What's new

Meaning of Worship Part 2

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,904
Reaction
872
Points
532
So in part 1 about meaning ng worship ay naipaliwanag ko na po. Like I said before, ang ibig sabihin ng worship is giving high respect or sabihin natin ina-admire or ina-adore very much. So iyan ang defintion ng worship. Yung mga idol , like celebrities or actors and actresses, diba? If we adore them very much , equivalent ay we worship them. Sabi ko nga, in everyday in our life, unconsciously, ginagawa na natin kung ano ang common sa atin lahat katulad ng idol on TV, yung mga singer na sikat , kasama na rin ang family & friends , husband & wife , pets , teachers and so on and so forth. It is all forms of worship. Siyempre, in the early age, since we are born here on earth at nabinyagan tayo kung ano man especially abrahamic religion , walang pumapasok sa isip ng mga tao or sabihin natin na unaware or unconsciously na ang ginagawa natin na normal sa atin ay is a form of worship.

Like I said before din, yung concept ng Abrahamic beliefs like example, Judaism, Christian and ang iba pa other beliefs na same concept lang din, yung concept ng deity po nila is in demand attention na kung baga great desire na lahat ng attention ay kailangan 100 percent sa kanya at kanya lamang. And remember na meron ganitong bible verse na Matthew 19:29 And everyone who has given up houses or brothers or sisters or father or mother or children or property, for my sake, will receive a hundred times as much in return and will inherit eternal life. - Iyan ang halimbawa ng demand sa attention meaning bitawan ang lahat basta mapunta lang ang lahat ng attention sa kanya at kanya lamang sapagkat meron itong reward and kapag hindi nabigyan ng attention nais nito , paparusahan niya ang tao na hindi ayon sa kagustuhan nito.

Hindi nakakapagtaka noon unang panahon na kung bakit na spread ang Christianity sa iba-ibang location dahil in demand sila based sa concept ng deity nila na dati, which is a Pagan pa noon ay hindi siya katulad ng sistema ng Christianity. Magkaiba. Ang Pagan as general speaking ay hindi in demand attention ang kanila na kahit ang dami Gods and Goddesses , ang concept ng deity po nila is hindi nagseselosan sa bawat isa. Hindi. Bagkus ang tao noon unang panahon ng Pagan is kahit ilan deity e-worship is okay lang. Pwede sila magbigay ng mataas na pagrerespeto sa isang deity at sa isa pang deity o pwede nila e-worship ang isang deity at sa isa pang deity.

Ang ibig sabihin ng in demand ay by force. By force dahil kapag sa akin ka lang ay meron kang reward pero kapag hindi mo ako gusto ay paparusahan kita - ganun ang attention by force. Iyon ang ibig sabihin ng in demand. Demanding sa attention. It is a reason why successful ang Christianity sa pag convert sa maraming tao sa bawat sulok ng bansa. Nag spread po kase sa iba-ibang lugar which is ang Pagan , well , hindi ganoon ang sistema nila. Hindi sila by force. Hindi sila ganoon ka demand sa attention.

But yung deity ng Christian ay galing din siya sa polytheistic beliefs. I remember si Goddess Asherah na maraming husband katulad ni God Baal , God Yahweh.... nakalimutan ko ang list ng husbands niya. Basta maraming husband si Goddess Asherah and kabilang si Yahweh sa mga asawa ni Goddess Asherah and nasa ancient history timeline po siya na in fact mas nauna pa ang polytheistic bago naging monotheistic beliefs na ginawa ng mga tao ang single God. Meron history doon na hindi ko na kailangan palawakin dahil masyadong mahaba na kung saan ang mga tao noon unang panahon ay ginawa na ng single deity at iyan ay monotheistic deity ngayon natin.

So iyan ang definition ng worship. Sa Taoism , meron din silang God at Goddess and ang tawag nila sa universe is "tao". Kapag namatay ang loved ones nila , ang spirit ay pupunta sa "tao". So kapag ang tao ay gusto maging Taoism ay no need to pressure themselves na kilalanin kung sino ang God nila dahil wala naman silang God na similar to Abrahamic beliefs. Meron mga philosophy na sinusunod ng mga tao bilang moral code para sa lahat. Sa mga tao unfamiliar na bakit meron God at Goddess sa Taoism ay the reason why meron silang God at Goddess sapagkat para sa mga Taoist is meron malaki naitulong yung mga tao na namatay noon nabubuhay pa sila.

