Pano kapag di na kayo masaya sa relasyon? magstay ka pa din ba?

Jaeden4ever

Addict
Joined
Dec 9, 2018
Posts
15
Reaction
1
Points
65
10 yrs na kami sa relationship, mag-11 na. 8 months magkalived in. Di pa kasal wala pang anak dahil sa kundisyon ko.

May paraan ba para maging masaya ulit kayo? kung panay cp na lang ang hawak pagkakauwi ng trabaho? di man lang kamustahin araw mo? 🥺 Should i stay?

PS. girl po ako at parehas kaming may trabaho.
 
What do you mean masaya? Kung di naman toxic ang relasyon (away, nagsasakitan etc) eh walang rason pag maghihiwalay.
Andaming paraan para maging masaya ang relasyon why not imbitahin mo lumabas at gumala sa park? O kaya i improve mo yung intimacy mo sa kanya laking tulong rin yun.
Sa relationship di palaging butterflies yan eh as i said palagi dito sa forum darating talaga yung time na tila "stuck" nalang kayo sa isat isa at gumawa ni isa sa inyo para ma improve ninyo ang isat isa.
Baka naman naghihintay ka lang sa kanya para mag make move o gumawa ng effort?
 
yung part na nasabi mo na wala pa kayong anak dahil sa kundisyon mo... wala ba chance na magka-meron?.. 11 years na relasyon nyo then 8 months lived in.. baka yun ang kulang sa relasyon nyo..
 
Martyr ba iyan? Or masochistic? Tipong nagtitiis kahit hindi na masaya? Papaano kung kasal na? E di mas lalo na hindi masaya? Alalahanin natin na sa bansang Pilipinas ay wala pa naman divorce. Okay lang kung meron divorce. Sakaling hindi na masaya , pwede mag filed ng divorce. Sa sitwasyon mo nga lang , it seems na nagtitiis ka sa relasyon at hindi na masaya. Mas mabuti noh? Live in lang? Meron ka pang pag-asa maghiwalay. Papaano kung kasal kayo? Whew! Mas mabuti hindi pa ako nag-aasawa lalo na kung walang divorce sa Pilipinas. Hahaha 😅 Safe ako.
 
attention kulang. I think para saken di sya malaking problema sa isang relationship. Napagsabihan mo na ba mare? di sya valid reason para iwanan mo sya, 8 years 😢 in relationship kayo.
 
ang hirap kasi magopen paps sabihin nagiinarte lang :/
sinabi na ba nya sayo yan nung nag open up ka po? o masyado ka kalang nag ooverthink to the point na yan yung naiisip mo na sasabihin nya? kung di ka na masaya pag usapan nyo po and malay mo di na din sya masaya kaya ganun siya, pag usapan nyo kung kaya pa ba ayusin o wala na talaga
 
hindi lang naman kasi nasusukat yung pagmamahal pag hindi na kayo masaya. actually, true love starts when happiness fades. dyan masusukat kung gaano mo talaga kamahal yung partner mo. dapat ready na kayo sa mga ganyang bagay. how much more pag mag asawa na kayo, hanggang sa pagtanda nyo kayo ang magkasama. kasi kung maghahanap ka ng iba, remember sa una lang masaya then magiging ganyan lang ulit yung mangyayare. bigayan lang siguro ts hindi naman siguro palaging ganyan kayo. stay strong hinahangaan ko talaga yung mga tao na ganyan. pinapangarap ng marami yan
 
ang hirap kasi magopen paps sabihin nagiinarte lang :/
Importante yan. Hindi makakatulong kung mag aassume ka lng kung ano magiging reaction nya. Mas maganda sabihin mo na. Pag hindi mganda ang response, it is a sign na mag isa ka nlng sa relasyon nyo.

Mas mahirap ung naghihintay k nlng sa wala.

Pero back to your original post, nagcocomplain ka na hindi ka nya kinakamusta.. ikaw ba kinakamusta mo ba sya?

Kung baka naghihintayan lang pala kayo na isa sainyo gumawa ng mga bagay na interesting. Ganon ba kasama kung ikaw ang mag-initiate?

Actually, yan yung mga bagay na matututunan mo kung nakapasok ka na sa isang relasyon, without any chance of divorce. You will be forced to do things, na hindi mo normally gagawin kung ng kusa, simply to maintain a good coexistence with someone.

Maybe yung fact na hindi kayo kasal ang reason bakit mo nararamdaman yan. Because the whole time you have one foot outside the door. Sya ding naging rason kaya hindi kayo nag grow.

That is just maybe. Dahil nmn di pa kayo kasal, you have a choice to find someone else, and start at square one. Just keep in mind, dadating ka ulit sa punto na ganito sa bagong karelasyon.
 
Yep sayang rin yung pinagsamahan kung the same parin ang patutunguhan. Lahat talaga ng relasyon jan ang bagsak.
 
Similar threads

Back
Top