What's new

Dalawa po tanong ko dito, kapag lasing po ba hindi alam ginagawa, saka may possibility po ba na may nang yari sa kanila?

DVM-0183

Leecher
Joined
Feb 4, 2024
Posts
1
Reaction
11
Points
4
hindi ko po ito ma open sa relatives at friends ko kasi medyo nakakahiya, ito po kwento medyo mahaba po sana tyagain nyu po mag basa.

Yun misis ko po ang topic at yun bf ng owner ng butique kung saan sya nag wowork.

May anak po kmi isa 7y/o lalaki, Nag wowork po misis ko sa friend nya babae na owner ng beauty parlor, halos sya pinag kakatiwalaan nito sa loob ng 4yrs nila pagsasama kaya magaan loob ko sa samahan nila, pero broken family yun at meron sya bf na almost 1yr pa lng sila makasama. Everytime po may lakad sila lagi sila tatlo magkakasama yun misis ko yun friend nya na owner ng butique kung san sya nag wowork at bf nito.

Sanay na po ako pag may gimik sila after ng work ay napunta sila sa kakilala then minsan napapainom at dahil may car yun amo nya hinahatid sya nito sa aming bahay after. Pag minsan naman po sinasama nila ako sa gimik nila kaya nagkakaroon din ako ng pakisama sa kanila at mas okay kasi nasusubaybayan ko si misis ska sabay kami nauwi sa aming bahay pero madalang mangyari yun madalas ay sila sila lang tatlo. Ska pag may problem sa parlor nila kmi ng bf ng amo nya ang magkatulong parang pinalagay ko loob ko sa kanila at tulong ko na din sa parlor nila.

Then ito na nga po. Itong katapusan lang ng January 2024 may nag aya sa kanila na birthday daw ng kakilala nila na driver ng service na inaarkila nila kapag sila ay napunta sa divisoria at mamili ng mga paninda pang online selling.
Nag paalam sya sa akin na pupunta sya dun saglit lang at ihahatid na lang daw sya kasi hindi nya ako ulit isinama. (Naka record po ito sa cctv namin kaya may evidence ako sa kanyang mga sinabi)

Dumating yun time na 12am na hindi pa rin sya hinahatid ng friend na amo nya, then nag hintay pa rin ako until 1 to 2 am hanggang inantok na lang ako at makatulog sa pag hintay na hindi pa rin sya dumadating. (Ang regret ko po dito hindi ko sya tinawagan sa cp nya at umasa ako sa sinabi nya ihahatid sya na yun ang nakasanayan ko.)

Then kinabukasan nag chat sya sa amin at nag papadala ng damit at dun na daw sya mag bihis sa apartment na inuupahan ng amo nya kasi sa sobra kalasingan daw nila hindi na nila nahatid ang misis ko then ska pa lang din nag chat sa akin yun amo nya nahingi ng paumanhin dahil nga daw hindi nila na hatid ang misis ko at lahat sila ay hilo na at wala na sa wisyo pati daw yun bf nito (pero ang pinag iisip ko dito nagawa pa makapag drive ng bf nito pauwi sa apartment nila)

Tapos inaway ko na si misis nito nag chat ako sa kanya bakit hindi na sya naka uwi at sorry na lang sya ng sorry sa akin hanggang sinundo ko sya dun sa parlor at pinag paalam ko na mag uusap lang kmi mag asawa.

Sinabi ko sa misis ko na "okay sana yun kung babae lang kayu dun kaso andun yun bf ng amo mo kaya hindi ako mapalagay" yan po sabi ko then humaba usap namin at nauwi lang din sa patawaran, then na kwento nya na pagkagising daw nya iba na suot nya kasi suka sya ng suka sa kalasingan kaya basa ang damit nya at hindi rin yun magagawa ng amo nya babae kasi knockout na din sa kalasingan until malaman namin na yun bf pala nito ang nagpalit sa kanya ng damit at pati pants nya pinalitan din ng short kasi naka pantalon sya nun gabi na yun.

Tinanong ko sya kung may naramdaman sya na ginalaw sya nun bf ng amo nya pero sabi lang nya sa akin wala na daw sya maalala nun kasi tulog na lang daw sya.

