What's new

Totoo ba ang kulam/black magic/curses?

walang masama maniwala. at wala naman mawawala kung maniwala.

Wala pa ako karanasan sa mga ganyan. Pero kapag nadayo ako sa ibang lugar lalo na probinsya syempre di mawawala ang respeto mo dapat sa kanila. humble lang dapat.
 
that depends on how you define magic

if you mean magic as a deception of senses then it is existing and we see a lot of them in shows

but if you mean magic as a supernatural activity then as of now no, our physics is just near magic upon discoveries of einstein but not yet reached the supernatural level, though there is a chance that these supernatural events could just be a much higher form of physics that we are yet to discover
 
Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pangkukulam

ANG makabagong-panahong pangkukulam ay mahirap bigyang katuturan. Ito’y dahilan sa malaki ang pagkakaiba-iba ng mga nagsasagawa nito. Wala silang kinikilalang sentral na awtoridad o doktrina o banal na aklat upang pagkaisahin ang kanilang paniniwala. Magkakaiba rin sila sa tradisyon, organisasyon, ritwal, at opinyon kung aling mga diyos ang pararangalan. Ganito ang sabi ng isang manunulat: “Ang daigdig ng okulto ay nag-aalok sa indibiduwal ng isang ‘malayang pamilihan’ ng mga ideya.” Ganito ang sabi ng isa pa: “Karamihan sa Makabagong mga Pagano ay hindi nagkakaunawaan sa halos lahat ng bagay.”

Para sa marami, hindi suliranin ang mga pagkakasalungatan. Isang giyang-aklat para sa mga nagnanais maging mga mangkukulam ang nagsabi: “Kapag napaharap ka sa tila magkakasalungat na impormasyon, suriin ang impormasyong ito at magpasiya kung alin ang susundin. Makinig sa iyong kutob. Sa ibang pananalita, maging malaya na pumili sa mga inilathalang mga ritwal at mga aklat-aralin sa ritwal upang makapagpasiya kung ano ang nadaramang tama.”

Para doon sa nakakakilala sa katangian ng katotohanan, isang suliranin ang gayong mga pagkakasalungatan. Ang katotohanan ay tunay na pangyayari, kung ano ang totoo. Ang mga bagay ay hindi nagiging totoo dahil lamang sa ang isang tao ay nakadarama o umaasa o naniniwala na ang mga ito ay totoo. Halimbawa, may panahon na naniniwala ang mga doktor na malulunasan nila ang pulmonya sa pamamagitan ng paghati sa dalawa ng isang buháy na manok at paglalagay ng mga ito sa ****** ng pasyente. Walang alinlangan, maraming pasyente ang taimtim na naniwala na ang paggamot na ito ay magpapagaling sa kanila. Gayunman, ang kanilang mga paniniwala at mga inaasahan ay hindi kasuwato ng katotohanan—ang gayong pamamaraan ay hindi nakagagamot ng pulmonya. Hindi gumagawa ng katotohanan ang mga tao; pinagsisikapan nilang maunawaan ito.

Sinasabi ng Bibliya na naglalaman ito ng katotohanan tungkol sa mga bagay na espirituwal. Noong nasa lupa, sinabi ni Jesu-Kristo sa kaniyang Ama sa panalangin: “Ang iyong salita ay katotohanan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sumulat si apostol Pablo: “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi sumasang-ayon ang marami na nagsasagawa ng pangkukulam. Sa halip, naghahanap sila ng inspirasyon at patnubay sa alamat, sinaunang mga relihiyon, at maging sa kathang siyensiya. Gayunman, hindi ba makatuwiran na isaalang-alang man lamang kung ano ang sinasabi ng Bibliya? Tutal, ito’y halos kinikilala ng lahat bilang isang banal na aklat. Ito rin ay isa sa pinakamatatandang relihiyosong teksto na nakapanatili. Isinulat ang Bibliya sa loob ng 1,600 taon, gayunman ito ay di-nagbabago kailanman sa mga turo nito. Ihambing natin ang mga turo ng Bibliya sa ilang karaniwang mga paniniwala na kasalukuyang ipinahahayag niyaong mga nagtataguyod ng pangkukulam.
Sino ang Nananahan sa Daigdig ng mga Espiritu?

