What's new

Closed Huwag sanayin si ako

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,869
Reaction
1,430
Points
930
Paano na? Paano na?
Paano kung wala na?
Lahat ng saya
Lahat ng pagsinta.

Gusto kong maniwala
Kailanma'y hindi ka mawawala
Pero walang nakakaalam sa bawat nakatala
Kung kaya ako ri'y nababahala

Kaya aking gagawin
Habang kasama, ikaw ang mamahalin
Hindi ko alam kung mananatiling akin
O kung kailan mo ako lilisanin.

Hindi ko maisip, kay hirap mabatid
Paano nga ba kung maputol ating lubid?
Kakayanin mo ba? O kakayanin ko ba?
Magiging katapusan sa ating dalawa.

Paano nga ba? Paano ba?
Hangga't kaya mo, ipaglaban mo pa
Hindi habang buhay ay kanya ka
At hindi habang buhay kasama mo sya.

Wag mo na akong gayahin
Mahirap mabalot sa "anong gagawin"?
Baka kakaisip hindi na mapansin
Ang lahat ng nasimulan matapos sa "paano na?" lang din.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 99
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
msstar

Online statistics

Members online
1,146
Guests online
5,024
Total visitors
6,170
Back
Top