What's new

Kahit di pa kami oks lang ba gumastos?

lagyan mo na ng limitasyon sarili mo boss...
Yes po, inaadjust ko pa sarili ko.

Boss pa ambon 1K ahahahaha
ngayon wala na nga ako hays ako dapat hingi sayo

Di na uso ang panliligaw now... Aba, kapwa dapat gumastos if ever. Hirap kaya mag earn ng money to be independent.
Agree din ako sa point mo papsy

atay, laban lang papd
minsan okay, minsan hindi haha awit talaga.

dpende sa sitwasyon o kalagayan mo, kung tingin mo abuso na, negative na yan
parang wala lang kase sya sakin minsan paps

Parang sugal lng yn Lods, gagastos ka at pwede ka mnalo pede rin talo.
Sabagay, pero yung emotion ko nalang dapat controlin ko.
 
Oo paps haha nagtataka kase ako minsan kase parang ginagamit nya lang ako for the sake of her own good.
Buti napapansin mo. Alam mo kasi, yung mga taong may special diet, usually they have the dignity to not burden other people with their food choices. Halimbawa isang vegan na tropa mo naimbita sa isang handaan, hindi sila magrerequest ng special food para sakanila kung ang ibang tao ang gagastos para sakanila. They would rather not eat or magbabaon sila ng pagkain nila. At least that is the common decency.

Kung isang nililigawan babae has the audacity to make you spend like that, ano pa kaya ang idedemand nya kung asawa mo na?
 
easy ka lang pakainin mo sya sa kalsada kwekkwek at balot lang or siomai kasi dati ganyan din akala ko siya na pero di naman pala kapag nag-away kayo ikaw pa ang magiging toxic kasi magbibilang ka na pero wag mong bilangin mga nagastos mo kasi kapag nagbilang ka ibig sabihin di mo siya mahal at kung mapili siya di ka niya iniintindi ibig sabihin wala kang chance kasi ang tao kapag mahal ka di mo na kailangan magpasikat pa mamahalin at mamahalin ka may pera ka man o wala. Payong kaibigan kapag wala kang pera sabihin mo sa kanya at that point malalaman mo na tunay na ugali niya.
 
if ikaw nag aya lumabas sagot mo yan badi pero kung sya nag aya 50/50 lang dapat or KKB
May point to, Yung ibang lalaki Kasi nag aaya Ng nag aaya para makadamoves tapos magrereklamo sa gastos😅, obvious na obvious na nagpapa impress lng😅, Kung gusto ka talaga Ng babae, kahit ano pa kainin nyo mag eenjoy yan. Tsaka bawas bawasan mo Yung panlilibre sa kanya, matetake advantage kalang.
 
Last edited:
ok lang gumastos dahil nanliligaw ka palang naman sa kanya.. wag mo lang sasanayin na lagi ikaw may sagot kahit sya ang nagyaya... mahirap kasi pag nawili yan, at di mo napagbigyan ikaw pa ang magiging dehado... dapat sakto lang... sanayin mo sya sa bagay na kahit maliit lang, yung maaappriciate nya yung ginagawa mo.. wag mo masyado idaan sa puro gastos.. ang panliligaw kasi hindi yan investment..just go for the goal.. kung talagang sya na ang para sayo.. push mo lang.. wag ka lang gumastos ng sobra...
 
share ko lang, nung nanliligaw palang ako, never akong gumastos sa pagkain, at nung kami na, di ko na iniisip kung nasa magkano ginagastos ko pag kasama ko sya :)
 
pag ganyan... confrontation na tas pagtingin wala ng pag asa gamitin na ang victim card...🤣 try mo wag mgpakita o kunware pakita mo sa kanya nawawalan kana ng pag asa....kung may concern ba o wala...if wala...abort mission na...
effective ito pag walang paramdam di ka naalala nako kalimutan mo na yan
 
Ang tip ko lang sayo TS, humanap ka na ng ibang liligawan mo. itong ipapayo ko sayo ay payo na sana natutunan ko noong binata pa ako pero too late na for me kaya sana makatulong to sayo at sa ibang makakabasa ng comment ko.. simple lang to, kung nanliligaw ka pa, wag ka gagastos, wag ka mag e effort. Kasi ikaw din ang magiging kawawa kung sakaling maging kayo o magkatuluyan man kayo. Halimbawa, wag mo sya susunduin o ililibre. Kasi masasanay yan. At once na magpalya ka sa pagsundo o paglibre sa kanya ekis ka na. Tutal bata ka pa naman, darating at darating yung para sayo kahit di ka mageffort. yun lang
 
Back
Top