- Yes.
- Brow.. Hmmm, wag mo kasi ibigay yung sarili mong "definition" ng all-knowing/omniscient sa kung paano pinapakita ng Bible yung pag-gamit niya ng kakayahang malaman ang mangyayari sa hinaharap.. Ang kakayahan niyang malaman ang mangyari sa hinaharap ay dapat synchronized sa lahat ng turo ng bible, sa freewill na binigay sa atin, at specially sa mga katangian ng Diyos. Again brow, ilang beses ko na to naipaliwanag dito sa ibat-ibang thread pero pinipili lang ng Diyos na alamin kung ano ang gusto niyang makita.
Example 1: Kung nanonood ka ng NBA lalo ngayong playoffs ganda ng mga laro, may choice ka kung panonoorin mo ng live o replay yung isang game. Tama? Pag replay pinanood mo, although hindi mo pa napapanood yung "mismong" game, pwede mo na ilagay sa dulo ng timeline yung scene para malaman kung ano na yung result. Pero kahit may kakayahan kang gawin yan, hindi ibig sabihin na lagi mo nalang gagawin na alamin agad yung ending.
Example 2: May kakayahan tayong panoorin lahat ng channel at palabas sa buong mundo na available sa atin, tama? Pero hindi nangangahulugan na dahil sa may kakayahan ka, panonoorin mo na lahat. Mamimili ka lang kung anong gusto mo. Tapos, hindi ibig sabihin na "iniisip" mong panoorin yung CNN sa channel 250 ng cignal ay "actual" mo na ngang pinapanood ito. Kailangan mong "gawin" ito, like buksan yung tv, kunin ang remote, at ilipat sa channel 250 para mapanood mo ang CNN
Sa dalawang example ko, pareho kang may kakayahan na gawin yan, pero para magawa mo yan, kailangan mo ng pagkilos. At hindi ibig sabihin na may kakayahan kang gawin yan, gagawin mo na palagi. Ganon lang din sa pagiging omniscient ng Diyos
- I am saying this based sa kung paano ipinapakita ng BUONG bible yung katangian at kakayahan na yan ng Diyos. Hindi kami nagba-base lang sa PAILAN-ILANG verse kasi brow
- Brow, kung titignan mo at pag-aaralan mo talaga yung bible sa kung bakit ginawa ito ng Diyos at hindi tayo magiging biased, makikita mong ginawa niya iyon kaayon ng personality niya, na malinis, pag-ibig, banal. Yan kasi yung palaging sinasabi ng iba na mass murderer daw ang Diyos. Pero may nakakalimutan kasi kayo i-consider brow...
I-check mo tong thread ko na to kung may time ka..
Pero sa brief explanation, noong lipulin ng Diyos yung mga Canaanita, hindi lahat ng Canaanita nilipol niya. Yung mga nagsisi gaya ni Rahab at yung mga taga Gibeon na nasa Canaan, lahat sila pati mga anak nila naligtas. Paano naman yung kay Noah sa great flood? Mass murderer daw ang Diyos eh.. Nope. May possibility na almost 40 to 50 years nag warning si Noeh, pero hindi nakinig yung mga tao sa warning niya. Kasalanan ba yun ng Diyos kung hindi sila magbago?
- Madaming example sa bible na gumawa ang Diyos ng paraan para huwag mahatulan yung isang bayan o bansa. Example sa Nineve. Nakatakda ng puksain ng Diyos yung mga taga Nineve. Pero pinadala ng Diyos si Jonah para babalaan yung mga tagadoon na magsisi sila. Ilang panahon yung lumipas na pag warning ni Jonah, at ang ending, nagsisi yung mga taga Nineve kaya hindi na sila pinuksa ng Diyos. Na-badtrip pa nga si Jonah e kaya nagtampo siya, pero sinaway siya ng Diyos.
Bakit wala ako nakikitang sinasabi yan ng mga hindi naniniwala sa Diyos? Ang palaging pino-point-out ay yung mga "negative" na butas sa tingin nila? Pero yung mga ganyang record waley
- Hindi kami bulag na basta kung ano lang ang sabihin sa amin, susunod nalang.. Marunong kami mag isip kasi. At pinag-aaralan namin yung bible...yung BUONG bible, kaya convinced kami sa sinasabi nito. Walang contradiction sa bible brow. Kung may sasabihin kang contradiction na mga "beliefs" galing sa ibang religion, well, sa kanila yun na contradiction pero hindi sa bible.
Isa pa brow, yung mga hula sa bible na natupad, na proven ng history, yun ang isa sa basis namin. Hindi ito "blind faith".