Agree ako sa don sa nagsabi na medyo off yung sa part na gumawa ang diyos nang tao na against sa rulings nya, at ginamit nya to bilang pawns para ipakita yung power nya.
I always use this situation in these kind of topics:
Si A ay pinanganak na may sakit sa utak, lumaking masama. Lumaki sya at nagkaanak sya at minaltrato nya ang anak nyang si B. Si B ay normal pero lumaking masama dahil sa maltrato nang tatay nya.
Nangrape si B nang babae. Yung babae nakamoveon sa pangyayari dahil lumapit sya sa pananampalataya.
Ang ending, napunta sa impyerno yung tatay na may sakit, napunta sa impyerno yung anak na naging masama dahil walang gabay, at yung babae naman ay napalapit sa Diyos. Ginamit lang nang diyos si B para palakasin ang pananampalatay nung babae, pagkatapos nyang gawin ang gampanin nya ipapatapon na sya sa impyerno habang buhay.
Hindi pwedeng ipangdefend ang free will, dahil God according sa bible ay All-knowing at all-powerful. So literal na ginagawa palang ang mundo alam nya na lahat ng mangayayari.
Just my two cents, baka kulang lang ang kaalaman ko kaya hindi ko masagot kung sino ba ang tama at mali don sa inimagine kung situation.
Ang tama sigurong perspektibo tungkol sa bagay na yan ay:
Kahit masama man ito o mabuti.
Sa huli lahat ng ito ay pawang magiging mabuti, sapagkat ang Dios ay mabuti.
Bakit?
Dahil kung ang spiritual na pagpapaliwanag tungkol sa usaping ito ang ipapaunawa, ay ito ay nangangailangan din ng spiritual na gabay upang ito ay lubos na maunawaan.
Bakit?
Dahil iba kasi ang kaunawaan ng Dios kesa sa kaunawaan ng tao.
Sa standard ng tao kasi minsan ang 1+1 ay 2.
Pero sa standard ng Dios kasi ang 1+1 ay pwedeng maging 1 sa kanya.
Meaning, walang imposible sa Kanya.
May naaalala ako na salita, ganito:
"bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa"
Maaaring kahit ano pa ang gawing pagsalungat ng mga nilalang ng Dios.
Sa huli ang Kanyang kapangyarihan at plano pa rin ang mananaig.
Maaaring sa pamamagitan ng mga masasamang pangyayaring sa tingin ng tao ay masama talaga, ngunit ang kasamaang ito ang lalong magpapatingkad sa kabutihan ng Dios.
Uulitin ko.
Iba ang standard ng tao kesa sa standard ng Dios.
Iba ang karunungan ng tao (physical), kesa sa karunungan ng Dios (Physical and Spiritual aspects, sa pamamagitan ng Kristo).