What's new

Closed Totoo bang na ngangahoy ng parts ng cp ang mga repair shop?

Status
Not open for further replies.
Depende po sa model ng cellphone...may mga unit na need buksan(isp connection) jtag or pinout para ma reset or ma program yung unit..maari din kaya sinabi ni tech na matagal gagawin dahil madami siyang pending

Ako po kasi natagal ng nag bubukas ng cp pero wala akong nakikitang kahoy sa loob joke po peace to all
 
May mga phone talaga na need mabuksan o mabaklas para ma reset o hard reset. May chip dun na need i DC. But 1day ? Siguro marami pa siyang kailangan gawin kesa sa phone mo. Or ni try niyang gawin yung alam niya pero di niya nakaya kaya need niya ng 1 day para manood da tutorial ng YT. Kasi kapag ginawa niya yun mismo sa harap mo, mawawalan siya ng trabaho kaya siguro need niya ng 1 day kasi sa gabi nalang niya ito gagawin. Reason niya is babaklasin pero hindi naman talaga..
 
kung di mo kakahuyan yong mga cp na sira paano maayos yong pwede pang maayos...yong mga kinakahuyan yong sira at wala na talaga pag asa...bakit kakahuyan yong pinapaayos ..? eh malamang mabaranggay yong gumagawa o di kaya wala na magpapagawa sa kanya kung yan lahat nangyayari...di naman po siguro...pero meron talaga...pero kadalasan pag pinapagawa di po yan kinakahuyan...away ang mangyayari dyan....
 
Yep. 100%. Nakatry na ako two times magpa ayos ng cp sa mga repair shops sa mga palengke and they just recycle parts. Saka lang sila oorder if proven defective or not compatible ang mga existing components nila sa ipapa-ayos mo. Kaya nga mas mura sa kanila compared dun sa store talaga pero ganun ang buhay. lol.
 
Totoo yan may nangangahoy talaga.
kung magpapagawa ka ng phone at bubuksan ang unit kailangan sa harap mo.

may kilala kami dating tech na yung phone na pinapagawa sa kanya pinalitan nya ng sirang pyesa tapos sinabi nya sa may ari na may kailangan palitan kaya yung binenta nyang pyesa galing din dun sa phone, ang bad di ba. pero syempre hindi naman lahat ng technician ganon pero mahirap lang talaga magtiwala.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top