What's new

Poems Kung babalik siya

Keala Kazumori-Sakamoto

PHC - Dyosa ®
Joined
Dec 6, 2012
Posts
2,021
Solutions
9
Reaction
4,246
Points
958
Age
28
Isang tanong na hindi ko parin masagutan.
Kahit na wala namang kasiguraduhan.
Kung ako ba ay balak mong balikan.

Tuwing naaalala kita,
Naaalala ko kung paano tayo naging masaya.
Ngunit mas naalala ko kung paano mo ako iniwan bigla.
Tuwing naalala ko ang tayo.
Naaalala ko kung paano umikot ang isat isa sa isang mundo.
Ngunit mas naaalala ko kung paano ka sumuko.

Inaalala ko ang simula..
Sobrang saya.. Nakakatuwa..
Ngunit hanggang simula lang pala.
Habang tumatagal ay nagbabago ka.
Hindi ko alam kung ako ang nagkulang o sawa ka nalang talaga.

Noong panahon na sumuko ka, nanatili ako.
Noong panahon na lumisan ka, minahal padin kita.
Noong panahon na masaya ka, nagdurusa ako.
Noong panahon na may mahal ka nang iba, lumayo ako para maging masaya kana.

Kinalimutan kita.
Naglayag ako sa ilog na ako lang mag isa.
Natuto akong lumipad sa ere kung saan moko iniwan bigla.
Naging masaya ako kahit wala ka.

Ngunit isang tanong ang gumulo sa aking isipan.
Isang tanong na sa sarili ko mismo gustong malaman.

Paano kung babalikan ka niya?
Kung sakaling babalik siya?

Ano nga ba ang gagawin kung babalik ka?
Ano nga ba ang dapat gawin kung bumalik ka?

Napangiti ako.. napangiti kasama nito ang sakit at pagtitimpi.

Sumagot ako.. sabi ko.
Kapag bumalik siya.

Wag niyang balikan ang masasayang alaala naming dalawa.
Wag niyang balikan kung paano kami nagsimula.
Wag niyang balikan ang mga pangako niya.

Wag niyang balikan ang taong iniwan niya.

Balikan niya yung sakit.
Balikan niya yung mga hikbi at iyak.
Balikan niya yung lungkot.
Balikan niya ang mga araw na naging masaya siya habang ako yung nagdurusa.
Balikan niya yung mga luha na sinayang ko dahil sakanya.
Balikan niya yung mga alaala na kinalimutan kona.

Wag niyang babalikan kung paano kami nagsimula.

Balikan niya yung panahon na iniwan niyako kasi hindi na siya masaya.

"Kapag mahal ka babalikan ka"

Mali. Kapag mahal ka dapat mula sa simula hanggang sa katapusan hindi ka sinaktan.


Kapag mahal ka dapat hindi ka niya iniwan.
Hindi ka iiwan kahit ano pa ang dahilan.


-Mikaella Lising©
 
smiley.gif
 

Attachments

Similar threads

Back
Top