What's new

Namatay si kumpare

kholene27

Enthusiast
Established
Joined
Jul 28, 2021
Posts
54
Reaction
62
Points
60
Age
33
Sa isang liblib na baryo may isang bata na biniyayaan na pambihirang talento para manghula,.
ang hula na kahit kailanman ay hindi pumapalpak.

-Madalang magsalita ang bata pero kapag nagsasalita daw ito kinabukasan ay nagkakatotoo
kaya madaming tao na palaging nasa tabi ng bata sa kadahilanan baka sabihin nito ang
lalabas sa LOTTO.

-Isang araw na nakita ng kanyang ama ang bata na malungkot at hindi nagsasalita
tinanong ng ama ang bata.

TATAY: Anak ok ka lang ba.?

BATA: Si Lola mamamatay (malungkot na sabi)

-Nabigla ang ama sa sinabi nito.
-Kinabukasan namatay ang lola nya.

-Ilang buwan ang lumipas nagsalita ulit ang bata at sabi..

BATA: Si nanay mamamatay.

-Kinabukasan namatay ang Nanay nya.

-Makaraan ang ilang linggo nagsalita muli ang bata

BATA: Si Tatay mamamatay

-Dahil sa sobrang gulat ng tatay sa sinabi nito ay hindi ito nakatulog at magdamag syang balisa, iniisip kung ano ang mangyayari sa kanya.

-Kinabukasan sobrang saya ng ama at sibing hindi pala lahat ng hula ng bata ay nagkakatotoo napasigaw pa sya na BUHAY AKO!!

-Subalit nagulat sya ng biglang may kumalabit sa kanya at nagsabing "Yung kumpare mong si marsing, patay na!!

hahahaha!!
 

Similar threads

Back
Top