Isang mahalagang tanong sa paghahanap para sa kaunawaang espirituwal ay ito, Sino ang tumatahan sa daigdig ng mga espiritu? Bagaman karamihan sa makabagong mga mangkukulam ay mga tagasunod ng isang pananampalatayang nakasalig sa kalikasan at sumasamba sa maraming diyos, sinasamba ng ilan ang isang dakilang diyosang-ina, na minamalas sa tatluhang papel ng dalaga, ina, at matandang babae, na kumakatawan sa mahahalagang yugto ng buhay. Ang kaniyang mangingibig ay isang diyos na may mga sungay. Sinasamba ng ilang mangkukulam ang isang diyos at diyosa nang magkasama. Sinabi ng isang manunulat: “Ang diyosa at ang diyos ay nakikitang kapahayagan ng mga puwersang pambabae at panlalaki ng kalikasan. Bawat isa [na may] kakaibang katangian na kapag pinagsama ay nagbubunga sa magkasuwatong paglalang ng buhay.” Isa pang awtoridad sa pangkukulam ang sumulat: “Ang isa sa pinakamahalagang pagpipilian sa Pangkukulam ay ang iyong pagpili ng mga bathala (Mga Diyos/Mga Diyosa) na pakikipag-ugnayan mo. . . . Ang Pangkukulam ay nagkakaloob sa iyo ng kalayaang pumili at pagkatapos ay parangalan ang iyong sariling mga anyo ng Diyos.”

Hindi sinusuportahan ng Bibliya ang alinman sa mga ideyang ito. Iniukol ni Jesu-Kristo ang kaniyang buong ministeryo sa pagtuturo sa iba tungkol kay Jehova, “ang tanging Diyos na totoo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinasabi ng Bibliya: “Si Jehova ay dakila at lubhang marapat na purihin, at siya ay marapat katakutan nang higit kaysa sa lahat ng iba pang diyos. Sapagkat ang lahat ng diyos ng mga bayan ay walang-silbing mga diyos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kumusta naman ang Diyablo? Binigyang katuturan ng Webster’s Ninth New Collegiate Dictionary ang pangkukulam bilang “pakikipagtalastasan sa diyablo.” Mahirap makakita ng isang mangkukulam sa ngayon na sasang-ayon sa katuturang ito, sapagkat marami ang di-tumatanggap maging sa pag-iral ni Satanas na Diyablo. Isang kabataang babae, na inilarawan sa The Irish Times bilang “mataas ang ranggo na mangkukulam at pinuno ng isa sa pinakamahalagang kapulungan ng mga mangkukulam sa Ireland,” ang nangatuwiran ng ganito: “Ang paniniwala sa Diyablo ay nagpapahiwatig ng pagtanggap sa Kristiyanismo . . . hindi makapaninirahan [Ang Diyablo] sa isang sansinukob na walang Diyos.”

Pinatutunayan ng Bibliya ang pag-iral ng Diyablo at pinararatangan siya sa karamihan ng pagdurusa at kaguluhan sa lupa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi lamang itinuro ni Jesus na umiiral ang Diyablo kundi ipinakita rin niya na maaaring magawa ang kalooban ng Diyablo nang wala sa loob. Halimbawa, iginiit ng mapagmatuwid-sa-sarili na relihiyosong mga lider noong unang siglo na sila ay, sa isang paraan, mga anak ng Diyos at naniniwala na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos. Ngunit iba ang nalalaman ni Jesus, na nakauunawa kung ano ang nasa kanilang mga puso. Tuwirang sinabi niya sa kanila: “Kayo ay mula sa inyong amang Diyablo, at ninanais ninyong gawin ang mga nasa ng inyong ama.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Isa pa, ang manunulat ng aklat ng Bibliya na Apocalipsis ay nagsasabi na ang Diyablo ang “siyang nagliligaw sa buong tinatahanang lupa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Makabubuti ba ang Kaunting Mahika?

