What's new

Closed Sino na nakakita ng white lady ?

Status
Not open for further replies.
May kakaiba sa ghost na nagpakita sa kanya. Mischievous at maingay. Nagtatalon sa bed niya at nanghihila ng kumot at sumisigaw sa mukha niya. Every 12 am plus nagpapakita sa room niya for 3 straight days. Babae na mahabang buhok, puti ang damit pero walang mukha. Usually sa mga nakakita niya mukha pa rin namang tao pero iba yun.
May mga types ng ghost
Playful ghost like casper if alam mo kung sino si Casper
At Freddy ghost ng sa ghost buster
Nakakapagtaka na
Aswang ay naging ghost
 
Nakakita na ako ng white lady doon sa P***H*B ang puti pa sa white :)
 
Last edited by a moderator:
tutuo talaga ang White Lady, nakakita na ako nyan, tutuo nga sabi ni papz.. pag harapan mo nakita at lalo na halos magkalapit kayo, siguradong hindi mo kayang igalaw ang buong katawan mo at kahit sumigaw ka walang boses ang lalabas sa iyong bibig, at ang pakiramdam na parang giniginaw na binabanas buong katawan mo, yung tipong naghalo ang init at lamig sa katawan, taz parang may humahawak sa batok mo at buhok, matinding kilabot pakiramdam at makakagalaw ka lang at makakapag salita pag biglaan may dumating na tao or biglang may nagtawag sayo or meron kang marinig na ingay sa labas ng bahay nyo.
 
langya nakakakilabot naman makaranas pakitaan ng masamang espiritu nayan kakaripas talaga ako ng takbo oras na makaramdam ako na may masamang espiritu na magpapakita yaeks
 
eto dagdag trivia"
pupamasok din yan sa katawan ng tao, pag sobrang dina nya kinaya ang takot, sa madaling salita sumasanib ito sa tao kaya talagang makatakot ang white lady
 
tutuo talaga ang White Lady, nakakita na ako nyan, tutuo nga sabi ni papz.. pag harapan mo nakita at lalo na halos magkalapit kayo, siguradong hindi mo kayang igalaw ang buong katawan mo at kahit sumigaw ka walang boses ang lalabas sa iyong bibig, at ang pakiramdam na parang giniginaw na binabanas buong katawan mo, yung tipong naghalo ang init at lamig sa katawan, taz parang may humahawak sa batok mo at buhok, matinding kilabot pakiramdam at makakagalaw ka lang at makakapag salita pag biglaan may dumating na tao or biglang may nagtawag sayo or meron kang marinig na ingay sa labas ng bahay nyo.

yes tama same feeling !
 
Nakakita napo ako nyan kaso di maaninag yung mukha nya medyo antagal kosya nakita kasi yung galaw nya yung parang nakalutang sya nung nakita ko parang di ako makapaniwala di agad ako natakot kasi kitang kita ko talaga late na oras na yon nandun ako sa kapit bahay uuwi nako pagbukas ko pinto bigla sya dumaan sa harapan ko after nun dami na pumasok sa isip ko dun nako nakaisip ng mga nakakatakot naisip ko baka makita ko ulit sya tapos kita na yung muka haha. Di ako makauwi nun kung di pako hinatid nung tao sa bahay na pinuntan ko. Tsaka totoo sabi nila parang huminto yung oras pagkakita mo sa white lady, di din ako naniniwala, naniwala nalang ako dahil naexperiene koyun, ewan konga dun di maipaliwanag yung pangyayari nayon wala naman ako naiisep na nakakatakot non at bigla nalang may nakita ako.
 
Last edited:
may nakita nadin ako shadow na tao sa ilalim ng malaking puno sa labas ng gate na dating inuupahan namin, tsaka ilang beses nadin ako nabangungot yung shadow na parang tao din nakikita ko tapos gusto kosya sundan kaso di ako makakilos, nakakatakot yung pakiramdam nayon ilang beses na nangyari sakin kaya pag binabangungot ako nilalabanan ko pinipilit ko gumising. minsan ang cool din kasi parang nasa ibang dimensyon ka tapos alam mo yung nangyayari kahit tulog ka tapos ikaw pa mismo nagcocontrol haha, pero ngayon medyo matagal na di nako uli nakakaranas ng mga ganyan last na naano ko yung double bangungot akala ko nagiseng nako dipa pala natakot ako baka di nako makaalis dun kaya pinilit ko ule magiseng tapos yun totong giseng na salamat haha.
 
