Naglaro na ako dati ng CoC, around 2013 ako nag-start, na-max ko ang TH9, nag upgrade ako sa TH10 then 2016 tumigil ako kasi parang napansin ko nawala sa trend dahil sa ML. Kaya napa ML ako haha. Ang mali ko lang binura ko yung coc account ko kasi akala ko laos na. Di ko na marecover kasi wala pa naman supercell id noon, at tinanggal ko na rin sa pagkakakonek sa kung saan man. Ngayon, mga barkada ko bigla namang bumalik sa paglalaro, "nakakainggit" lang hahaha! Ang gusto ko lang mangyari, ay makabili ako ng account dito kung sino man meron dyan level 110-150 siguro, tapos TH10 hahaha. Parang kunwari ba e narecover ko ang old account ko. Tapos matanong ko na rin kung napapalitan ba ang IGN? Another question is bakit parang ang bentahan dito 500-1000php lang? Hindi ba kayo lugi non na nigrind nyo maigi yung laro. Curious lang. Pero kung may matyempuhan bang mura edi kunin ko na hehe. Basta eto lang hinahanap ko, TH10 na level e 110-150 basta malapit don mga par.