What's new

Closed Subok ko lang mga paps

Status
Not open for further replies.
Joined
Feb 16, 2017
Posts
8,217
Reaction
2,978
Points
2,026
Ang pagsisimula ng wakas

Ako ay di makali sa aking nadarama
Wala namang malalim na dahilan para na akong t*nga
Sapagkat palaging may umuukilkil sa isip ko
Itong isipin na balang araw akoy iiwan mo

Napapansin ko palagi kang mabango
Wala ka namang okasyong pupuntahan yan ang sabi mo
Ngunit nung tinanong kita kailan ang uwi mo
Sagot mo ewan kung kailan di ako sigurado

Akoy nakatingin sa salamin
Dahan dahan pinupulot ang nagkapira piraso kong damdamin
Pinipilit kumbinsihin ang sarili ko
Na wala akong dahilan sa puso mo

Nitong nakaraang gabi habang ikay tulog at katabi ko sa kama
May sinambit kang pangalan ng iba
Tinanong kita ukol sa bagay na ito
Sagot mo ganon parin tayo walang nagbago

Nasabi ko habang nakatingala sa ulap
Akoy lalaking maraming pangarap
Sana naman itong aking kutob ay di maganap
Para pag naglaon di na ako magpanggap

Sana hindi magkatotoo ang mga bagay na aking inaakala
Sapagkat ang tunay kong nadaramay di maitago ng aking mga mata
Dahil bigla bigla nalang akoy lumuluha
Dahil baka ito na ang huli nating pagsasama
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top