- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 25,984
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,492
- Points
- 16,651
Dati hindi ko inisip na ito
pala ang kahahatungan,
Hindi ko talaga marandaman,
Ang kabog sa aking puso
ngunit ng lumaon ay aking nababatid
na para bang kinikilig sa tuwing
akoy iyong binibiro ,
itong tadhana talaga sadyang mapaglaro.
Lumipas ang mga oras at araw
mas pinipili na lagi kang natatanaw,
Hindi ko namalayan na unti unting nahuhulog na sayo,
Hindi ko batid sa aking sarili ang saya na dulot nito,
at para bang lumulundag sa tuwa ang aking puso.
Mapaglaro talaga ang pag -ibig,
kasi sa bawat sambit ng iyong bibig
ay may nakatagong alab ng puso at
walang humpay na kilig,
gusto ko lagi kang kausap at tinig mo ang laging naririnig,
Sana nga mas nauna kitang nakilala,
Sana nga mas maaga tayong nagkatagpo,
kasi parang napamahal na yata,
at sa bawat araw koy nagbibigay sigla,
kung pwedi ko lang ibalik ang lumipas,
at pahintuin ang bawat oras,
upang doon tayo ay muling pagtapuin
at ang tadhana natin ay kusang babaguhin.
~Professora Akira~
pala ang kahahatungan,
Hindi ko talaga marandaman,
Ang kabog sa aking puso
ngunit ng lumaon ay aking nababatid
na para bang kinikilig sa tuwing
akoy iyong binibiro ,
itong tadhana talaga sadyang mapaglaro.
Lumipas ang mga oras at araw
mas pinipili na lagi kang natatanaw,
Hindi ko namalayan na unti unting nahuhulog na sayo,
Hindi ko batid sa aking sarili ang saya na dulot nito,
at para bang lumulundag sa tuwa ang aking puso.
Mapaglaro talaga ang pag -ibig,
kasi sa bawat sambit ng iyong bibig
ay may nakatagong alab ng puso at
walang humpay na kilig,
gusto ko lagi kang kausap at tinig mo ang laging naririnig,
Sana nga mas nauna kitang nakilala,
Sana nga mas maaga tayong nagkatagpo,
kasi parang napamahal na yata,
at sa bawat araw koy nagbibigay sigla,
kung pwedi ko lang ibalik ang lumipas,
at pahintuin ang bawat oras,
upang doon tayo ay muling pagtapuin
at ang tadhana natin ay kusang babaguhin.
~Professora Akira~