ama, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan (Juan 5:19)

Sinabi mo "lahat ng nabuhay at nabubuhay na may kaluluwa ay magsusulit sa Kanya". Hindi naman lahat magsusulit sa Kanya sa huling araw kundi yun lang mga nasa labas ng kaharian ng langit. Magsusulit pa rin ba sa Diyos ang mga kaluluwang nasa loob na ng kaharian ng langit? Hindi na dahil lahat ng mga nasa loob ng kaharian ng langit ay mayroon ng buhay na walang hanggan. Alam nating lahat na walang nakakaalam kung kailan ang judgement day kundi ang Ama lamang. At alam din nating lahat na ang hatol na gagamitin ng Panginoong Jesus sa huling araw ay ang salitang Kanyang sinalita (Juan 12:48).

Wag na kayong makipagtalo dahil ang Panginoong Jesus na ating Diyos ang nagsabi nyan. Sa madaling sabi, ang hahatol sa lahat sa huling araw ay ang "Salita ng Diyos". Kung utos ng Diyos na huwag papatay ngunit mamamatay-tao yung tao, yun ang panghahatol sa kanya kaya't di siya makakapasok sa kaharian ng langit. Ikinalulungkot ng Diyos ang sinuman na mapunta sa impyerno dahil hindi naman ito kalooban ng Kanyang pag-ibig. Ngunit paano ang isang taong namatay na hindi pa naabutan ang judgement day? Mananatili pa ba ang kanyang kaluluwa sa mundo habang hinihintay ang judgement day ng Diyos kung sa kaharian ng langit o sa impyerno siya mapupunta? Kung ganun ang sitwasyon eh di ang mundo ay punung-puno na ng mga kaluluwang naghihintay ng judgement day. Kung ang isang taong masama ay dumating sa kanya ang oras ng kamatayan na hindi nagbalik-loob sa Diyos ay may susundo sa kanya maaaring si satanas o kanyang kampon upang dalhin siya sa impyerno. Gayundin sa isang taong mabuti na naging masunurin sa Diyos ay may susundo sa kanya maaaring isang anghel o mahal sa buhay na anghel rin upang samahan siya papunta sa kaharian ng langit. Kaya nga may tinatawag na mga sundo. Yun na ang hatol kung sa kaharian ng langit o sa impyerno siya mapupunta. Hindi na nila kailangang maghintay pa ng judgement day.

Tungkol naman sa judgement day, alam nating lahat na ang impyerno kung saan naroon ang dagatdagatang apoy ay isang lugar ng paghihirap dahil ito ang kaharian ng diablo kung saan siya at kanyang mga kampon ang nagpapahirap sa mga kaluluwang nadala nila dito. Dahil likas na sa diablo ang magpahirap at pumatay. At alam din nating lahat na ang mga taong masasama na di nagbalik-loob sa Diyos ay dito napupunta. Ang diablo ang tinutukoy ni Cristo na katakutan na pumapatay ng katawan at kaluluwa sa impyerno. Ang diablo ang magpapahirap at papatay sa mga kaluluwa sa impyerno. Hindi ang Diyos. Dahil hindi likas sa pag-ibig ng Diyos ang magpahirap o pumatay sa sinuman.
 
Last edited:
Ang Panginoong Jesus na ang nagsabi, "kung ang iniibig ninyo ay yung mga umiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin"? Sa kabila ng mga ginawang pagpapahirap at pagpako sa Kanya sa Krus ng mga pinunong bayan nagawa ba Niyang sila'y kamuhian? Bagkus inibig pa rin Niya ang Kanyang mga kaaway at nagawa pa Niyang idalangin sa Ama na sila'y patawarin sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa (Lucas 23:34). Kanino pa ba makukuha ng Panginoong Jesus ang katangiang ito na pag-ibig sa kaaway? Walang iba kundi sa Ama. Sapagkat anumang bagay na ginagawa ng Ama, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan (Juan 5:19)

Sinabi mo "lahat ng nabuhay at nabubuhay na may kaluluwa ay magsusulit sa Kanya". Hindi naman lahat magsusulit sa Kanya sa huling araw kundi yun lang mga nasa labas ng kaharian ng langit. Magsusulit pa rin ba sa Diyos ang mga kaluluwang nasa loob na ng kaharian ng langit? Hindi na dahil lahat ng mga nasa loob ng kaharian ng langit ay mayroon ng buhay na walang hanggan. Alam nating lahat na walang nakakaalam kung kailan ang judgement day kundi ang Ama lamang. At alam din nating lahat na ang hatol na gagamitin ng Panginoong Jesus sa huling araw ay ang salitang Kanyang sinalita (Juan 12:48).

