What's new

Closed [oldies but goodies] si hulyo

Status
Not open for further replies.

Cee Jay

🧿 𝕾𝖔𝖚𝖑 𝕮𝖆𝖑𝖎𝖇𝖗𝖊 🧿
Contributor
Joined
Feb 22, 2015
Posts
14,612
Solutions
2,189
Reaction
26,056
Points
8,290
High school na si Hulyo. Isang araw ay pinatawag ng guro ang kanyang ina...

Guro: Misis, sayang lang ang pera nyo sa pagpapaaral kay Hulyo! Ang b0b0 talaga! Mabuti pa ay pahintuin nyo na lang sya!


Labis na nainsulto ang nanay ni Hulyo, kaya pagdating muli ng pasukan ay ipinag-enroll nya ito sa Oxford School, isang eksklusibong paaralan sa Amerika.



10 taon ang lumipas ay nagka-cancer ang dating guro ni Hulyo.

Kailangan na syang operahan as soon as possible ngunit walang makakagawa pa nito sa Pilipinas kaya ibiniyahe siya papuntang Amerika. Tanging mga espesyalista lamang na nagtapos sa Oxford School ang posibleng makagawa ng operasyon niya.




Kalaunan ay natapos at naging matagumpay din ang operasyon. Pagdilat ng guro ay bumungad sa kanya ang isang makisig na lalake na nakatingin sa isang aparatu na nakakabit sa kanya. Nagulat ang guro sa nakita nya. Ilang sandali pa ay pinilit nyang magsalita ngunit hindi nya magawa. Pilit din nyang inaangat ang kanyang mga kamay para hawakan sana ang lalake ngunit di nya pa kaya. Ilang minuto pa ay namutla nalang at namatay ang guro.


Nag-imbestiga ang pamunuan ng hospital at nalaman nila na natanggal pala ng janitor na si Hulyo ang ventilator at plug ng oxygen dahil nag charge ito ng kanyang cellphone. :):):)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top