Ang mahika, siyempre pa, ay lagi nang kaugnay sa okulto.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Maraming tao kapuwa sa sinauna at makabagong panahon ang naniniwala na ang mahika na isinasagawa ng mga mangkukulam ay ginagawa upang magdulot ng pinsala sa iba. Ipinatutungkol sa mga mangkukulam ang kapangyarihan na magdulot ng matinding kirot at maging ng kamatayan sa pamamagitan ng mahika. Karaniwan na, pinagbibintangan ang mga mangkukulam sa halos walang katapusang sunud-sunod na mga kasawian, kabilang na ang sakit, kamatayan, at mahinang ani.

Mariing itinatanggi ng mga mangkukulam sa ngayon ang gayong mga bintang. Bagaman kinikilala ang pag-iral ng paminsan-minsang salbaheng mangkukulam na nagtataguyod ng kasamaan, iginigiit ng marami na ang kanilang mahika ay ginagamit upang magdala ng mga pakinabang, hindi ng pinsala. Itinuturo ng mga Wiccan na babalik nang tatlong ulit sa taong nagsasagawa nito ang mga epekto ng mahika at sinabing ito ay isang malaking hadlang sa pagbigkas ng mga sumpa. Kabilang sa mga halimbawa ng sinasabing nakabubuting mahika ang mga bulong upang ipagsanggalang ang iyong sarili, linisin ang iyong tahanan mula sa negatibong enerhiya na naiwan ng dating naninirahan, paibigin ang isang tao sa iyo, itaguyod ang pagpapagaling at kalusugan, iwasan ang pagkawala ng iyong trabaho, at upang magkapera. Sa pagtataglay ng gayong kalawak na mga kapangyarihan na ipinatutungkol sa pangkukulam, hindi kataka-taka na ito ay naging napakapopular.

Gayunman, walang ginawang pagkakaiba ang Bibliya sa pagitan ng mahika na mabuti at mahika na masama. Sa Kautusan na ibinigay kay Moises, nilinaw ng Diyos ang kaniyang katayuan. Sinabi niya: “Huwag kayong magsasagawa ng mahika.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mababasa rin natin: “Huwag makasusumpong sa iyo . . . ng mahiko o ng sinumang naghahanap ng mga tanda o ng manggagaway, o ng isa na nanggagayuma sa iba sa pamamagitan ng engkanto o ng sinumang sumasangguni sa espiritista.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bakit sinabi iyan ng Diyos? Hindi dahil nais niyang pagkaitan tayo ng kung ano ang kapaki-pakinabang. Ibinigay ni Jehova ang mga batas na ito sa kaniyang bayan sapagkat mahal niya sila at hindi niya nais na maging alipin sila ng takot at pamahiin. Sa halip, inaanyayahan niya ang kaniyang mga lingkod na lumapit sa kaniya para sa mga bagay na kailangan nila. Siya ang Tagapagkaloob ng “bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na regalo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tiniyak ni apostol Juan sa mga kapananampalataya: “Anuman ang ating hingin ay ating tatanggapin mula sa [Diyos], sapagkat tinutupad natin ang kaniyang mga kautusan at ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kaniyang mga mata.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Kumusta Naman ang Masasamang Espiritu?

Maraming mangkukulam ang sumasang-ayon sa Bibliya sa puntong ito: Totoong umiiral ang masasamang espiritu. Nagbabala ang isang tagapagtaguyod ng pangkukulam sa isang sanaysay: “Ang mga Anino ay nasa paligid: Sila’y umiiral, sa di-nakikitang daigdig na gaya ng sa atin, na may nabubuhay na mga nilalang. . . . Ang mga terminong ‘Maliit na Demonyo’, ‘Masamang Espiritu’ at ‘Demonyo’ ay lubhang tumpak. Sila’y napakalakas. . . . Ang pinakamatalinong uri . . . ay may kakayahan (kung sinuman ay lubhang matulungin upang magbukas ng pintuan para sa kanila) na pumasok sa ating daigdig. . . . Makapapasok sila sa iyong katawan . . . , anupat makokontrol ka pa nga sa isang antas. Oo, ito ay katulad na katulad ng matatandang kuwento ng mga inalihan ng Demonyo.”

