Ibinangon ang Isang Napakahalagang Isyu
Ang dahilan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang kasamaan na magpatuloy hanggang sa ating panahon ay nauugnay sa pangyayaring naganap noong pasimula ng kasaysayan ng tao. Ang pangyayaring iyon ay nagbangon ng isang napakahalagang isyu na nagsasangkot sa Maylalang—isang usapin na hindi kaagad malulutas. Suriin natin kung ano talaga ang nangyari.
Sakdal ang unang lalaki at babae nang lalangin sila ng Diyos na Jehova, at inilagay Niya sila sa Paraiso. Binigyan sila ng isang kaloob na nagpaiba sa kanila sa mga hayop—ang kalayaang magpasiya. (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Dahil taglay nila ang kalayaang ito, maaaring piliin nina Adan at Eva na ibigin, paglingkuran, at sundin ang kanilang Maylalang. O maaari nilang piliin ang isang landasin na hiwalay sa Diyos at sadyang suwayin siya.
Upang mabigyan sina Adan at Eva ng pagkakataong ipakita ang kanilang pag-ibig sa tunay na Diyos, ipinagbawal Niya ang isang bagay. Iniutos niya kay Adan: “Mula sa bawat punungkahoy sa hardin ay makakakain ka hanggang masiyahan. Ngunit kung tungkol sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain mula roon, sapagkat sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka.” (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Upang patuloy na sang-ayunan ng Diyos, at para sa kanilang kapakinabangan at ng kanilang magiging pamilya, hindi dapat kumain sina Adan at Eva ng ipinagbabawal na bunga ng punungkahoy na iyon. Susunod kaya sila?
Sinasabi sa atin ng Bibliya kung ano ang nangyari. Sa pamamagitan ng isang serpiyente bilang kaniyang tagapagsalita, nilapitan ni Satanas na Diyablo si Eva at sinabi: “Talaga bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain mula sa bawat punungkahoy sa hardin?” Nang banggitin ni Eva ang utos ng Diyos, sinabi sa kaniya ni Satanas: “Tiyak na hindi kayo mamamatay. Sapagkat nalalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo mula roon ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo nga ay magiging tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.” Dahil dito, naging lubhang kanais-nais para kay Eva ang punungkahoy anupat “siya ay nagsimulang kumuha ng bunga niyaon at kinain iyon.” Nagpapatuloy ang ulat: “Pagkatapos ay binigyan din niya ang kaniyang asawa nang kasama na niya at nagsimula itong kumain niyaon.” (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Sa gayon, hindi ginamit nina Adan at Eva sa wastong paraan ang kanilang kalayaang magpasiya at nagkasala sila sa pamamagitan ng pagsuway sa Diyos.
Nakikita mo ba kung gaano kaseryoso ito? Sinalansang ng Diyablo ang sinabi ng Diyos kay Adan. Ipinahihiwatig ng mga salita ni Satanas na hindi na kailangan nina Adan at Eva si Jehova upang magpasiya kung ano ang tama at mali para sa kanila. Kaya hinamon ni Satanas ang karapatan at ang pagiging makatarungan ng pamamahala ni Jehova. Kung gayon, ang pinakamahalagang isyu na ibinangon ni Satanas ay kung talaga nga kayang may karapatan si Jehova na mamahala sa sangkatauhan. Paano sinagot ng tunay na Diyos ang hamong ito?
Kailangan ng Sapat na Panahon
May kapangyarihan si Jehova na puksain ang tatlong rebelde—sina Satanas, Adan, at Eva. Walang alinlangan na mas malakas sa kanila ang Diyos. Pero hindi ang kapangyarihan ng Diyos ang kinuwestiyon ni Satanas. Sa halip, hinamon niya ang karapatan ni Jehova na mamahala. Kasangkot sa isyung ito ang lahat ng nilalang na may kalayaang magpasiya. Kailangan nilang maunawaan na ang kalayaang magpasiya ay dapat gamitin sa wastong paraan—na hindi lumalabag sa mga tuntunin ng Diyos tungkol sa pisikal, moral, at espirituwal. Kung hindi, kapaha-pahamak ang magiging resulta, kung paanong tiyak na mapapahamak ang isang taong tatalon mula sa bubong ng isang mataas na gusali nang hindi iniisip ang batas ng grabidad. (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Maaaring matuto ang lahat ng matatalinong nilalang habang nakikita nila ang masasamang bunga ng pagpili sa landasing hiwalay sa Diyos. Ngunit kailangang palipasin ang panahon upang maunawaan nila ito.
