- Joined
- Nov 29, 2021
- Posts
- 28,743
- Solutions
- 551
- Reaction
- 42,539
- Points
- 19,438
Shoutout kay nanay kanina sa LRT (Munoz) na pinipilit pakainin ng Yumberger yung anak nya.
Nanay: Kainin mo na yan kasi hindi kapa nanananghalian!
Anak: Ayaw ko pa, hawak ko lang po.
Nanay: Sige ka, kapag hindi mo pa kinain yan ibibigay ko yan dito sa katabi natin !
Anak: Ayaaw!
After 25 mins hindi parin kumakain yung bata.
Nanay: Ibibigay ko na talaga yan sa katabi natin!
Anak: Hindi pa ako gutom!
Nasa LRT Edsa Taft Station na kami, isa nalang at last station (Baclaran) na, kaya nagsalita nako.
Ako na Katabi: Nay, kanina pa ninyo sinasabing ibibigay nyo sakin yang Yumburger, eh sa kakahintay ko dyan sa Yumburger lumagpas na ako sa Central Station. Ano, ibibigay nyo pa ba o hindi