What's new

Closed Huwag sanayin si ako

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,869
Reaction
1,430
Points
930
Iwasang ugaliin
Ayokong hanap-hanapin
Sa lahat ng naturang gawain
Huwag mo akong sanayin

Ayoko ng ganito
Isip ko'y nagugulo
Kung may ibig sabihin man ito
Ngayon palang sana, sabihin mo

Kung walang motibo
Walang isyu at hindi malisyoso
Bakit ganito?
Hindi ako isda na kakagat sa pain mo.

Sa ganitong pakiramdam
Huwag akong iwanan
Ayokong magdamdam
Panindigan mo naman.

Lahat ng ginagawa mo
Lahat ng pinapakita mo
Sana lahat ay totoo
Pero huwag mong sanayin si ako.

Ayokong dumating ang panahon
Lahat ng pinaranas mo, tuluyang maglaon
Bawat kilos, galaw, gawain sa maghapon
Ayokong mag asam, maghanap; pagdating ng panahon.

Kung sakaling magbabago
Maaari bang sabihan mo ako?
Nang sa gayo'y maparaanan ko
At hindi na masanay sa ganito.
 
nasanay ka ba na kausap ka niya?
yung tipong katabi mo siya?
o nais mo lamang iparating
na ayaw mong masanay sa ganyang pagtingin?
 
nasanay ka ba na kausap ka niya?
yung tipong katabi mo siya?
o nais mo lamang iparating
na ayaw mong masanay sa ganyang pagtingin?
Ayokong masanay sa ganitong pakiramdam
Hahanap hanapin ko, at kapag wala, ako'y magdaramdam
 
Ayokong masanay sa ganitong pakiramdam
Hahanap hanapin ko, at kapag wala, ako'y magdaramdam

Huwag mong isipin na ganyan siya sa iyo
Hindi lahat ng bagay ay sa iyo lamang iikot kanyang mundo
Kung siya ma'y nagkulang pagpasensiyahan
Dahil lahat tayo ay tao lamang

Siguro nga may punto ka, may punto ako o tayong lahat
Ngunit ang iyong pagdaramdam ay di pa sapat
Upang masabi mong di ka niya dapat sanayin
Sa mga pagkakataong limitado lang sa atin
 

Huwag mong isipin na ganyan siya sa iyo
Hindi lahat ng bagay ay sa iyo lamang iikot kanyang mundo
Kung siya ma'y nagkulang pagpasensiyahan
Dahil lahat tayo ay tao lamang

Siguro nga may punto ka, may punto ako o tayong lahat
Ngunit ang iyong pagdaramdam ay di pa sapat
Upang masabi mong di ka niya dapat sanayin
Sa mga pagkakataong limitado lang sa atin

May mali yata sa sinabi ko :)
Ayoko lang mastuck, ang lalim mo na myfriend hahaha
 
Last edited by a moderator:
May mali yata sa sinabi ko :)
Ayoko lang mastuck, ang lalim mo na myfriend hahaha


Kung sa tingin mo may mali sa mga sinabi mo?
Sa tingin mo ba may mali rin sa sinasabi ng puso ko?
Lingit sa kaalaman ko ang umibig akong muli
Kung nasanay na ako na mag-isang nagkukubli

Madalas napaisip ako sa mga salitang binanggit mo
Ang pagkasanay ay marami din palang bersikulo
Gaya ngayon ng pagkasanay ko na mag-isa
Lalo pa't darating na ang pasko ng pagsinta
 
Last edited by a moderator:
Ano ba yan? sagutan ba to?
itigil nyo na yan baka akoy makisalo.
di ko lubos mawari kung akoy magkikiuso.
ayokong makasakit ng isipin at puso..

haha
 
Pasensya na ngunit, hindi ako kakasa
Dahil wala sa katinuan at nakainom na.
kasama ang barkada't nanganganta.
Ni salitang aking nasasambit, hindi ko man lang maalala.

hahaha :)

Sa lagay mong yan hindi pa nga ba?
Mababasa naman dito kung sakaling makalimutan mo nga hahaha
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 37
    Replies
  • 960
    Views
  • 7
    Participants
Last reply from:
Miss Flosie _ 69

Online statistics

Members online
321
Guests online
5,206
Total visitors
5,527
Back
Top