What's new

Attracted on older women

Mukhang mahirap yan paps lagay mo, masyadong malayo yung difference, sure kaba sa 60yo?

Hindi kaba broken family TS? Like yung wala ka kasamang nanay nung napalaki ka, baka kasi attention ng 'ina' yung hanap mo sa ngayon hindi love na 'asawa'
 
HAHAHAHAHA single mom yata trip mo boss, tho you're still normal TS hindi kasi same same ng gusto ang bawat tao. kung sakaling mag mahal ka man ng 40 above explain mo nalang sa parents mo ng maayos. tapos 40 yrs old na mayaman TS
 
Hala gagi parehas na parehas tayo paps hahaha! I am also attractive sa mga ganyang edad. Although nagkakagusto rin naman ako sa ka age ko pero mas naaattract talaga ako sa hindi ko ka age.
 
Mukhang mahirap yan paps lagay mo, masyadong malayo yung difference, sure kaba sa 60yo?

Hindi kaba broken family TS? Like yung wala ka kasamang nanay nung napalaki ka, baka kasi attention ng 'ina' yung hanap mo sa ngayon hindi love na 'asawa'
agree ako dito baka BF eh. kase grabe naman yung gap ng 60yrs.
 
Hnd nmn wierd. Nakikita ko na may ibang charm un ganyang edad, lalo n ung healthy, may kaya sa buhay, at mas bata tignan para sa edad nila. Para sakin hanggang 50's ko siguro nakikita yan.

Pero kung exclusively eto lng ang attractive sayo, hindi ito healthy. Tulad lang din yan na attracted exclusively sa mas bata. Meron kasi yan elemento ng fetishisation which you mistake for love attraction. Kung ung mga mas bata ang trip, they subconciously like the illusion of being in control; ung mas may edad nmn ang trip subconciously they like being passive and being cared for.

Kahit mahalaga din maranasan mo maattract sa may edad na, dahil lahat nga nmn ng tao ay tatanda din, meron din halaga na makilala mo ang partner mo habang bata (kaedad mo) nang sa ganun masasabi mo na minahal mo ung tao sa lahat ng antas ng paglago ng pagkatao nya.
 
attraceted din ako sa mature women pero max age ay 40 boss. siguro naghahanap ka ng aruga ng ina kaya ka naiinlove sa matatandang babae boss
 
Actually normal Yan, Kaya lng pag tinuloy mo Yan magready ka na sa mga judgments Ng mga tao sa relasyon nyo, Lalo na Kung mayaman Yan, iisipin lng nila na piniperahan mo lng.
 
Parte ng pagka binata yan na mag hangad ka ng mga babaeng mas matanda sayo and it's normal walang problema dyan..

Lahat ng lalake nagkakaroon ng fantasya na may maikama na babaeng mas matanda sa kanila
 
Huwag ka magpapa-apektado sa mga sinasabi ng ibang tao na keyso "hindi normal" kuno. Wala naman "rules" pagdating sa "love" ha? Lalo na sa age ? Tao nga naman. Tao lang ang taga-set ng "rules" kung ano dapat sa hindi. Mas hindi maganda kapag nakikinig ka sa ibang tao pagdating sa ganyan sitwasyon and lalo na kung negative. Hindi mo ma-uunleash kung ano ang "tinitibok-tibok ng heart mo" at lalo-lalo na hindi ka magiging "free" sa mga gusto mo mangyari sa life mo pagdating sa love and relationship dahil kung nagkaganun , anong silbi ang katagang "be yourself" na iyan kung nag-rerely ka sa mga tao kung ano ang "normal" sa hindi. Diba?

So I would say na 100 percent na normal na normal po siya. Huwag kang mag-alala. Ako na ang nagsasabi sa iyo dahil ako din , hindi rin ako sumusunod sa kung ano ang normal. Ang sinusunod ko lang ay ang "tibok ng heart ko" at kung ano ang desire ko at kung ano ang gusto ko kung kaya , as a result , ayun , andiyan na nasasabihan ako ng weird , nasasabihan ng narcissistic , nasabihan pa ako ng autism , nasabihan pa ako ng troll , nasabihan pa ako ng confused........... ang dami po nila as in and yet , I stay the same.

So be free and follow your "heart" but consequence lang kase ay meron na meron mag-didiscriminate sa iyo pagdating sa ganyan sitwasyon but if you are tough at hindi ka bibigay sa mga negative galing sa kanila , palalo ka.

Isipin mo na lang si Ai-Ai Delas Alas at saka husband niya. Naks. 50 plus si Ai-Ai Delas Alas at ang husband niya is 30 years old. O asan ka? Sobrang malayo ang agwat but they love each other and it looks like a "perfect couple". Minsan , meron kaseng ibang babae na hindi obvious na matanda na ang age kung kaya kapag nagsama ang mas bata , well , minsan napagkakamalan mas matanda pa rin ang mas bata sa kanya.

Ganun.

So okay lang iyan. Go.
Ito si Ai-Ai Delas Alas at ang kanyang husband

Ai-Ai Delas Alas And Her Husband.png


50 plus years old si Ai-Ai Delas Alas at 30 years old ang husband niya​
 

Attachments

Last edited:

Similar threads

Back
Top