Noong panahon ng Bibliya, ang mga taong inalihan ng demonyo ay pinahirapan sa iba’t ibang paraan. Ang ilan sa mga naapektuhan ay hindi makapagsalita, ang ilan ay bulag, ang ilan ay nag-astang baliw, at ang ilan ay nagtataglay ng kapangyarihang higit sa tao. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung minsan ang matinding paghihirap ay nadaragdagan pa kapag inaalihan ng maraming demonyo ang isang tao nang sabay-sabay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tiyak kung gayon, may mabuting dahilan kung bakit binababalaan ni Jehova ang mga tao na lumayo mula sa pangkukulam at sa iba pang mga gawaing okulto.
Relihiyong Salig sa Katotohanan

Marami ang nahuhumaling sa pangkukulam sa ngayon sapagkat ito’y tila isang relihiyon na hindi nakapipinsala, mabuti, at tungkol sa kalikasan. Ito’y tinatanggap sa ilang komunidad. Hindi ito kinatatakutan. Sa halip, ito ay kadalasang hindi pinapansin. Sa isang kapaligiran na kung saan ang pagpaparaya ng relihiyon ay umaakay sa marami na tanggapin maging ang di-kapani-paniwala, higit na nagtinging disente ang pangkukulam.

Tunay, ang daigdig ng mga relihiyon ay naging isang pamilihan kung saan ang mga tao ay malayang makapipili ng isa na babagay sa kanilang mga pangangailangan, gaya ng kung paano bumibili ang isa ng isang pares ng sapatos. Sa kabaligtaran, bumanggit si Jesus ng dalawa lamang na mapagpipilian. Sinabi niya: “Pumasok kayo sa makipot na pintuang-daan; sapagkat malapad at maluwang ang daan na umaakay patungo sa pagkapuksa, at marami ang mga pumapasok dito; samantalang makipot ang pintuang-daan at masikip ang daan na umaakay patungo sa buhay, at kakaunti ang mga nakasusumpong nito.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Likas lamang, tayo’y malayang makapagpapasiya kung aling landas ang tatahakin natin. Ngunit yamang ang ating walang-hanggang kapakanan ang nakataya, ang pagpiling ito ay mahalagang-mahalaga. Upang makapagtamo ng espirituwal na kaliwanagan, kailangang itaguyod natin ang daan ng katotohanan—ang daan na masusumpungan lamang sa Salita ng Diyos, ang Bibliya.

[Talababa]

Sa Ingles, ginagamit ng ilan ang pagbaybay na “magick” upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng uring okulto at mga ilusyon sa entablado. Tingnan ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., “Mayroon Bang Panganib sa Pagsasagawa ng Mahika?”
[Larawan sa pahina 5]

Minamalas ng marami sa ngayon ang pangkukulam bilang isang di-nakapipinsalang relihiyon tungkol sa kalikasan

[Larawan sa pahina 6]

Ang mahika ay lagi nang nauugnay sa okulto

[Larawan sa pahina 6]

Ang mga nagsasagawa ba ng pangkukulam ay walang kamalayang gumagawa ng kalooban ng Diyablo?

[Mga larawan sa pahina 7]

Isinisiwalat ng Bibliya ang daan ng katotohanan
 
Mangkukulam? Bakit ang salitang mangkukulam ay pangit pakinggan pero kapag ginawang english ay medio okay-okay pa noh? Haha 😂 E kase, ang dami-dami ng negative impression sa mangkukulam, e hindi naman sa kanila lahat ay evil o ika nga, masama.

Parang katulad ng tao. Meron tao na mababait at meron naman na masasama.