Wag na kayong makipagtalo dahil ang Panginoong Jesus na ating Diyos ang nagsabi nyan. Sa madaling sabi, ang hahatol sa lahat sa huling araw ay ang "Salita ng Diyos". Kung utos ng Diyos na huwag papatay ngunit mamamatay-tao yung tao, yun ang panghahatol sa kanya kaya't di siya makakapasok sa kaharian ng langit. Ikinalulungkot ng Diyos ang sinuman na mapunta sa impyerno dahil hindi naman ito kalooban ng Kanyang pag-ibig. Ngunit paano ang isang taong namatay na hindi pa naabutan ang judgement day? Mananatili pa ba ang kanyang kaluluwa sa mundo habang hinihintay ang judgement day ng Diyos kung sa kaharian ng langit o sa impyerno siya mapupunta? Kung ganun ang sitwasyon eh di ang mundo ay punung-puno na ng mga kaluluwang naghihintay ng judgement day. Kung ang isang taong masama ay dumating sa kanya ang oras ng kamatayan na hindi nagbalik-loob sa Diyos ay may susundo sa kanya maaaring si satanas o kanyang kampon upang dalhin siya sa impyerno. Gayundin sa isang taong mabuti na naging masunurin sa Diyos ay may susundo sa kanya maaaring isang anghel o mahal sa buhay na anghel rin upang samahan siya papunta sa kaharian ng langit. Kaya nga may tinatawag na mga sundo. Yun na ang hatol kung sa kaharian ng langit o sa impyerno siya mapupunta. Hindi na nila kailangang maghintay pa ng judgement day.

Tungkol naman sa judgement day, alam nating lahat na ang impyerno kung saan naroon ang dagatdagatang apoy ay isang lugar ng paghihirap dahil ito ang kaharian ng Diablo kung saan siya at kanyang mga kampon ang nagpapahirap sa mga kaluluwang nadala nila dito. Dahil likas na sa Diablo ang magpahirap at pumatay. At alam din nating lahat na ang mga taong masasama na di nagbalik-loob sa Diyos ay dito napupunta. Ang diablo ang tinutukoy ni Cristo na katakutan na pumapatay ng katawan at kaluluwa sa impyerno. Ang diablo ang magpapahirap at papatay sa mga kaluluwa sa impyerno. Hindi ang Diyos. Dahil hindi likas sa pag-ibig ng Diyos ang magpahirap o pumatay sa sinuman.
Sa lahat ng mga propeta at mga apostol, kay apostol Pablo lamang maririnig ang tinatawag na "banal na takot". Sa lumang tipan nga magkaiba ang pagkatakot sa banal.

Kawikaan 9:10 Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.

Kaya hindi banal na takot na gaya ng nasa isip mo ang tinutukoy sa kawikaan 1:7. Pati ang takot pala ay naging banal na rin. Ang Panginoong Jesus ba ay sumusunod sa kalooban ng Ama dahil sa pagkatakot sa Kanya? Ito basahin mo:

Juan 14:31 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na iniibig ko ang Ama, at ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.

Ayan napakaliwanag iniibig ng Panginoong Jesus ang Ama. At ayon sa kautusang ibinigay sa Kanya ng Ama ay gayundin ang Kanyang ginagawa dahil sa "pag-ibig sa Ama". Sinabi ba Niyang "Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na kinatatakutan ko ang Ama"? Inuulit ko, iniibig ni Cristo ang Ama hindi kinatatakutan. Gayundin naman may sinabi rin ba ang Panginoong Jesus na katakutan Siya ng mga taong sumusunod sa Kanya? Ito basahin mo:

Juan 14:15 Kung Ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang Aking mga utos.

Ayan napakaliwanag pag-ibig at hindi pagkatakot sa Kanya ang hangad ng Panginoong Jesus. Upang maipakita natin na Siya'y ating iniibig, ay dapat nating tuparin ang Kanyang mga utos. Sinabi ba Niyang "kung Ako'y inyong kinatatakutan, ay tutuparin ninyo ang Aking mga utos"? Pag-ibig ang hangad ng Panginoong Jesus dahil yun ang iniuutos sa atin sa unang utos na "ibigin ang Diyos".

Inuulit ko brad.wag mong pagkontrahin ang bagong tipan sa lumang tipan dahil magkaiba ang batas ni kristo sa batas ni moises.

Hindi mo pueding sabihin na mali si moises at babasahin mo sa bagong tipan ang pangontra mo.hindi kristyano si moises sya ay esraelita.ang gagamiting batas para sila maligtas sa final judgement ay batas ng sampong utos o batas ni moises hindi sila under ng batas ni kristo.tayong mga gentil at ang mga unang kristysno ang nasa ilalim ng batas ng ating panginoong hesukristo.

