What's new

Closed ASWANG ?

Status
Not open for further replies.
Sabi ng tatay ko pag may ganyan daw magsunog ka ng gulong para umalis kung ano man yun tapos magdala itak incase whatever happen.
 
Ts try mo tumakbo sa bobung. Isipin mo 50 kilos dense sa maliit ng foot mark n pusa mabubutas yan. O sa sobrang lalim ng tulog mo nananaginip ka na ng kung ano ano. Dala ka lang ng tsinelas ok na yun
 
Sabuyan mo ng asin ang bubong tuwing gabi idol o mag sunog ka ng gulong sa labas ng bahay..pati bintana lagyan mo ng asin..narasan ko rin yan idol ng buntis asawa ko sa panganay namin at may busis pa na parang ibon o tao na pumapasok sa bahay tuwing gabi kaya ginawa ko nag lagay ako pamingwit sa bintana, yun d na bumalik..taga capiz area ako..
 
Alam nyo guys wala ng lalakas pa sa sariling panalangin at matinding pananampalataya na wala ng hihigit pa sa kapangyarihan ng AMANG DYOS.. Nung buntis yung tita ko dito sa Mindanao maaamoy mo talaga sila.. Binanggit ko lang ng malakas ang "Sa ngalan ng PANGINOONG HESUKRISTO NA TAONG NAZARETH, LUMAYAS KAYONG KAMPON NI SATANAS! Mula noon wala ng bumalik sa amin na aswang kahit nung nabuntis yung ate ko..
 
my shotgun ka or baril?? paputukan mo.. malay mo ung una pusa nga tlaga .. ung ika dalawa ung mabigta sa bubong magnanakaw na.. try mo paputukan kung hindi magkalat kaluluwa nyan kahit aswang pa yan o magnanakaw... ganyan din d2 sa amin sa bacolod city. kala namen sa buong barangay aswang.. un pala ,magnanakaw.. bilis kase tumalon sa mga bubong laki pa ng dagan pag yumapak.. halos 1am pa lumalabas.. un na tsempuhan ng isa namen kapitbahay na aswang sya ng shotgun.
 
𝚖𝚎𝚛𝚘𝚗 𝚊𝚔𝚘 𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊, 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚙𝚒𝚝 𝚋𝚊𝚑𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚖𝚒𝚗, 𝚙𝚊𝚐 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚒𝚜𝚝𝚎𝚛 𝚗𝚢𝚊, 𝚒𝚗𝚊𝚊𝚜𝚠𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚢𝚊 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚙𝚒𝚝𝚋𝚊𝚑𝚢 𝚛𝚒𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚒𝚗
 
Para sakin sa tingin ko PUSA TALAGA YAN ganyan po samin 4 po PUSA namin ng huhuli sila ng daga sa bubung namin pag gabi haha. Parang tao ang ingay at ang bigat. Pero samin pusa talaga
 
Para sakin sa tingin ko PUSA TALAGA YAN ganyan po samin 4 po PUSA namin ng huhuli sila ng daga sa bubung namin pag gabi haha. Parang tao ang ingay at ang bigat. Pero samin pusa talaga
Loc. Po pala namin isabela main high way pa pag nasa bubumg nila parang ang bigat nila at maingay sila lalo na pag nag liligawan. Haha skl.. Pray po palagi ser godbless ypu and ypur family
 
Kabit ka cctv sa bubong nyo para malaman na.. Nung buntis asawa ko tlgang meron sa bubong nmin gabi gabi tlga may mbigat na kung ano sa bubong. gustuhin ko man lumabas ng bahay di ko mgawa ntatakot ako bka pag labas ko sabay pasukin ang asawa ko. nka-kakaba na nkakatakot din haha..
 
sabi ng lola ko yung lana or langis na pinampapahid sa katawan... kumukulo daw pag may malapit na aswang
Totoo 'yan. 'Yung nanganganak na ate ko kumukulo 'yung langis na dala nung nagpapaanak sa kanya kahit sealed na sealed naman 'yung bote. Matagal din bago tumigil, nung 2009 'yun. Kakakilabot amp.
 
mag hagis ka sa bubong niyo yung matinik na bagay or mag hagis ka ng hook yung gngamit sa pamingwit. takot kasi sila sa baliktad ang talim
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top