What's new

Closed Job/trabaho

Status
Not open for further replies.

saltyegg

Eternal Poster
Established
Guys san pa ba pwede magsearch ng work bukod sa Jobstreet? Hirap na hirap na kase ako maghanap eh, by the way mag 2 years tambay since nung gumraduate ako from college. Nakakalungkot lang isipin na graduate ako pero wala pa ring work. Sana may makatulong man lang.

PS: IT Graduate po ako.
 
Hanap ka ng trabaho sa BPO. Marami sa Makati at Pasig. Since IT ka, pwede ka mag-apply as Technical Support. Pwede ka rin mag-apply as CSR kung gusto mo.
 
Kung mapili ka po sa trabaho mahihirapan ka talaga, dami hiring jan, kung hahanap ka ng work na pwede sa course na tinapos mo mahihirapan ka, lahat naguumpisa sa mababa
pero sir 29 yrs old na po ako and no exp. kaya di na rin siguro ako pwede sa mga fastfood chain na mag apply kase may age limit sila and ayun lang alam kong madaling pasukan at madaling work.
 
Hanap ka ng trabaho sa BPO. Marami sa Makati at Pasig. Since IT ka, pwede ka mag-apply as Technical Support. Pwede ka rin mag-apply as CSR kung gusto mo.
ayun na nga po sir di po fluent english ko and ilang beses na rin po ako nag apply sa BPO Companies, talagang bagsak ako kase nga english communication skills need nila
 
..sa google brad.. search mo yung desired mong work.. for example.. IT Staff..
..pag may nakita kang hiring.. kunin mo lahat ng email.. tapos.. send ka ng resume mo..
..dapat marami kang masendan.. IT graduate.. madali lang makahanap yan..
 
ayun na nga po sir di po fluent english ko and ilang beses na rin po ako nag apply sa BPO Companies, talagang bagsak ako kase nga english communication skills need nila
Ok lang yan, practice lang kailangan mo. Wala naman pinoy na magaling agad sa English. Unless pinalaki sila ng magulang nila na magsalita ng English palagi. Isa pa, wala naman mawawala sa 'yo kung mag-apply ka ulit. In fact, dagdag experience yun para alam mo ang mga do's and don'ts sa interview.
 
mag walk-in ka, mag print ka ng maraming resume, pamigay mo sa mga companies. may mga bpo companies na hindi nangangailangan ng exp at hindi maselan sa age
pero sa english need nila fluent paps. dami ko na rin napasahan na BPO companies pero ganun talaga, sa interview bagsak agad kase yung english di fluent
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top