What's new

"Ako naniniwala sa Diyos, pero okay lang basta ikaw hindi nananakit ng iba"

Status
Not open for further replies.

Kaplok Kaplok

Forum Veteran
Elite
Joined
Oct 19, 2020
Posts
2,987
Reaction
1,289
Points
1,006
"Ako naniniwala sa Diyos, pero ok lang basta ikaw hindi nananakit ng iba"
"Respeto lang"
"Respeto"

Mga katagang tumatapos sa isang mainit na bangayan tungkol sa relihiyon. Ang tinaguriang finale at pinaka magandang conclusion.

Ano tingin ko dito? Isa itong senyales na malaki na ang pagkukulang ng mga religious groups. Hindi na nito ginagampanan ang tungkulin nito. Unti-unti na nanunumbalik sa uri ng pariseo na siyang di' sinang-ayunan ni Kristo. Habang tinatawag ang sarili nilang "Kristyano"

Let's unpack.

"Ako naniniwala sa Diyos"

...proud na sabi ng isang theist. With conviction talagang kahanga-hanga sa unang tingin. Ano ba ang ibig nya sabihin? Na dahil naniniwala siya sa Diyos ay ligtas na siya? Na dahil naniniwala sya, therefore, bibiyayaan sya ng "Bathalang Maykapal". Ngunit ang totoo, hindi nya mapagtugma ang realidad at katotohanan ng Bibliya. Tinanggap nalang niya ang conflict ng lohika na nararamdaman nya, at inisang-tabi
"Bahala na, mas maganda na maniwala kasi at least kung totoo sya, hindi ako mapupunta sa impyerno".
Pakiusap, kung isa ka sa mga ganito, regardless kung saang sekta ka maligaya, ikaw mismo ang umunawa sa relihiyon mo. At hindi yang kuro-kuro lng ng ministro nyo.
Malamang na hindi mo lubos mauunawaan, pero ikaw mismo mararamdaman mo na hindi pala tlga conflict ang Bibliya at siyensya, habang mas lumalalim ang pag unawa mo.

Hindi tiwala at paniniwala ang hiningi ng "Diyos" mo sayo. Ang nangangailangan lang nyan ay mga manloloko. Pag unawa ang kailangan mo. Kung hindi mo nauunawaan yan sinabi ko, paano pa ka ang wika ng "Diyos" mo?

"Basta hindi gumagawa ng masama, at hindi nananakit ng kapwa"

Taas noong wika nmn ng atheist. Kahanga-hangang prinsipyo, and again, sa unang tingin.
Sapat na nga bang prinsipyo sa buhay ito?
Ano ba ang mabuti? Ano ang masama?
This is not a perfect world my friend.
Hindi lahat ng tamang desisyon ay walang masasaktan.
Hindi lahat na walang masasaktan ay tama.
Hindi lahat ng nanakit ay kontrabida.
Hindi lahat ng naaapi ay bida.
Paano kung kahit ano piliin mo, may masasaktan?
Paano yung imoral, kahit walang masasaktan?
Kaya hindi ako magtataka kung bakit ang herenasyon natin hindi kaya magdesisyon sa mabibigat na bagay. Hindi kaya umatang ng responsibilidad. Mas pipiliin nalang ihiwalay ang sarili sa lipunan, o tumakas sa pamamagitan ng pagkitil ng sariling buhay. Millenials nga nmn.. natuto lang mag rebelde, kahit hindi nmn naiintindihan kung ano ang ipinapalit sa pinagrebeldehan.

Sadyang nakakapanghinyang. Ang pagiging Kristiyano ay isang napakagandang pilosopiya na isabuhay. Ngunit naging isang paniniwala nalang at kulturang nakakasakal. Masaklap pa ay ang pagtanggap ng pera sa mga tao, na dapat sa serbisyo, ngunit ginamit sa pagpapalakas ng kapangayarihan.
Sabi nga ni Jesus "..sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa"
Kung naiintindihan lng natin kung ano ang kahihinatnan, ng ating buhay, ng ating bayan.. wag naman sana.. Sa oras na tuluyang mawala ang impluwensiya ng kristiyanismo, at magsilbing relihiyon ang gobyerno o kung sinong makapangyarihang taong pamapangabuso - sana sapat pa ang kapangyarihan ni Kristo sagipin ulit tayo.

Huineng's flag A Zen Koan
 
Last edited:
mga sweeping words to end something and it greatly defeats the skill of attention to details, kaya ang mga theist mahilig mag trust and obey hehe
 
Hala anong final words? 😆


Pang balasa lang ng mga paniniwala paps.
Ah kei… i thought this was about kung sino ang better between the two.. kasi if ganon i think most theist will say that they wanna be good in the eyes of the god that they happen to believe in.. while ung atheist nman wanna be good in the eyes of the society that he happens to belong to..which gives them both the notion that they are somehow better… both can also view the ideas of the other to be detrimental to theirs… unavoidable lang tlaga ung interactions nila kasi we all share this little space natin..

Ung term nman na “respeto lang” i really dont like reading or hearing that sa mga gantong discussion…
 
any final words?
Piang isipan ko kung ano ung final words na hinahanap mo. Maybe you want to know my personal position?
I am a pro-christianity atheist

At hindi ako magbibigay ng kung anong recommendation dapat position ng ibang tao. It was never about "what" to think. It is about "how" to think.
 
Alm mo tama ka. Nag dagdag na ako. Sana ok sayo. Msyadong influenced kasi yan ng opinion ko e. 👍
Sadyang nakakapanghinyang. Ang pagiging Kristiyano ay isang napakagandang pilosopiya na isabuhay. Ngunit naging isang paniniwala nalang at kulturang nakakasakal. Masaklap pa ay ang pagtanggap ng pera sa mga tao, na dapat sa serbisyo, ngunit ginamit sa pagpapalakas ng kapangayarihan.
Sabi nga ni Jesus "..sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa"
Kung naiintindihan lng natin kung ano ang kahihinatnan, ng ating buhay, ng ating bayan.. wag naman sana.. Sa oras na tuluyang mawala ang impluwensiya ng kristiyanismo, at magsilbing relihiyon ang gobyerno o kung sinong makapangyarihang taong pamapangabuso - sana sapat pa ang kapangyarihan ni Kristo sagipin ulit tayo.
Very theistic pov ah… 😌 why christian philosophy ang inaadvocate mo btw?
 
Very theistic pov ah… 😌 why christian philosophy ang inaadvocate mo btw?
Pag nakita mo kung alin ang metaphor, it is very rationalist.
Christianity kasi mas maiintindihan na lenguahe ng most Filipino. Pero nakita mo na din siguro ung bhuddist arguments ko.
 
Pag nakita mo kung alin ang metaphor, it is very rationalist.
Christianity kasi mas maiintindihan na lenguahe ng most Filipino. Pero nakita mo na din siguro ung bhuddist arguments ko.
Perhaps… but then again may teachings din from other books or religion that can offer the same virtues…

pero do u agree na worst ang society natin if stop adopting ung christian philosophy??
 
Perhaps… but then again may teachings din from other books or religion that can offer the same virtues…

pero do u agree na worst ang society natin if stop adopting ung christian philosophy??

Honestly hindi ko na din alam. Masyado n nga tyrannical ung version ng christianity satin when it comes to personal religion. At wala nmn n ung philosophy. Hindi na niintindihan ng tao ung difference.
Sad to say pero mukhang kailangan pa natin ng wokeness.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top