Nag usap usap kmi apat ng amo nya, bf ng amo nya at misis ko. Inamin ng amo nya na hindi sya ang nag palit ng damit ng misis ko at yun bf nya ang umamin sa amin na pinalitan daw nya ito kasi nag magandang loob lang daw sya kasi basang basa daw yun damit ng misis ko at basa din daw yun sahig. Sinabi nya rin na nakita nya ang ***** at *** ng misis ko pero wala na lang daw yun sa kanya kasi parang kapatid na daw turing nila sa amin.

Yan lang po ang buo kwento sna po wag nyo ako i bash kasi may pagkakamali ako dito at nag tiwala ako sa sinabi ng misis ko na ihahatid sya at nasanay din ako na ganun ginagawa sa kanya na hinahatid sya ng amo at bf nito.

Naka attach na din po chat convo namin nun amo nya ska yun usapan nila ng misis ko. Ska yun chat ko sa bf ng amo nya na inaway ko na din.

Marami salamat po.



IMG_2958.jpeg

IMG_2959.jpeg

IMG_3052.jpeg
 

Attachments

Technically, ganito yan.

TOTALLY, mali misis mo na hindi ka ininform sa inuman nila. Pamilyadong tao na siya kaya dapat alan na niya yung priority. Pwede naman niya i-insist na uuwi dapat siya sa amo niya at magpapahatid.

Mali din yung amo na nagpakalango sila sa alak nung gabing yun kasi obligado siyang ihatid ang empleyado niya at pamilyado.


Doon sa tanong mo, heto sagot ko.

Kapag lasing, dalawa lang yan based sa experience ko bilang responsableng manginginom for the past 15 years.

1. Lasing na may memory pa, kaya pang makauwi. Nagtitira ng pang uwi.

2. Lasing na tutulog at wala ng matatandaan. Pwedeng knockout or talagang wala ng matandaan.


Dun sa isang tanong mo na kung may possibility na may nangyari, bilang lalaki isang malaking sampal yan sa atin. Lalaki tayo e. Biruin mo, pinalitan yung damit ng asawa mo, tapos sasabihin wala lang? Ogags ba siya? Di natin maaalis sa atin yung kutob.

Nasa sa iyo na yan kung mapapaamin mo. Pero kung may tiwala ka pa sa kanya, better huwag mo na ipaulit yung pagiinom nila. Or palipatin mo na ng trabaho.
 
Last edited:
Grabe bro parang medyo kalma kapa nyan base sa chat mo. kasi iwan ko nalang if ganyan mangyare sakin , di ka man ginalang nung bf

Atsaka yung gf bro nung bf bantayan mo rin yan
 
Ang dapat tlga tinawagan ka para ikaw mag asikaso sa asawa mo. Yun lng at wala nang iba. Kahit nga sarili Kong kapatid na babae mag alinlangan ako bihisan f lasing. Ibang tao pa kaya. 🤦
 
Yan hirap pag pala inom at gimikera ang babae. Tatlo sila dun sa inuman pero un bf ng amo ang nagpalit? Kaduda duda nga
 
Ang dapat tlga tinawagan ka para ikaw mag asikaso sa asawa mo. Yun lng at wala nang iba. Kahit nga sarili Kong kapatid na babae mag alinlangan ako bihisan f lasing. Ibang tao pa kaya. 🤦
Agree ako dito dapat siya kasi asawa tinatawagan para ma sundo
 
Oo lods kase oras na ma black out ka hindi mo na alam ginagawa mo tyaka dimo na maalala kinabukasan mga ibang ginawa mo. Pero pag hindi naman sobrang lasing alam mo lahat ng ginagawa mo
 
Normal lang magduda pero huwag mag assume. Wala po kaseng strong evidence na meron nga nangyari sa kanilang dalawa unless meron CCTV camera na ginawa nga nilang dalawa iyon. Okay na magkaroon ng trig or emotional trig - human being lang tayo na nakakaramdam ng ganun pero of course , in men's perspective , ang sasabihin na meron nangyari sa kanilang dalawa. Lalake po kase. Tinatawanan nga ng lalake kapag meron isang lalake na lumabas sa kwarto ng babae na kahit walang nangyari sa kanilang dalawa , tatawanan siya. Sasabihin na "uy, impossible, meron nangyari sa inyong dalawa". Kahit walang evidence , psychologically , automatic na siya sa brain dahil ganun kase ang perspective nila as a guy of what is being a man daw. Wala naman tayo diba sa kdrama (preferably na ang movie o teleserye target for female audience) na mostly o yung iba , lalake ang nagpapalit ng damit ng babae kapag babae ang lasing pero walang nangyayari sa kanila. Sabagay, kdrama kase iyon.

