What's new

The White and Black Magic, and Summoning Demon (A Little Bit Information)

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,905
Reaction
874
Points
532
Meron ako natutunan. A little bit lang naman. Hindi ako expert or anything. Kung naaalala ang movie na Hansel & Gretel: Witch Hunters na isang horror/action ay meron sa movie na iyon na white witch and black witch. Yung white witch is a good witch while ang black witch is an evil witch. But both sila expert in casting a spells. It depends kung gagamitin sa mabuti o kung gagamitin sa masama. Yung black witch in the movie, ginagamit niya ang powers niya sa masama. Yung good witch, ginagamit niya ang powers niya sa mabuti like healing and so on and so forth. But ang movie na iyon is fictional lang siya. Wala naman kase siyang magic na tipong meron lumalabas galing magic wand. Walang ganun.

But na realize ko na meron nga talaga white spell and black spell pero hindi siya katulad ng movie na itinutukoy ko dahil fictional lang siya. Ang natutunan ko sa white spell and black spell based sa mga tao na nagpapractice o practitioner ng spell , ang sabi , wala raw good at evil either sa white and black spell po. Wala. But meron ibang practitioner na hindi nila pinapractice o hindi nila ini-include ang black spell. Naandoon pa rin sa ilan tao na practitioner na meron perception na evil raw ang black spell. But sabi ng ibang tao , wala raw good at evil either sa white and black spell dahil color lang siya. Yung white spell , ang pagkakaunawa ko , light lang siya. Hindi siya mabigat. Unlike sa black spell , mabigat ika nga. What I meant na kapag sinabing mabigat is meron consequence kung hindi marunong. Sabihin natin na meron backfire. Meron balik. So kung sakaling , hindi marunong ang tao at ang kina-cast na spell which is black spell ay posibilidad na ang balik nito ay triple. Kung baga ay meron backfire. Yung white spell is light lang siya na walang consequence ang balik. Kung baga , wala siyang backfire. Minsan, ineffective kung hindi marunong.

Ito pa ang naiintindihan ko. So halimbawa, ang tao ay gusto nito mag cast ng black spell like getting a job? or to have money? or whatever? So kung magcacast ng spell , kailangan meron ang tao na positive energy na esesend nito to the universe pero kapag meron ang tao na negative energy pagkatapos na esend mo siya to the universe , ang balik sa iyo ay triple. So ang pagkakaintindi ko , kinakailangan panatilihin ang positive energy para hindi bumalik ang consequence na hindi maganda. Iyon ang pagkakaintindi ko sa black spell. Alam niyo yun? Baka magbackfire. Like nagbackfire siya dahil nagkaroon ang tao na anxiety, nagduda siya sa ginagawa-gawa niyang casting of spell, naalala niya ang past experience niya sa ex-jowa niya kung kaya nakaramdam ng lungkot at galit sa puso at damdamin , depress siya and so on and so forth.

Kaya pala, meron ako nababasa o naririnig na sinasabi na magpaconsult daw sa expert practitioner pagdating sa mga ganyan dahil siyempre, kapag hindi marunong, baka meron backfire ang mangyari.

So see? Wala naman siyang magic po katulad ng mga ibang tao na mahilig magparata na keyso there is no scientific evidence kuno. Ang masasabi ko is more on manifestation , law of attraction and so on and so forth. It is more on positive energy and it is all about spirituality. Para lang siya similar to a Christian , Judaism and sa iba pang belief system na ang importante is all about our spirituality. Kung kagaano ka-positive spirit natin within us. Diba? Sa Christian , if we pray to God , remember? Kapag wala sa bukal sa puso at damdamin ang hinihingi-hingi desire , halimbawa , we want to get a job , natural , ineffective siya kapag not serious ang prayer natin as a whole or deep inside , may galit ang tao o tipong nagdududa o tipong pilit lang o sabihin natin , hinding-hindi talaga siya naniniwala , natural , ineffective siya kapag we pray to God. Plus, andoon din ang take action.

