What's new

Pano po ba mag tapat sa kaibigan mo na gusto mo siya?

mahirap yan lalo na pag matagal na kayong magkaibigan... saakin nga naconfirm ko na wla talaga siyang naradaman saakin kasi 5 years na pero nag ka bf siya
 
sige po mukang maganda yung ganito dahan dahan hahah


yun pala gusto din pala ko nu haha sana nga


yun nga po kinakatakot ko baka paasahin at paiyakin lang ako


mahaba habang pag susuri yun ah hehe pero i'try po salamat po sa advice
wait babae ka maam?

naku kung torpe ang guy wag muna galawan muna just wait na sya ma fall sa yo kase may ibang lalaki lalo matino na di gusto first move ang babae kase for me lang ha baka pabebe ang girl kung matino pag di matino ikaw muna mag hinay hinay baka ma single mom ka
 
Kung alin sa dalawa magiging resulta ng pagamin mo btw. may mga tao kasi na kapag kaibigan lang hanggang dun lang talaga (tropa tingin) meron din naman na hindi issue kung jowable ka, pero ayun nga.
1. Pwedeng ikasira ng friendship nyo sa pagamin mo
2. Maging kayo.
Goodluck need mo ng mahabang oras para pagisipan yan hahahaha.
p.s. umamin din ako sa kaibigan ko (3-yrs friendship) and naging kami. Sana kayo din HAHAHAHAHA
 
Since gusto mo ng advice galing sa ibang tao, ito lang po masasabi ko.

look for Signs . Explain ko po

Paano po kayo magusap? Palagi ba kayo naguusap, yung parang kahit nasa work kayo parehas naguusap pa din kayo via call, text, chat or video call.. tipong kahit kasama nya ibang friends nya magkausap pa din kayo.. kahit kasama nya family nya nakakapagusap pa din kayo ng madalas... Kung NO sagot mo baka hindi ka nya gusto as a partner nya, baka friend lang pero... kung OO sagot mo, interested sya sayo.

But wait...

Sa paguusap nyo, masaya ba usapan nyo? Malungkot ba sya laging kailangan ng comfort mo? Or naughty ba? Tipid sa reply? O minsan nagdududa ka okay kami magusap kanina then suddenly may oras na tipid sya or wala sa gana magreply (baka may kausap na ibang tao na interested sya).... Andaming signs... Hanapin mo lang... At syempre dapat ay ikaw nagpaparamdam din na gusto mo sya, kahit slight.... Importante yon... Lahat nagsisimula sa pakaunti unti....
Siguro naman alam mo na yung gusto at ayaw mo sa ugali ng isang tao... Makikita mo yun sa kanya

Based lang ito sa experience ko paano kami nagkakilala ng GF ko hanggang sa naging kami.. 5 years and counting ^_^
 
ayoko din po kasi sirain yung pag kakaibigan namin eh.
lolokohin ko nga siya sa april fools day kunwari mag tatapat ako pra kung ma reject edi sabhin ko happy april fools day hahahah
haha,, parang sarili mo lng niloloko mo pag ganun,, panu kung sabihin nya "May gusto din ako sa'yo," tpos bigala sabi,, "HAPPY APRIL FOOLS DAY!!!",, masaya pa kaya yun heheh char lng.

Pero naranasan ko nayan,, sabi nya na miss interpret ko lng daw mga ginagawa nya, mas ok daw na mag kaibigan lng kami,, pero ok lng nmn sa akin. hangang ngaun friend p rin..
 
ang hirap kasi sa inyo gusto nyo lagi assurance...

ang pag ibig walang ganun sa simula...

kelangan head on tira na... sabihin mo ang nararamdaman mo edi kung hindi nya gusto edi move on...tapos matuto ka sa pangyayari na iyon...

ganun ang buhay.
 
don't be afraid na mareject.. lahat naman ng tai pinag dadaanan un.

ang importante kasi nasabi mo sknya ung gusto mo
 
Back
Top