Parang Ninoy Aquino or si Jose Rizal. Kung Taoism lang tayo lahat, haha, ginawa na natin God si Ninoy Aquino at si Jose Rizal malamang dahil malaki ang na econtribute nila noon nabubuhay sila. Siyempre, malaki ang pasasalamat natin kay Ninoy Aquino dahil meron siyang ginawa in society at si Jose Rizal kung saan nagsulat siya ng two books para palayain tayo sa kamay ng Espanyol (Espanyol nga naman o. Joke)

Ang Buddhism ay ganoon din. Kung alam niyo lang ay meron silang God at Goddess din pero malalim na siya. Mahirap na edig deeper to the maximum level pero I remember na ang tawag sa kanila is the enlightened po. Meron po kase sila meditation na lahat raw tayo ay pwede ma-achieve ang itinatawag na Nirvana o lahat tayo ay pwede ma achieve ang enligtenment po. Kaya nga meron mga meditation practice and all we have to do is to practice , practice and practice meditation po to achieve higher spiritual consciousness. Meron din silang worship (ang una ay hindi ko alam na ang respect sa kanila is worship na lingid sa kaalaman ko na lahat tayo, unconsciously, yung ginagawa natin in everyday life is a form of worship na po pala iyon) like if we say we worship teacher , we worship parents , we worship our pets , we worship our husband and wife and so on and so forth na ang meaning lang kase nun is we give respect , we adore them and we admire them so much so there is nothing wrong talaga. Unaware tayo o unconsciously o wala tayo alam dahil ang naturuan sa atin na lahat ng attention is kay God lamang. So ang ewoworship natin ay God lang.

Ang difference lang ng worship ng God kaysa sa Buddhism na meron din worship which is equivalent of giving high respect or we adore someone or something po is that ang God na itong present day natin is nagbebeg tayo, humihingi tayo ng kahilingan - ganoon ang worship ng monotheistic deity like example , Christian.

Tipong "God, gusto ko yumaman" "God, bigyan mo kami ng pagkain" and so on and so forth. Yung worship from Buddhism is just plain on giving a respect to someone like if a teacher walks in a red carpet, halimbawa, kung buhay si Buddha, people admire him o ina-adore siya ng mga tao at binibigyan ng mga tao na high respect si Buddha dahil malaki tulong sa kanila ang teaching ni Buddha. Kung baga meron silang nakukuhang benefit sa teaching mismo para ma enhance spiritually ang bawat tao. But people don't beg or ask anything from Buddha.

The way I see it na the reason why ganoon ang worship ng tao sa monotheistic God , example , sa Christian is because like I said kase, yung concept of deity nila is gusto siya lang ang bigyan ng attention sa lahat-lahat and so dahil siya ang lahat , expected na lahat ng mga tao na naniniwala sa kanya ay sa kanya lahat hihingan at mag eexpect talaga sila na bigyan sila ng kahilingan galing ng God nila.

For me, ang risk lang kase, meron posibilidad na ma frustrate ang tao at masaktan kapag meron siyang ini-expect pero hindi naman nangyari ayon sa kagustuhan niya or minsan meron pang katagang paaantayin pa. Hindi rin nakakapagtaka dahil ang concept of God din nila is act like a human din. You know na meron human characteristic as in. Ang human characteristic is nasasaktan , pina-paantay, nagbibigay, nagagalit, nagmamahal, nagpaparusa.... lahat na po as long as human characteristic po. But not all people ay ganoon ang ideology nila. Meron ibang tao na Christian na for them is equivalent daw ng God nila ay universe na genderless, sabi. Abstract ika nga. Kung baga unlimited between space and time , ganun but of course , depende lang din kase sa mga tao kung papaano nila iinterpret kung ano ang deity na meron sila. Same lang din siya sa Taoism.

P.S.

Hindi ba tayo nagtataka kapag feeling down tayo, ang tanong natin ay "Bakit walang ginawa si God?" or minsan "Bakit hindi man lang parusahan ni God ang mga tao?" - basta ang daming question. Tapos meron pang "Nasaan si God kung kailangan ko siya?" , sa loob-loob ko? Kuha na lang siya ng real friend? E tutal same lang naman din sila na meron human characteristic diba? At least , yung real friend ay nakikita natin with our own eyes dahil one call away lang siya, pwede niya kausapin if need a friend but yung God kase, well, okay naman din pero we can't see it in our own eyes po but, well, yung concept of God nga kase, sa kanya lahat ang attention kailangan. Sa kanya lahat and so, umasa nga talaga silang lahat sa kanya. Kaya lang, like I said, kapag ang tao ay na frustrate, meron posibility na magtatanong at magtatanong siya patungkol kay God dahil nga ang concept of God is human characteristic para sa kanila po and so, hindi maiiwasan na kapag meron tayong expectation na hinihiling pagkatapos hindi naman nangyari - iyon na iyon. Ang daming tanong patungkol kay God dahil siyempre, lahat tayo ay nakaasa sa kanya.


 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top