Wala kase magic sa mundo tipong nakaupo ka lang and then , may tatawag na keyso na hired na sa trabaho. Walang ganun. Kailangan talaga mag-apply and so, kailangan din ng take action.

Ngayon , pagdating sa summoning demon (meron kase ibang Pagan na nagsusummon ng demon and general speaking in Paganism po) well, ang demon sa Paganism , mga wicca, iyon (wicca ang alam ko na pwede naman ako ecorrect kung nagkamali ako), ang demon sa kanila is not purely evil. Kung baga good and evil siya at hindi siya pure evil. Sa Christian beliefs, ang demon sa kanila is purely evil. Sa Yin/Yang na based on napapanood ko na movies , ang demon sa kanila is meron pang hope na magbago and so , ganun din. Hindi sila pure evil. Noon unang panahon , wala pang Christian. Wala pang organized religion and so , noon unang panahon , wala silang concept ng good vs evil. Wala pa. Nagkaroon lang siya ng good vs evil nang modern belief system na like Christian and other organized religion na alam natin. Ang Paganism kase , lahat ay ini-include nila. Lahat ng spirit sa earth bound. As in lahat. So wala silang good and evil. Yung mga dieties ng Paganism , meron God and Goddess. Wala silang concept ng good and evil. Sa Christian and I think sa ibang organized religion , meron na. Meron na silang good vs evil katulad ng God vs Satan. Light vs dark. Superior and inferior. Dominant and submissive and so on and so forth.

Sa video na nakita ko which is comedy siya pero parang ginawa lang siya comedy upang maka-send ng message sa tao na nanonood. Yung tao na nagsusummon ng demon ay marunong silang mang-control ng demon at hindi sila na-cocontrol ng demon. The reason is this. Kapag nag-summon sila ng demon , para silang business partner. Ang may authority sa demon ay ang nag-summon sa kanila at siyempre , uutusin nito kung ano man ang gusto ng tao na nagsummon sa kanya. Natural , susunod sa kanya.

Ngayon , ganito. Mga expert practitioner lang po ang meron kakayahan mang-control ng demon dahil kapag ang tao ay hindi marunong , demon ang magcocontrol sa tao lalo na kung alam niya ang weakness ng tao po. Yung nagsusummon or nag-iinvoke ng demon ay ang tao na hindi takot sa demon. Hindi. Meron silang shield. Um. Sabihin natin na as long as meron ang tao na positive energy , mentality , emotionally and spiritual po , ang demon ay walang kakayahan manakit ng tao. Sila ang takot sa tao.

Ganito na lang. Para maintindihan. Do you remember Jesus Christ in the bible? Si Jesus Christ ay hindi takot sa demon. Ni hindi nga siya inaatake. Why? Takot kase ang demon sa kanya. Nasa bible siya kung saan pinalayas ni Jesus Christ ang demon. So parang chil-chil lang. Ganun din ang mga taga-exorcist like Catholicism , Christian or sa ibang belief system na kung saan sila ang may authority na magpalayas ng demon sa tao na possess po. But once takot ang nag-eexorcist o sabihin natin na nawalan ng faith , nagduda or anything na meron negative energy na nakikita ng isang demon , pwede sila mang-attack or sila ang magcocontrol sa mismong nag-exorcist po.

Ganun din ang ibang tao na nagsusummon ng demon na I think na tao na galing sa Paganism ng Wicca. Kung na reremember , ang Christian and some other Abrahamic belief system ay rooted siya ng Paganism po. Kaya tingnan niyo , yung asin na pang get rid ng evil spirit ay meron din sa Paganism pagkatapos ganun din sa Christian as general as whole na asin din ang pang get rid of evil spirit.

Iyon lang ang natutunan ko. Anyway, sa loob-loob ko, kung tinake advantage lang siguro ni Jesus Christ ang demon galing bible , ano kaya ang mangyayari? Tipong utos-utosan din niya ang demon na pagpapatayin ang mga kaaway niya pero sadyang mabait si Jesus as in , ang ginawa lang niya ay inutusan lang nito palayasin sa katawan ng tao na possess.






 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top