Hindi mo dapat ginagamit ang salitang "ibigin mo ang iyong kaaway" bilang pagpapamali sa mga nagawa ni moises dahil walang utos na ganyan sa lumang tipan.ang utos na yan ay para sa atin.... para sa mga kristyano.

Sabihin mo sa pastor mo lubayan nya na si moises niluma na ni kristo ang mga batas sa sinai noong siya ay maging saserdote
Heb. 7:12 Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.
Heb. 7:18 Sapagka't napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan.
Heb. 7:22 Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan.
Heb. 7:24 Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.

Ikaw ay nasa kautusan ni kristo kaya ang hahatol sa iyo o ang batas/kautusan na hahatol sayo ay ang batas ng bagong tipan.hindi mo pueding ipanghatol yan sa mga esraelita dahil sila ay hahatulan ayon sa batas noong panahon nila... Ang batas ng lumang tipan o kautusan ni moises na binigay ng Dios sa dalawang tapyas na bato.

At ano naman ang problema mo kay pablo na pinaratangan mo na di nya alam ang pinagsasabi nya noong sabihin nya yong "banal na takot"

Ikaw ba dika kinikilabutan sa pinagsasabi mo? Nasa biblia yan.. Nababasa mo yan... tatanggalin mo ba?ni tuldok at kudlit nga ayaw ng Dios mawala sa kasulatan ikaw naman wala kang habas magsalita na mali ang mga pinagsasabi ng mga apostol?

unang-una mga apostol yan nakasama si kristo ng personal ang mga yan noong sya ay nangangaral pa tapos lilitaw kayo at sasabihing nyong mali ang mga propeta at mga apostol?

Bakit sayo ako maniniwala??kung hahanap ako ng may kridibilidad para sila paniwalaan hindi ang pastor mo at lalong hindi ikaw.kung maghahanap ako ng patuanay aba!!!! Mas maniniwala na ako kay Pedro kaysa sayo..

Il Ped. 3:15 At inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo;

ll Ped. 3:16 Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo'y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo'y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang
mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.

kaya naman pala wala kang maintindihan sa sulat ni Pablo eh kasi sabi ni San Pedro WALA KANG TIYAGA dahilan kaya hirap kang maunawaan si Pablo di ka makaunawa katulad ng ginagawa mo sa ibang kasulatan... ang matindi yong kasunod "ikapapahamak din nila" ayon sa verse na yan.

Si Pedro binigyan nya ng diin yong taglay na karunungan ni Pablo na bigay ng Dios na ayon sa kanya "sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo'y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo'y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila."

Hindi lahat ng salitang takot sa biblia masama........ katulad din ng salitang pagibig na nagagamit din ng ibang mga tao sa mali.

I tim. 6:10 Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.

Gayon din ang takot hindi pueding lagi na lang itong ginagamit sa masama mayrong klaseng takot na mabuti.

Isa ka bang magulang?kapag natakot ba ang anak sa magulang masama ba yon?mahirap disiplinahin ang anak na walang takot sa magulang.gusto mong makikila ang damdamin ng Dios?tumingin ka o magmasid sa damdamin ng nagmamahal na magulang sa kanilang mga anak masasabi kong maganda ang dulot kapag yong anak ay natatakot din sa magulang.di ba masaya sa damdamin ng magulang kung masunurin ang kanilang mga anak. Kung sila nga ganyan ang Dios pa kaya?

Aw.103:13 Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.

Mal.3:17 At sila'y magiging akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na aking gawin, sa makatuwid baga'y isang tanging kayamanan; at akin silang kaaawaan, na gaya ng isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya.

Mal.3:16 Nang magkagayo'y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan: at pinakinggan ng Panginoon, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang pangalan.

Isang salita lang ang biblia at ang lahat ay sa isang salita lang nauuwi..... PAGIBIG.huwag mong bawasan wag mong dagdagan.nasa loob din ng salitang yan ang pagkatakot sa Dios,yong pagiging mapanibughuin nya at nagagalit din sya.may paninibughong hindi masama ayon sa biblia at hindi ayon sayo o ng pastor mo dahil sabi ni San Pedro sayo di ka makakaunawa.

Nakasulat na nga "banal na takot"todo tanggi pa at pararatangan pa si pablo na nagkamali.sabagay di nakapagtataka tama si Pedro di ka nga makaunawa katunayan lang yan na nasa labas ka ng kaunawaan puro ka bira sa mga lingkod ng Dios.

Luc.8:10 At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 443
    Replies
  • 8K
    Views
  • 96
    Participants
Last reply from:
ChristianNaitsirhc

Online statistics

Members online
853
Guests online
5,667
Total visitors
6,520
Back
Top