What's new

Cold classmate

  • Thread starter Deleted member 2176153
  • Start date
D

Deleted member 2176153

Guest
so i have this guy classmate. we see each other as close friends. but as we became friends more, grabe na chat namin as in we chat everyday, whole day, up until dawn like until 5 am . our chat topics would go from acads to love sentiments and music and more (but actually not so much acads😭). sinasabayan ko sya kase i enjoy his company naman and di ko gusto maging kj.
my friends say he likes me daw but i keep denying naman pero he showed some potential signs like staring across the classroom at me, blushing, gazing at me when we're eating, asking about my love language, and even dreams about me😭 (girl ako btw). he randomly sends updates of where he's at din like even during no class
pero kapag nasa school kami, it's like he doesn't try to talk to me. pero 'pag sa chat na, grabe todo sya mag chika. like as in may voice message pa, videos, selfies nya. this went on from september to the first week of december.
pero ngayon very minimal nlang chat nya, as in cold. he leaves me on seen and delivered. i don't care if he has romantic interest with me or not pero i dont wanna lose a friend like him and kasama pa kami sa mga school activities, so ayoko magkaroon ng awkwardness.
i have been trying to find the right timing to talk with him but lately it has been hard for me. what are your thoughts on this???
thanks in advance sa magrereply🙌🏻
 
Wait, maglalaro muna ako TS. Reply ako rito mamaya haha.

May mga ganyang tao talaga na hindi masyadong showy kapag gusto ka pero pagdating na sa online or virtual kung saan na posibleng kayo lang talaga makakaalam o komportable na sabihin kung ano man 'yan, doon talaga nila binabahagi sa'yo.

Parang ako din pala, sobrang nonchalant at cold sa chat pero napaka-clingy at talkative at marami pang topic kung sa chat/FB kami magkausap. Old times talaga at nakaka-miss 'yon, miss ko na rin ng kausap haha. Hindi mo naman sila masisisi kung ganyan sila kaya sabayan mo na lang kung saan sila komportable as long na hindi ka napipilitan at normal lang 'yan since baka introvert din siya.

At sabi mo nga bigla siya nagbago, subukan mo kausapin sa personal hindi sa chat para mas maiintindihan niya. Halos ng mga introvert may past stories 'yan at baka may problema siya kaya ayan ang rason kung bakit siya nagkakaganyan or baka hindi ka aware na may ginawa kang mali at ayaw niya 'yon at nasaktan siya. Kapag sa feelings naman niya, pwede mo naman siyang sabihin na okay lang 'yon at mas mainam na kung kilalanin niyo muna ang isa't-isa at sa ganyang paraan kahit wala naman kayo, hindi pa mawawala friendship niyo at dapat kung kausapin mo siya sa ganyang bagay dapat kalmado at walang biro I mean huwag mong tawanan kung sakali may sabihin siya sa' yo.
 
Last edited:
Pag sa chat Kasi mas komportable sya kausapin ka since kayo lng nman dalawa makakaalam ng Convo nyo, eh pag kinausap ka nya ng personal, maraming makakarinig at makakakita sa Inyo at baka tuksuhin lng kayo, nakakailang kaya pag palagi ka nlng tutuksuhin ng mga tao, Yung tipong everytime nlng na lalapitan ka nya, may mga nanunukso sa Inyo, awkward parin Yun kahit Sabihin pa natin na may gusto sya Sayo.
 
Nahihiya yan lalot nasa teenage kayo, normal yan bgyan mo Ng onting spice pagpa selosin mo Ng onti para maramdaman nyang may threat sya, pag dipa yan umamin ewan ko nlang pero onting pagpaselos lang ha.
 
finding the right moment to express your concerns and inquire about his well-being might help clear things up. Approach the conversation with empathy and openness, emphasizing your desire to maintain a strong and comfortable friendship.
 
kumusta na muna kayo ts? sayang di ko agad nabasa ito noon hahahaha... ang masasabi ko lang magaling ang pamamaraan ni guy ☺️😁
 

Similar threads

Back
Top