What's new

Harsh Management Approach

ZxCodeee

Honorary Poster
Joined
Nov 6, 2023
Posts
65
Reaction
783
Points
151
Age
23
Hello po.

Hihingi po sana ako advice.

Na-hired po kasi ako as Software Engineer noong Dec. 5 po ang start ko. And sa contract ko po ay may nakalagay na Employment Locked In for 9 months which is bawal ka magresign or materminate sa loob ng 9 months dahil magkakapenalty ka ng 1 month gross pay mo which is sa case ko 16k. At ang diniscuss ng HR sa akin noon kaya daw may ganon dahil marami daw pong naalis agad.

At noong pagpasok ko po naranasan ko agad mapahiya or pagalitan ng boss dahil lamang sa hindi ko pagbati pagpasok ng zoom meeting which is ang nasa isip ko po mas nakakabastos kung bigla na lamang po ako magsasalita habang nag-uusap sila sa meeting. Sinabihan po ako ng mga salitang, bastos, unethical at kung ano ano pa. And after po non sinetup nila yung outlook ko and dahil nga sa wala naman pong proper orientation, nalogin ko po doon ang personal acc ko. Hindi ko po alam na bawal, pwede naman po niya kong sabihan sa maayos na pananalita ngunit harsh words pa rin po yung naging approach nya towards me like, “Madam, nakakaintindi ka ba?”, “* tulungan mo nga si Ms. ** dahil masyado syang nangunguna” at kung ano ano pa.

Also dinadamay nya po lagi sa usapan ang pagiging cum laude ko. Ang mga with honors daw po kasi ay masyadong mataas ang tingin sa kanilang sarili.

Ayaw niya pong nakokontra lagi ang idea niya. Nagagalit po siya. Ayaw niya din po yung tanong nang tanong. Saan naman po ako magtatanong? Wala naman pong nagtetrain samin kundi siya.

Also nagsabi po ako sa kanya na natatrauma po ako. Ininvalidation niya lang po nararamdaman ko. Masyado daw pong mabigat ang word na trauma para bitawan ko. Ang sabi ko naman po magkakaiba tayo ng emotional level.

Hindi lamang po ako ang nakakaranas nito pati na rin ang mga kasama ko, pero sila po ay nagtitiis lang. Sa sitwasyon ko naman po di ko po kayang magtiis sapagkat naaapektuhan na po ang mental health ko. Kada magnonotif po ang skype eh nagpapanic na po ako agad.

At wala pong proper training na naganap, ang ginagawa niya lang po ay bibigyan ka ng instructions and dapat gawin mo, at doon ka lamang niya imemeet sa zoom. Ako po ay fresh grad kaya nahihirapan po ako mag-adapt sa pamamaraan niya.

Bago pa po ako makapasok, meron na pong nauna sakin. 2 weeks palang din po ay umalis na daw yon. Pero sa case po niya siya po ay sumagot sagot dahil din po talaga sa approach ng boss sa mga employees.

Ang problema po, gusto po nila ko pagbayarin ng 2 months gross pay which is 32k. Sa pagkakaalam ko po ang Employment Locked in ay para lamang sa mga ρáíd trainings or certificates na ginastos sayo. Pero ang nakalagay po sa contract is para daw po sa recruitment fees which is yung medical po nila ay free and worth of almost 800. Maski microsoft account and enrollment daw po ng enterprise software is ichacharge sa akin which is service po ng company nila yun at dapat talagang binibigay nila sa kanilang employees yon. At isa pa po yun po ay transferrable. Dahil hindi ko naman po account ang ginamit nila sa pag avail ng microsoft licensed. Nandoon po sa laptop na pinrovide nila sa akin and willing naman po akong ibalik.

Ano po ang maipapayo niyo sa akin?

Maraming salamat po.
 
Insecure yung boss mu. Di ko alam if me batas regarding diyan. Baka sa Dole paps search regarding ganyan.
 
Unang una red flag na agad yung sweldo mo, masyado ka naman ata binarat. Mga call center ngayon na hindi naman graduate na oofer ng 20-24k. About sa naka lock in ka, check mo contract mo if meron nakalagay about reemination if babaydan mo pa din if hindi, wag ka ng pumasok mag pa terminate ka na. Kaya madaming umaalis diyan kasi ganyan sistema nila, mental health is not a joke. Drop mo name ng company na yan at maiwasan.

Edit: meron palang about sa termination, consult a layer about sa legalities. Or ask mo sa reddit madaminf makakasagot sayo dun.
 
AtomIT Business Solutions Corp.

Kaya po pala una palang medyo duda na ko wala akong maresearch about sa company.

Nagconsult na po ako sa DOLE, ang sabi naman po magfile ako ng immediate resignation at wala daw po ako dapat bayaran. Pag di daw po pumayag doon palang daw po ako pwede magfile ng complain.

Kaya lang po mukhang ilalaban ng boss kasi gusto niya hingin contact ng nakausap ko which is di ko naman po binigay kasi bawal daw po yun as per DOLE. Ipapakausap daw po niya sa corporate level.