Take example si Harry Potter. Diba? Meron world of witches and warlock sa movie ng Harry Potter. Meron group of witches at warlock na good and they fight for justices while the other side ng group is meron witches at warlock na bad o evil.

Meron naman ako nababasa sa ibang online about witches if meron tao na interested on witches, kung hahanapin ng tao kung ano ang beliefs nila at open ang mind nila, well, iba lang ang spiritual path ng pagan witch o wicca ika nga- pero in Christian perspective ay consider not a good thing dahil nga ang Christian is hindi naman maka-nature based iyan. Maka-sky God up above ang mga iyan. You know deity from up above the sky na dati magkasama ang sky deity at ang nature based on earth, ngayon hindi na.

Totoo siya when it comes sa spiritual, siyempre, beliefs din iyan na the same sa other beliefs pero wala siyang magic. Walang magic na katulad na ginagamit ng witch which is magic stick but more on talking to spirits, expert in mixing herbal para sa healthy benefit ng kung sino man tao na meron sakit na ginawang negative na rin ng mga tao.

Basta ang alam ko lang na kapag ang isang witch ay ginagamitan ng curse laban sa isang tao, siyempre meron mag dedefend which is a witch din na kontra sa masamang nilalang. Meron nga silang exorcist na pag rid ng mga evils. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila pero same siya sa mga pare, pastor na nag eexorcist o nag ririd ng evil spirits.

Lahat naman ata ng beliefs ay meron ganoon.​
 
that depends on how you define magic

if you mean magic as a deception of senses then it is existing and we see a lot of them in shows

but if you mean magic as a supernatural activity then as of now no, our physics is just near magic upon discoveries of einstein but not yet reached the supernatural level, though there is a chance that these supernatural events could just be a much higher form of physics that we are yet to discover
very interesting choice of words, yeah supernatural could just be laws of physics that we are yet to discover

Mangkukulam? Bakit ang salitang mangkukulam ay pangit pakinggan pero kapag ginawang english ay medio okay-okay pa noh? Haha 😂 E kase, ang dami-dami ng negative impression sa mangkukulam, e hindi naman sa kanila lahat ay evil o ika nga, masama.

Parang katulad ng tao. Meron tao na mababait at meron naman na masasama.

Take example si Harry Potter. Diba? Meron world of witches and warlock sa movie ng Harry Potter. Meron group of witches at warlock na good and they fight for justices while the other side ng group is meron witches at warlock na bad o evil.

Meron naman ako nababasa sa ibang online about witches if meron tao na interested on witches, kung hahanapin ng tao kung ano ang beliefs nila at open ang mind nila, well, iba lang ang spiritual path ng pagan witch o wicca ika nga- pero in Christian perspective ay consider not a good thing dahil nga ang Christian is hindi naman maka-nature based iyan. Maka-sky God up above ang mga iyan. You know deity from up above the sky na dati magkasama ang sky deity at ang nature based on earth, ngayon hindi na.

Totoo siya when it comes sa spiritual, siyempre, beliefs din iyan na the same sa other beliefs pero wala siyang magic. Walang magic na katulad na ginagamit ng witch which is magic stick but more on talking to spirits, expert in mixing herbal para sa healthy benefit ng kung sino man tao na meron sakit na ginawang negative na rin ng mga tao.

Basta ang alam ko lang na kapag ang isang witch ay ginagamitan ng curse laban sa isang tao, siyempre meron mag dedefend which is a witch din na kontra sa masamang nilalang. Meron nga silang exorcist na pag rid ng mga evils. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila pero same siya sa mga pare, pastor na nag eexorcist o nag ririd ng evil spirits.

Lahat naman ata ng beliefs ay meron ganoon.​
interesting sa pag point ng exorcist as reference sa real life scenarios, what if may organization ang mga magic users at trabaho pala nila na protektahan tayo sa mga masasamang witch users din na di lang natin alam?
 
Mangkukulam? Bakit ang salitang mangkukulam ay pangit pakinggan pero kapag ginawang english ay medio okay-okay pa noh? Haha 😂 E kase, ang dami-dami ng negative impression sa mangkukulam, e hindi naman sa kanila lahat ay evil o ika nga, masama.

