What's new

Poems Kung Pwedi Lang Sana

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,954
Solutions
6
Reaction
66,417
Points
16,635
Dati hindi ko inisip na ito
pala ang kahahatungan,
Hindi ko talaga marandaman,
Ang kabog sa aking puso
ngunit ng lumaon ay aking nababatid
na para bang kinikilig sa tuwing
akoy iyong binibiro ,
itong tadhana talaga sadyang mapaglaro.



Lumipas ang mga oras at araw
mas pinipili na lagi kang natatanaw,
Hindi ko namalayan na unti unting nahuhulog na sayo,
Hindi ko batid sa aking sarili ang saya na dulot nito,
at para bang lumulundag sa tuwa ang aking puso.


Mapaglaro talaga ang pag -ibig,
kasi sa bawat sambit ng iyong bibig
ay may nakatagong alab ng puso at
walang humpay na kilig,
gusto ko lagi kang kausap at tinig mo ang laging naririnig,
Sana nga mas nauna kitang nakilala,
Sana nga mas maaga tayong nagkatagpo,
kasi parang napamahal na yata,
at sa bawat araw koy nagbibigay sigla,



kung pwedi ko lang ibalik ang lumipas,
at pahintuin ang bawat oras,
upang doon tayo ay muling pagtapuin
at ang tadhana natin ay kusang babaguhin.






❤️~Professora Akira~❤️
 
salamat sa madamdamiing tula.. 😍

To: Hoven143 haha joke lang prof
hahha! si paps ba yan.. nabighaning muli si ma'm akira 🤣

mga araw at sandali na lumipas
na di mapapalitan ng anumang tumbas
mga panahon gusto mong ulitin
para makamit ang munting hinihiling
minsan yan ang ating mga pangarap na malayo marating
gumagawa ka na din ng tula? hahha
 
ah! alam ko na kung sino.. hahah! 🤣🍀
hindi rin hahaha ,wala nga 🤣

mga araw at sandali na lumipas
na di mapapalitan ng anumang tumbas
mga panahon gusto mong ulitin
para makamit ang munting hinihiling
minsan yan ang ating mga pangarap na malayo marating
may pinagdadaanan ata 🥴hehe ,

hahaha, nasan na ba si ma'm Professora Akira palagi kase ganito content nya, nakakasakit na😂✌️
sorry naman 🥴,di ko sadya

sapul na sapul ba? hahha! di nakapalag.. diretso sa puso ang patama.. 🤣 si mam akira may kasalanan ng lahat e.. nandadamay 🤣✌️
aba ,ako na naman 😆 ,sumilip lang nga ako dito saglit eh pinagbibintangan nyo na naman ako hahaha

di nman lahat ng tula ni ma'm,
may mga times lang na malakas yung tama ng tula😂😝
minsan sinasadya minsan di ko alintana 😆✌️
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top