What's new

Closed Ang pangingitlog ni arturo

Status
Not open for further replies.

Dyrem

Honorary Poster
Joined
Jul 1, 2016
Posts
334
Reaction
572
Points
209
Madaling araw na naman nakauwi si Arturo, galing sa inuman at lasing na lasing. Pag dating niya ay tulog na ang kanyang misis na si Karya kaya tumabi na lang siya sa kama at natulog na rin.

Kinaumagahan.

Sa muling pagmulat ng mga mata ni Arturo ay nakita niya na ang katabi ay isang lalaki, bigla syang nagulat at bumangon!


Arturo: Sino ka! At ano ang ginagawa mo dito sa kuwarto namin?

San Pedro: Huminahon ka Arturo. Hindi ito ang kuwarto niyo at ako ay si San Pedro.

Arturo: Ha? Kung ganon patay na ako!

San Pedro: Ganon na nga iho.

Arturo : Hindiiiii! Hindi ito pwede! Ang dami ko pang hindi nagagawa. Ang dami ko pang naiwan sa mundo! Maawa ka San Pedro pabalikin mo ako sa lupa kahit man lang para makapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay!


San Pedro : Teka huminahon ka. Hindi ka na pwedeng bumalik bilang ikaw, pero pwede kita i-reincarnate bilang isang inahing manok o bayawak!

Arturo : Mmmmm kung bayawak baka mapatay uli agad ako. Inahing manok lang po San Pedro, pero ilagay nyo po ako dun sa bukid namin para malapit ako sa pamilya ko!

San Pedro: OK pagbibigyan ko ang kagustuhan mo.

At muling nabuhay si Arturo bilang isang inahing manok. Nakita niya ang sarili na puno ng bayabas at kasama niya ang ibang mga inahing manok sa bukid nila.

Kinausap siya ng isa pang inahing manok na si Pekta.

Arturo : Whew, isa na akong manok! Ganito pala ang feeling. Teka bakit parang umiinit ang tiyan ko at kumukulo?

Pekta : Ikaw ba yung bagong manok dito? Ganyan talaga ang pakiramdam kapag malapit ka nang mangitlog. Magrelax ka lang at hayaan mo siyang lumabas.

Arturo : Ano? Mangingitlog ako?! Oo nga pala inahin nga pala ako kaya normal lang siguro yun.

Kahit medyo kinakabahan si Arturo ay sinunod nya si Pekta at nailabas nya ang unang itlog. Matapos mailabas ang itlog ay guminhawa ang pakiramdam ni Arturo.

Arturo: Wow ganito pala ang pakiramdam ng mangitlog, napakasarap! Ngayon ko lang naramdaman ito, para akong isang ina na nagsilang ng sanggol napakasarap. Ngayon ko lang naramdaman ito. Pero teka bakit parang meron pa?

Pekta : Huwag kang mag-alala di tulad ng tao, tayong mga manok ay kaya natin mangitlog ng isa hanggang walo, kaya magrelax ka lang at hayaan mo silang lumabas.

Arturo : Ganon ba? O sige. Maraming salamat Pekta! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, pero totoong nakaka-antig ng damdamin.

At muli na naman nangitlog si Arturo. Gumaan muli ang pakiramdam niya.
Napangiti at nasabi niya sa sarili niya na,

Arturo: Ito na ang pinakamasarap na naramdaman ko sa buong buhay ko kahit na noong namumuhay pa ako bilang isang tao.

Halos mapaluha siya sa galak. Naghahanda na sanang ilabas ni Arturo ang pangatlo niyang itlog nang biglang may matigas na bagay na pumalo sa ulo nya at may narinig siyang malakas na sigaw...


Karya : Hoooy! P@&!#i^(mo! Gumising kang demonyo ka! Bakit ka tumatae sa kama?


-----
Pasensya mahaba :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top