Parang katulad ng tao. Meron tao na mababait at meron naman na masasama.

Take example si Harry Potter. Diba? Meron world of witches and warlock sa movie ng Harry Potter. Meron group of witches at warlock na good and they fight for justices while the other side ng group is meron witches at warlock na bad o evil.

Meron naman ako nababasa sa ibang online about witches if meron tao na interested on witches, kung hahanapin ng tao kung ano ang beliefs nila at open ang mind nila, well, iba lang ang spiritual path ng pagan witch o wicca ika nga- pero in Christian perspective ay consider not a good thing dahil nga ang Christian is hindi naman maka-nature based iyan. Maka-sky God up above ang mga iyan. You know deity from up above the sky na dati magkasama ang sky deity at ang nature based on earth, ngayon hindi na.

Totoo siya when it comes sa spiritual, siyempre, beliefs din iyan na the same sa other beliefs pero wala siyang magic. Walang magic na katulad na ginagamit ng witch which is magic stick but more on talking to spirits, expert in mixing herbal para sa healthy benefit ng kung sino man tao na meron sakit na ginawang negative na rin ng mga tao.

Basta ang alam ko lang na kapag ang isang witch ay ginagamitan ng curse laban sa isang tao, siyempre meron mag dedefend which is a witch din na kontra sa masamang nilalang. Meron nga silang exorcist na pag rid ng mga evils. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila pero same siya sa mga pare, pastor na nag eexorcist o nag ririd ng evil spirits.

Lahat naman ata ng beliefs ay meron ganoon.​

másáráp pakinggan kapag english: Salem witch trials.. hehehe
 
I think this is true. Nabanggit ito sa bible and kahit born absinthe Christians naniniwala dito. Meron talaga good and bad spirits
Sa may egypt nung pagpasok nila sa may throne nung masamang pinuno na maraming alipin, tama ka binanggit dun na may mga witch at mahikerong kasangga yung hari

walang masama maniwala. at wala naman mawawala kung maniwala.

Wala pa ako karanasan sa mga ganyan. Pero kapag nadayo ako sa ibang lugar lalo na probinsya syempre di mawawala ang respeto mo dapat sa kanila. humble lang dapat.
Tama, matutong rumespeto sa kulltura/paniniwala/kinagawian ng mga tao
 
Sa may egypt nung pagpasok nila sa may throne nung masamang pinuno na maraming alipin, tama ka binanggit dun na may mga witch at mahikerong kasangga yung hari

Tama, matutong rumespeto sa kulltura/paniniwala/kinagawian ng mga tao

Maraming beses sila nabanggit sir sa old testament at inutos doon ng Diyos sa wag maniwala (sumunod) or wag sila tangkilikin dahil masama sa mata ng Diyos yung ginagawa nila. So bukod don a nangyari sa Egypt, ang Diyos mismo ang nag sabi na meron talaga, wag lang i-patronize.
 
Bro ang dami kong PDF's dati plus may instruction/step-by-step pa kung paano yung ritual and sh*ts.

Pero di ko ginawa kasi takot rin ako sa kung anong pwedeng mangyari insert clueless di ko rin alam kung totoo yung mga yun.

Kaya pa wards dito TS. xD
 
másáráp pakinggan kapag english: Salem witch trials.. hehehe​

Sa akin, hindi. Hindi másáráp pakinggan. Parang mass murder o genocide ang lumabas sa ganoon salem witch trials na iyan. Ang iba lang naman ay napagbintangan na witch na walang katibayan. Both men at women ay pinapatay basta witch. Nagkataon na mas dominated ata o mas influential kase ang babae pagdating sa witch lalo na meron silang itinatawag na crone. Ang witch kase sa babae ay equivalent nun is matalinong babae o ika nga knowledgeable in mixing herbal. Ang witchcraft kase ay kahit sino-sinong tao ay pwede gumamit. Kahit nga Christian o Muslim ay pwede magsagawa ng witchcraft.