Maaari itong ilarawan sa ganitong paraan: Sabihin nating hinamon ng ama ng isang pamilya ang ama ng isa pang pamilya sa paligsahan na magpapatunay kung sino ang mas malakas sa kanila. Madali namang lutasin ang isyung iyan. Maaaring sukatin ang kanilang lakas sa pamamagitan ng pagbuhat ng malalaking bato. Kung sino ang makabubuhat ng pinakamabigat na bato, siya ang mas malakas. Ngunit ipagpalagay na ang hamon ay kung sinong ama ang higit na nagmamahal sa kaniyang mga anak at kung talaga nga bang mahal nila siya. Paano kung ang usapin ay kung sinong ama ang mas mahusay mangalaga at mangasiwa sa kaniyang sambahayan? Hindi sapat ang lakas at mga salita upang lutasin ito. Kailangang palipasin ang sapat na panahon, nang sa gayo’y makita ng mga tao ang pagkakaiba ng dalawang ama at malaman nila kung sino talaga ang mas mahusay na ama.
Kung Ano ang Napatunayan sa Paglipas ng Panahon
Mga 6,000 taon na ngayon ang nakalilipas mula nang hamunin ni Satanas ang karapatan ng Diyos na mamahala. Ano ba ang ipinakikita ng kasaysayan? Isaalang-alang ang dalawang aspekto ng pagbatikos ni Satanas sa Diyos. May-kapangahasang sinabi ni Satanas kay Eva: “Tiyak na hindi kayo mamamatay.” (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Sa pagsasabing hindi mamamatay sina Adan at Eva kung kakainin nila ang ipinagbabawal na bunga, ipinahihiwatig ni Satanas na sinungaling si Jehova. Isa ngang napakabigat na paratang! Kung hindi mapagkakatiwalaan ang Diyos sa bagay na ito, paano pa siya mapagkakatiwalaan sa ibang bagay? Gayunman, ano ba ang napatunayan sa paglipas ng panahon?
Dumanas sina Adan at Eva ng sakit, kirot, pagtanda at, sa wakas, kamatayan. “Ang lahat ng mga araw ni Adan na kaniyang ikinabuhay ay umabot ng siyam na raan at tatlumpung taon at siya ay namatay,” ang sabi ng Bibliya. (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) At ang masaklap dito, ipinamana ito ni Adan sa buong sangkatauhan. (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Napatunayan sa paglipas ng panahon na si Satanas ay “isang sinungaling at ama ng kasinungalingan” at na si Jehova ang “Diyos ng katotohanan.”—
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now..
Sinabi rin ni Satanas kay Eva: “Nalalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo mula [sa ipinagbabawal na puno] ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo nga [sina Adan at Eva] ay magiging tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.” (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Sa pamamagitan ng mga tusong pananalitang ito, nilinlang sila ni Satanas na kaya nilang pamahalaan ang kanilang sarili. Ipinahiwatig ni Satanas na mas mapapabuti ang tao kung mamumuhay sila na hiwalay sa Diyos. Napatunayan ba na kaya ng tao na mamuhay nang hiwalay sa Diyos?
Sa buong kasaysayan, bumangon at bumagsak ang mga imperyo. Nasubukan na ng tao ang lahat ng maiisip na paraan ng pamamahala. Gayunman, paulit-ulit na sumasapit ang kalunus-lunos na mga bagay sa sangkatauhan. Tama ang naging konklusyon ng isang manunulat ng Bibliya mga 3,000 taon na ang nakararaan: “Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.” (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) “Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang,” ang isinulat ni propeta Jeremias. (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Sa paglipas ng panahon, napatunayang totoo ang mga salitang ito kahit pa sumusulong ang siyensiya at teknolohiya.