- Joined
- Oct 19, 2020
- Posts
- 3,005
- Reaction
- 1,291
- Points
- 1,012
"Ako naniniwala sa Diyos, pero ok lang basta ikaw hindi nananakit ng iba"
"Respeto lang"
"Respeto"
Mga katagang tumatapos sa isang mainit na bangayan tungkol sa relihiyon. Ang tinaguriang finale at pinaka magandang conclusion.
Ano tingin ko dito? Isa itong senyales na malaki na ang pagkukulang ng mga religious groups. Hindi na nito ginagampanan ang tungkulin nito. Unti-unti na nanunumbalik sa uri ng pariseo na siyang di' sinang-ayunan ni Kristo. Habang tinatawag ang sarili nilang "Kristyano"
Let's unpack.
"Ako naniniwala sa Diyos"
...proud na sabi ng isang theist. With conviction talagang kahanga-hanga sa unang tingin. Ano ba ang ibig nya sabihin? Na dahil naniniwala siya sa Diyos ay ligtas na siya? Na dahil naniniwala sya, therefore, bibiyayaan sya ng "Bathalang Maykapal". Ngunit ang totoo, hindi nya mapagtugma ang realidad at katotohanan ng Bibliya. Tinanggap nalang niya ang conflict ng lohika na nararamdaman nya, at inisang-tabi
"Bahala na, mas maganda na maniwala kasi at least kung totoo sya, hindi ako mapupunta sa impyerno".
Pakiusap, kung isa ka sa mga ganito, regardless kung saang sekta ka maligaya, ikaw mismo ang umunawa sa relihiyon mo. At hindi yang kuro-kuro lng ng ministro nyo.
Malamang na hindi mo lubos mauunawaan, pero ikaw mismo mararamdaman mo na hindi pala tlga conflict ang Bibliya at siyensya, habang mas lumalalim ang pag unawa mo.
Hindi tiwala at paniniwala ang hiningi ng "Diyos" mo sayo. Ang nangangailangan lang nyan ay mga manloloko. Pag unawa ang kailangan mo. Kung hindi mo nauunawaan yan sinabi ko, paano pa ka ang wika ng "Diyos" mo?
"Basta hindi gumagawa ng masama, at hindi nananakit ng kapwa"
Taas noong wika nmn ng atheist. Kahanga-hangang prinsipyo, and again, sa unang tingin.
Sapat na nga bang prinsipyo sa buhay ito?
Ano ba ang mabuti? Ano ang masama?
This is not a perfect world my friend.
Hindi lahat ng tamang desisyon ay walang masasaktan.
Hindi lahat na walang masasaktan ay tama.
Hindi lahat ng nanakit ay kontrabida.
Hindi lahat ng naaapi ay bida.
Paano kung kahit ano piliin mo, may masasaktan?
Paano yung imoral, kahit walang masasaktan?
Kaya hindi ako magtataka kung bakit ang herenasyon natin hindi kaya magdesisyon sa mabibigat na bagay. Hindi kaya umatang ng responsibilidad. Mas pipiliin nalang ihiwalay ang sarili sa lipunan, o tumakas sa pamamagitan ng pagkitil ng sariling buhay. Millenials nga nmn.. natuto lang mag rebelde, kahit hindi nmn naiintindihan kung ano ang ipinapalit sa pinagrebeldehan.
Sadyang nakakapanghinyang. Ang pagiging Kristiyano ay isang napakagandang pilosopiya na isabuhay. Ngunit naging isang paniniwala nalang at kulturang nakakasakal. Masaklap pa ay ang pagtanggap ng pera sa mga tao, na dapat sa serbisyo, ngunit ginamit sa pagpapalakas ng kapangayarihan.
Sabi nga ni Jesus "..sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa"
Kung naiintindihan lng natin kung ano ang kahihinatnan, ng ating buhay, ng ating bayan.. wag naman sana.. Sa oras na tuluyang mawala ang impluwensiya ng kristiyanismo, at magsilbing relihiyon ang gobyerno o kung sinong makapangyarihang taong pamapangabuso - sana sapat pa ang kapangyarihan ni Kristo sagipin ulit tayo.
Huineng's flag A Zen Koan

Last edited: