Ang Singsing
makinang...maganda
Pilak, ginto; may bato o wala
Ibinigay niya sa akin
Saan ko gagamitin?
Isusuot daw ito
Sabi niya: tanda ng pag-ibig ko
Para nasaan man ako
Ikaw ay kasama ko
Magandang puting ginto
Sa gitna ang maningning na bato
Subalit paano ko paninindigan ito sa kamay ko
Kung sa mga magulang mo...isa akong estranghero.
Nabalot ng pag-aalangan
Palasingsingan ba ay lalagyan
Simbolo ng pagmamahalan
Singsing lang ba ang batayan?
makinang...maganda
Pilak, ginto; may bato o wala
Ibinigay niya sa akin
Saan ko gagamitin?
Isusuot daw ito
Sabi niya: tanda ng pag-ibig ko
Para nasaan man ako
Ikaw ay kasama ko
Magandang puting ginto
Sa gitna ang maningning na bato
Subalit paano ko paninindigan ito sa kamay ko
Kung sa mga magulang mo...isa akong estranghero.
Nabalot ng pag-aalangan
Palasingsingan ba ay lalagyan
Simbolo ng pagmamahalan
Singsing lang ba ang batayan?