Problema ko nalang po walang evidence. Yung naka-witness naman mukhang di magsasalita since naging usual na daw po kasi sa kanya yung ganon ng boss kaya pasok sa kabila labas sa kabilang tenga nalang daw po.

Tuwing meeting po kasi ang gamit ay zoom. Kaya malalaman kung nagrerecord, di naman po pwedeng hindi naka-earphone kasi madidistruct po yung iba.

Yung boss po kasi na yon masyadong sarado ang pag-iisip. Ayaw niya ng nakokontra yung idea niya.

Anyways, may screenshot naman po ako ng convo with another co-employees. Pero di po pwedeng gawing evidence yon. Pero makikita po doon na hindi lang ako ang nakakaranas noon, maski sila pero sila po nagtitiis. Ako po di ko po kaya kasi pati mental health ko naapektuhan na.
 
Wala bang HR sainyo? Pwde mo naman siguro escalate yan. Ang alam ko kasi di ka namn talaga pwde harangin if gusto mo talaga mag resign karapatan mo un, though hindi lang ako familiar diyan sa lock in period na yan, meron sa company namin ung ganyan pero yung binigay lang sa amin na 12k wfh setup which is fair naman na bayadan mo if hindi ka pa umabot ng 1year. Kaso yan ganyan sainyo exploitation yan, para tuloy scam haha meron ba ganun magbabayad ka ng sweldo mo pag nag resign ka. Papahirapan ka tapos ang tendecy mag reresign ka talaga instant money haha. Mag submit ka ng review sa glassdoor. Anyway mag consult ka sa mag alam sa batas about diyan para may bala ka
 
ako work from home dati na gumagawa ng solution manual sa chegg, coursehero, quizlet, $1000 to $1500 or P50-80k per month na. the down side is nakakaburnout talaga tapos pinapaulit pa yung solution kapag mali, nung nalayoff kami after 18 months, natuwa pa talaga ako, buti nakalikom na ako ng at least 800k. pwede na kahit di mag work for 3 years :ROFLMAO:.
 
parang scam ang datingan ha yayariin ka para ma mental ka para mag resign tapos pagbabayarin ka. lakas maka pu***** yang company na yan sayang hindi ka makakuha ng ebidensya ang sarap sana ipa tulfo yan. gustong gusto ni tulfo yang ganyang istorya eh magkaka pera sya sa ganyang episode ng RTA.
 
sa mga BPO Bond tawag dyan at naka lista sa kontrata yan kadalasan...
Pero kung wala kang pinirmahan at wala kadin copy ng contract, then they got nothing against you.

pang mangmang lang sa batas yang RTA boss
irerefer lang sya ni Tulfo sa DOLE at PAO kunsakale, pag kakakitaan lang ni tulfo yan sa YøùTùbé channel nya..
mas maganda na rumekta tlga sa DOLE at PAO para rekta action na
 
ang maganda lng dun maka bawi sya sa ginawa sa kanya. masira yang company na yan ewan lang pag na kita sa tulfo yan kung may mag tangka pang pumasok dyan. pupulutin sa kalsada yang boss na yan lols
 
ang maganda lng dun maka bawi sya sa ginawa sa kanya. masira yang company na yan ewan lang pag na kita sa tulfo yan kung may mag tangka pang pumasok dyan. pupulutin sa kalsada yang boss na yan lols
well, that sounds great and shitty hahaha
 
SmartSelect_20231220_155845_Chrome.jpg

Ikaw ba nag submit ng review na ito, parehas na parehas kayo ng sintemyento haha
Hindi naman sa sinisisi kita. Pero whenever u accept the JO. Tignan mo muna mga rebiews niya kung ilan employee and all, wag na wag sa mga startup company wag kang maniniwala sa bullshit na family tayo dito ulol nila.
 
Attachments

View attachment 2844702

Saan niyo po ito nakita? Nov. 29 po nila ko officially na-hired so wala pa po talaga akong alam na ganyan kabasura yung company nila

Fresh grad pa po kasi ako and tuwang tuwa po ko sa position na ibinigay nila “Software Engineer” kahit na ang inapplyan ko lang po ay PHP Developer kaya napapirma din po agad ako sa JO contract kasi masyado pong mabait kausap ang HR. Nag-ask naman po ako non kung may training, nagsabi naman po siya ng oo kasi puro fresh grad naman daw po makakasama ko.
 
Last edited:

google ko lang company mo yan na agad ang lumbas na review skanya. That means ganyan talaga diyan kaya dami nag reresign. Mga recruiter sadyang mababait may mga referal yan wala sila pake kung ano mangyari sayo after, basta makuha nila ref nila. Madaming mga company na ok sa fresh grad tulad dito sa company ko na Accenture, minsan toxic nga lang haha. Pero manageable pa naman. Wala kang growth diyan mag hanap ka ma ng iba.
 
pag sa akin ginawa yan, di ko na babalikan kinabukasan. baba ng sweldo taz basura trato sayo.
wala akong pakialam sa 9 month ek ek nila.
madming pwedeng applayan.
sa umpisa palang red flag na e 😎
 
Similar threads

Back
Top