Ito pa ang masama. Kaya siguro, napapasama ang witch dahil ang karamihan na gumagamit ng witchcraft ay hindi naman witch. Kahit sino kase ay pwede gumamit so kahit Christian, Protestante, Catholic o kung ano man ang religion na meron ang tao, basta marunong sa witchcraft at ginamit sa masama and since witchcraft ay associated sa witch, talagang mapapasama ang witch diyan.

Ganyan ang nangyari sa witch trials. Kahit sino-sino ay pwede magsagawa ng witchcraft.
very interesting choice of words, yeah supernatural could just be laws of physics that we are yet to discover
interesting sa pag point ng exorcist as reference sa real life scenarios, what if may organization ang mga magic users at trabaho pala nila na protektahan tayo sa mga masasamang witch users din na di lang natin alam?​

Maybe. Uneducated lang kase tayo sa mga witch at witchcraft, wizard, warlock or ano pa man. Hindi ata tayo binigyan ng pagkakataon na unawain ang mga ganoon dahil ipinagbabawal o ika nga ay taliwas sa paniniwala ng Kristianismo. Ganun.​
 
Skl din
Naniniwala ako sa black magic, kulam or gayuma. Ewan ko kung magkaiba un pero parehas may ritual.

I have crush before, naging kami pero ilang beses nya akong niloko. Ako na nagpaka ***** lang, then kahit iwan at saktan nya ako then makipagbalikan ulit para lang abusuhin ako. G lang ako puctha HAHA
So way back 2017 may witchcraft website pa noon na sobrang luma na. Pero kung hahanapin ko ngayon Di na makita.

Ginawa ko ung ritual noon, sinulat ko sa papel ung mga salita (yempre nagtranslate muna ako sa Latin na un baka masamang salita pala, pero oks naman. Then pinakinggan ko rin kung papano bigkasin para maayus ung ritwal) at sa phone ko namab naka open ung photo nya haha.

Syempre may tamang oras at araw kubg kelan gagawin ayun sa rules. So ilang beses ko nakakalimutan Eh naka 3weeks ata ako ng missed bago nagawa un.

So after ko nagawa Yun, ilang bwan nakalipas nagbago na sya saken.

Till now baliw na baliw sya saken Lmao HAHA. Lagi ako ginagawang reyna o prinsesa, laging sabik at super effort.

Dahil naniniwala ako as my experience, balak ko ngayon mag order ng black candle para naman to sa masamang kaaway. Kaso wala na ung website ng source ko noon sa gayuma.
Meron kaya kayong idea lods? Ayoko naman din dumating sa Punto mag hahire ako ng G*nman. Kaya mas okay na talaga ako tong black magic.

I think this is true. Nabanggit ito sa bible and kahit born absinthe Christians naniniwala dito. Meron talaga good and bad spirits
Actually if you believe in bible, you must believe in witchcraft.

Isa din sa pinagbabawal diba ng kristianismo ay ang Black magic, kulam, witchcraft dahil nga kapag ginawa mo un, mas pumapanig ka sa demonyo.

Which is true pala ang black magic (for Christian beliefs) pero madalas padin sa mga kristiano, Hindi naniniwala rito.

Ako naman na di naniniwala sa Bible pero naniniwala sa witchcraft HAHA 😂
 
Last edited:

wow, pero normal parin naman ba yung crush mo? na inlab lang talaga sayo?
 
Taga probinsya din ako at nniniwala ako dito,ngunit sa kadahilanan ng modernisasyon ngayun Hindi na ganun kalawak Yung gantong uri ng paniniwala Lalo Nat Yung ibang papasahan ng abilidad gaya ng anak o APO Hindi nil ito tinatanggap
 
Similar threads

About this Thread

  • 30
    Replies
  • 6K
    Views
  • 16
    Participants
Last reply from:
jayendecastro

Online statistics

Members online
521
Guests online
5,603
Total visitors
6,124
Back
Top