Teka lang. Napa isip ako. Para naman sinabi na ang nature ng boyfriend ng amo nito ay hindi loyal dahil lalake siya. Ayaw ko isipin pero it seems kase na dinudungisan ang nature ng lalake pero yup , it is okay na magduda pero huwag o I mean mahirap mag assume na walang strong evidence.

Yun lang yun.

...and sa text ng lalake , si boyfriend , based sa text , malakas conviction niya na walang nangyari sa kanilang dalawa. Conviction , malakas based on text lang naman. Again , ayaw ko mag-assume dahil like I said , as long as there is no strong evidence ay hindi maganda na nag-aassume dahil diyan ang nagsisimula sa hiwalayan.​
 
Last edited:
first of all. kung may respect sayo yung asawa mo magpapaalam na iinom yan..
edi sana napuntahan mo asawa mo sa mga oras na yun...

kahit anong buti mo oras na nag***** yung tiwala mo may masisira pa unti unti .

lagi ka magdududa.
babaguhin ka yan ng duda mo.
mas ok kung mag iba na yung work ng asawa mo pero kung ayaw nya kasya mahirap maghanap o maraming dahilan e. ihanda mo na sarili mo tibayin mo loob mo.
 
bro eto opinion ko.

asawa at pamilyado na yung babae.
di ka manlang ina update ng misis mo?.
bat di ka tinawagan para sunduin yung misis mo at iba pa tlga ang nag palit ng damit sa misis mo?

yan yung mga tanong na naiisip ko habang binabasa ko yung post mo, pwede din naman tlga walang nangyari pero bro para kang iniputan ng tropa mo, ni hindi ka manlang sinabihan na ganon na pala sitwasyon ng asawa mo. Para sakin tatanggapin ko nalang na wala nga talaga nang yari and sasabihan ko si misis na layuan "sila" o maghanap ng ibang trabaho, pag ayaw ng misis ko doon na mag iisip kung tama ba tlga hinala ko.
 
Inaamin mo na may pagkakamali ka, siguro dahil sobrang tiwala mo sa misis mo at sa mga kasama nya.

Pero base doon sa ginawa ng misis mo na magpakalasing, magkandasuka suka, pumayag palitan ang damit ng ibang lalaki, sabihin na nanting walang nangyari pero ang pangit, lalaki pa rin yun imposibleng walang pagnanasa. Bilang lalaki napakasakit nung bagay na ikaw lang dapat ang makakakita ng katawan ng misis mo pero ganon ganon lang makikita ng iba dahil sa ka walang disiplina ng misis mo.


Negative na sa relasyong ganyan. Mauulit at mauulit yan.
 
Alam nila yan, sadyang part of defensive mechanism nila yung hindi na alam kung anong nangyari. Been there sa situation na super duper drunked.
 
habang buhay mong dadalhin yan bro. hindi tayo pinanganak kahapon para hindi natin yan maintindihan. para sa akin, opinyon ko bilang may asawa at isang lalake, negative na ganyang babae, hihiwalayan ko na yan, at sesestenhan ko nlng anak namin, ng magtanda, tingin ko kasi mauulit ng mauulit yan, iiputan ka nlng sa ulo. pero di ko kilala asawa mo, ikaw mas nakakakilala sa kanya, malalaman mo yan sa mga galaw nya.
 
Ang hirap niyan Sir, lagi mo kasi yan iisipin till mapatunayan mo na wala talagang nangyari. Isipin mo nalang po na wala talagang nangyari sa kanila. Wala ka namang evidence para pagdudahan mo asawa mo. Pero lalaki kasi kaya iba kasi pag iisip kapag lalaki na. Advice ko lang po pag usapan niyo yan ng maigi at kung pwede layuan niya muna yung kaibigan niya or lilipat siya ibang trabaho para naman sa peace of mind mo
 

Similar threads

Back
Top