What's new

Help 8 years na sa trabaho pero walang asenso. Anong gagawin ko?

Tixij

Eternal Poster
Established
Joined
Jun 10, 2016
Posts
925
Reaction
426
Points
326
mga lods tips naman po. mahigit 8 years na ako sa work ko. pero same parin sahod ko. wala rin po promotion. sabihin na natin na may malinis akong 25k per month pero mag co-college na Anak ko kaya sigurado madadagdagan gastusin namin. tapos wala pa kami sariling bahay. hanggang ngayon nag rerent pa kami. madali lang naman trabaho ko. halos buong araw nag you-YøùTùbé lang. Sana po mabigyan nyo ako tips. Salamat po.
 
oo abroad ka. ofw ako. medyo sacrifice lang talaga lalo na at may family ka pero in return naman para ay sahod, makakaipon ka ng mabilis. isipin nyo na lang po na para sa kinababukasan kaya lalayo ka.

kapag nagyari iyon. ipon ka lang. save lagi. huwag itataas ang level ng pamumuhay. kasi mag seset ka ng goal. hndi porket abroad ka na ay itataas ng family mo ang level of expense. hindi po ganun. ipon lang para sa goal mo. bili house and lot. rent to own. mga ganun po.

good luck po sa iyong future. kaya mo yan
 
oo abroad ka. ofw ako. medyo sacrifice lang talaga lalo na at may family ka pero in return naman para ay sahod, makakaipon ka ng mabilis. isipin nyo na lang po na para sa kinababukasan kaya lalayo ka.

kapag nagyari iyon. ipon ka lang. save lagi. huwag itataas ang level ng pamumuhay. kasi mag seset ka ng goal. hndi porket abroad ka na ay itataas ng family mo ang level of expense. hindi po ganun. ipon lang para sa goal mo. bili house and lot. rent to own. mga ganun po.

good luck po sa iyong future. kaya mo yan
Salamat po. Yan din po payo sakin na tatay ko na mag abroad. Kaso parang di ko pa yata alam kung paano ko sisimulan yan. Ni wala po akong passport.

Sinubukan ko dati. Kaso parang sugal po xa.
 
Abroad, mas madaling maka ipon taz maglaan ka din para sa bahay and change of lifestyle
Salamat po. Pag aabroad nalang po cguro talaga yung solution para makabili kami ng sariling bahay.

Mag abroad ka boss.
Baka luxury lifestyle yung pamumuhay mo lods kaya di kana nakakapag ipon.
Hindi lods. Simple lang pamumuhay namin. Kahit motor di ako kumukuha kasi ayoko magkaroon ng dagdag gastusin. Nag tyatyaga aprin ako mag commute.
 
negosyo ka oy . tas hanap ibang kita salabas wag mo asahan monthly income mo .. hanap din diskarte sa labas na mag kaka pera ka like buy and sell or pautang like bombay style mga ganun mag invest ka sa kita mo kahit papano ..

tas may wifi kapa nako kung ako lang yan expand mo knowledge mo sa internet dami pwedi kitain gamit internet oy
 
Dapat may passive income ka aside sa work mo, ung kahit 50-100 a day na papasok sayo.
Ako sumasahod narin pero may mga kapatid na sinusuportahan.
Now may savings ako then I invest it into assets para kahit papaano may panglaban sa inflation.

Anyway, ung greatest investment mo ung family mo, swerte mo nga may mag cocollege na sayo.
 
Pasukin mo yung crypto dyan may pag asa umunlad pero invest knowledge first bago mag sumabak sa crypto trade
 
Hanap ka iba trabaho, marami demand IT ngayon sa mga online job seekers mapa ofw man or local. If love mo yung trabaho mo dyan mag side line ka po. yung sakto lang na kaya pa sa katawan mo.
 
labas ka ng comfort zone mo! hehe. learn to take risk. change your mindset. maraming choices sa gusto mong pag asenso. yung aksyon mo nalang yung kulang. sabi nga ni chito ng parokya. "wag kang matakot na baka magkamali, walang mapapala kung 'di ka mag baka sakali. dahil lumilipas ang oras."
 
Back
Top