Last edited:
eto papalala may naalala pako kakaiba din para sa karanasan ko, ewan ko kung normal na panaginip lang o bangungot din kasi pag giseng ko yung ****** ko parang hingal na hingal, napanaginipan konun naglalakad ako sa isang straight na lugar tapos sa palagid habang naglalakad ako may mga nakikita akong tao pati mga kakaibang itsura na parang demonyo tapos yung mga tao naririneg ko sumisigaw at habang naglalakad ako padiretso lalong nagiging worst nakikita ko tapos mainit daming mga boses na sumisigaw at nahihirapan sila di nako tumuloy pa sapag diretso sa daan nayon diko kinaya ginawa ko tumakbo ako ng mabilis pabalik tapos sa dulo parang dead end na kailangan mo tumalon edi tumalon ako dun madilim sa dead end nayon pagtalon kodun bigla lumiwag tapos itsura ng langit tapos may narineg ako kumakanta na mga anghel tapos yun hanggang dun lang nagiseng nako. haha grabe birthday kopa naman ngayon naisipan ko magshare ng mga ganyan haha.
 
Ako di pa nakakita ng white lady pero nakaranas ng pagpaparamdam nila
Madaling araw na nun nagising ako sa kaluskos kasi gising na pala nanay ko eh brownout pag mulat ko yon lighter na may maliit na flashlight ginamit ko tapos tinutok ko sa pinto ng kwarto kasi nakabukas bumangon ako para isara tapos may bigla nalang parang nahulog na aparador sa hagdan namin pababa talagang kumakalabog sunid subod blag blag blag blagadag tapos nun pumasok nanay ko sa kwarto tapis sabi niya tingnan daw namin kung ano yong kumalabog sa hagdan
Dala dala ko flashlight sabay kami ni nanay tiningnan namin yonf hagdan inaasahan namin may makikita kaming malaking bagay o kung ano man sa baba ng hagdan pero laking gulat at pagtataka namin wala ni kahit anomang bagay na nalaglag sa hagdan walan kaming nakita
Pagkatapis nun nanindig balahibo ko sa batok tapos hinila ko na si mama pabalik sa kwarto namin dahil nangilabot ako sa aming naranasan

Di ko talafa makalimutan yun langya
 
Sabi naman daw ng manggagamot na taga laguna may namamahay daw na bata sa bahay namin na hindi nakikita ng ordinaryong mga mata

At totoo nga kasi one time pinakitaan na yong kapatid kong babae kamukha daw ng pamangkin ko naglalakad daw sa hagdan alas dose ng hating gabi

Tapos minsan kinakalansing ng batamg yon yon mga kutsarat mga plato sa kusina namin kapag kami tulog na magigsing nalang kami bigla sa ingay pero pag tingin namin sa kusina maayos naman wala naman nagkalat na gamit
 
Sabi naman daw ng manggagamot na taga laguna may namamahay daw na bata sa bahay namin na hindi nakikita ng ordinaryong mga mata

At totoo nga kasi one time pinakitaan na yong kapatid kong babae kamukha daw ng pamangkin ko naglalakad daw sa hagdan alas dose ng hating gabi

Tapos minsan kinakalansing ng batamg yon yon mga kutsarat mga plato sa kusina namin kapag kami tulog na magigsing nalang kami bigla sa ingay pero pag tingin namin sa kusina maayos naman wala naman nagkalat na gamit
nako ganyan din sa bahay ng lola ko sa laguna wala ako nakikita dun pero puro pagpaparamdam naman subdivision yun e sa ciudad de san jose likod lang ng EK dati daw kasi dun bago natayuan ng mga bahay malaking talahiban tapos madami daw bangkay na dun tinatapon o nililibeng.
 
Yung sa pgt at mga horror movie. meron din sa mga ****. pero yung totoong WL walang ganon. Sabi ligaw na kaluluwa daw ang WL so how the hell can someone see a spirit? taz may damit pa? ano yun pati tela may kaluluwa nadin? hahahaThat's absurd.
 
Respect ko lahat ng comments dito haha di naman kasi bigdeal sakin ang mga bagay nayan. Bye :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 64
    Replies
  • 4K
    Views
  • 18
    Participants
Last reply from:
4SMODEUS

Online statistics

Members online
1,014
Guests online
5,587
Total visitors
6,601
Back
Top