What's new

Age Gap

tummycute

Grasshopper
Joined
May 19, 2023
Posts
15
Reaction
13
Points
11
Pa advice naman may babae kasi akong mahal na mahal nung una sobrang sweet namin lahat ng mga effort ko masayang masaya siya yung pakiramdam namin na walang paglagyan ng saya kahit hindi naman nakakatuwa yung joke ko tawa siya ng tawa tapos palagi ko siya nahuhuli nakatitig sa akin sa tuwing magkikita kami para bang sabik kami sa isat isa pero lahat ng yun nabago nung umamin ako sa kanya na mahal ko siya para bang laki ng galit nya sakin simula ng umamin ako sa chat na mahal ko siya kinausap ko sa personal pinahiya nya ko sa sarili ko hindi ako pinansin tapos nagchat ako sa kanya nainis din ako hindi naman ako totally galit,yung pakiramdam na iniintindi mo lang siya.Halos 2months na kami hindi nagbabatian sa personal parang hindi na kami magkakilala ubos na ubos na ko lahat nalang ng pagmamakaawa ginawa ko na ang sabi nya sa chat wala daw siya nararamdaman.Hinayaan ko nalang siya.Para bang siya pa yung galit sa akin hindi ko lang siya maintindihan lahat naman ginawa ko hindi ko na siya magawang suyuin dahil natatakot na naman akong mapahiya sa sarili ko.Malaki kasi agwat namin dalawa 53 yung babae ako 28.Nalulungkot ako kasi marami din kami pinagsamahan eh para bang napamahal na kami sa isat isa🥺😔
 
Nakakalungkot talagang maranasan ang ganitong sitwasyon. Ang pag-amin sa pagmamahal ay maaring maging isang malaking desisyon at hindi ito palaging nagiging maganda. Hindi ko alam ang buong konteksto ng inyong relasyon, ngunit maaring may iba't ibang mga kadahilanan kung bakit nagbago ang reaksiyon niya matapos ang inyong pag-amin.

Ang agwat sa edad ay maaring magdulot ng komplikasyon sa mga relasyon, at ito ay maaring isa sa mga bagay na kinabahan siya. Maaring nagdulot ito ng takot, pangamba, o pag-aalinlangan sa kanyang isipan. Mahalaga na bigyan natin ang bawat isa ng oras at espasyo para maisip at maunawaan ang mga emosyon na kanilang nararamdaman.

Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin ngayon ay igalang ang kanyang mga nais at desisyon. Hindi mo maaring pilitin ang isang tao na maramdaman ang pag-ibig o maging kasama ka. Maaring ito ay isang mahirap na katotohanan, ngunit kailangan nating tanggapin ito. Kung nagdesisyon na siya na hindi maging parte ng iyong buhay, mahalaga na maintindihan at tanggapin mo ito.

Maaring ito ay isang pagkakataon para magpahinga at magpagaling. Mahalaga na alagaan mo ang iyong sarili at mag-focus sa iyong personal na pag-unlad. Maaring ito rin ang pagkakataon upang mag-isip at suriin kung ano ang gusto mo sa hinaharap at kung paano mo maisasakatuparan ang iyong mga pangarap. Hindi magiging madali, ngunit maaring ito ay isang proseso ng paglilinaw at pagbabago.

Tandaan na ang pag-ibig ay hindi palaging magiging pareho ang direksyon. Hindi natin kontrolado ang nararamdaman ng ibang tao, kaya't mahalaga na tanggapin natin ang mga ito. Maari ding maging mas mahusay ang pagkilala sa ating sarili at sa mga bagay na tunay na nagpapasaya sa atin. Huwag kang mawalan ng pag-asa, dahil sa tamang panahon, maaring darating ang isang taong magbibigay ng tunay na pagmamahal at pag-unawa.

Kung nahihirapan kang makabangon mula sa sitwasyon na ito, maaring makatulong ang pagkuha ng suporta mula sa mga kaibigan, pamilya, o propesyonal na tagapayo. Huwag mahiyang maghanap ng tulong at laging isaisip na may mga taong handang maglingkod at mag-alaga sa iyo.

Nawa'y mahanap mo ang kaligayahan at pagmamahal na hinahanap mo.
 
agree lalo na at malaki rin age gap niyo baka yan isa sa iniisip nya na baka mapahiya kalang kung pipiliin mo syang makasama lalo na sa lipunan nating maraming mapanghusga inaalala nya rin siguro kung anong masasabi nang mga tao sa relationship niyo....
Yun lang paps, nagbakasali karin naman kasi na baka gusto ka nya pero hindi lagpas sa pagkakaibigan ang kaya nya pong ibigay na friend zone ka lodi
 
Pero seriously, baka wrong mistake ka at assumptionista ka lang. Baka ang turing sa 'yo ni madam eh anak o paboritong pamangkin tapos nag-aylabyu ka na agad kaya parang nailang na siya sa iyo. Opinyon ko lang naman. Feel free na magpaliwanag at magkwento pa. Mas maganda siguro post pic na rin ni tita. Spoiler mo na lang. Na-curious na ako eh. Hihihi...
 
Since malayo Ang agwat ng edad nyo, marami talagang pwedeng dahilan kung bakit ayaw nya Sayo. Ito lng Ang mga dahilan na naiisip ko.
1-Hindi ka nya type
2-Ayaw ng mga kamag anak nya na makipag relasyon sya sa Bata
3-Sya mismo Ang may ayaw makipagrelasyon sa Hindi nya ka edad.
4-Feeling nya Hindi kayo bagay
5-Ayaw nyang ma judge dahil pumatol sya sa Bata
6-Ayaw nyang ma judge ka ng mga tao dahil sa Dami ng babae sya Ang pinili mo.
7-Baka friend lng talaga tingin nya Sayo
8-Iniisip nya na baka Mandiri ka sa kanya Kasi matanda na sya
9-Iniisip nya na baka ginagamit mo lang sya
10-Natatakot sya na ipagpapalit mo din sya kapag nakahanap ka ng mas maganda at sê×ÿ sa kanya
 
nalaman nya kasing may romantic pala ikaw na pagtingin sa kanya, umiiwas nalang sya. Matalino rin.
 
Trinaydor nya ko yung bagay na kami lang dapat ang umayos bakit kailangan nya ipagkalat sa iba
Grabe nmn Yung trinaydor, Pala kwento talaga Ang mga babae, kaya mahirap talaga Silang kausapin Kasi lahat ng sasabihin mo sa kanila, ikekwento talaga nila Yun sa iba.
 
MILF hunter ka pala kapatid.
Wagas yung pagmamahal ko sa kanya nabago lang lahat yun yung lumabas yung totoo nyang ugali pinagkanulo nya ko trydor siya akala ko siya na yung babaeng itinadhana sa akin kasi buo yung loob ko na ipaglaban ko siya😔

Grabe nmn Yung trinaydor, Pala kwento talaga Ang mga babae, kaya mahirap talaga Silang kausapin Kasi lahat ng sasabihin mo sa kanila, ikekwento talaga nila Yun sa iba.
dahil buo yung loob ko na ipaglaban ko siya sa iba kahit na ikamatay ko hindi nya nako matanggihan dahil hindi na siya paniniwalaan ng mga tao kapag pumayag pa siya sa gusto ko kaya ako nalang yung nilagay nya sa kahihiyan buo akala ko siya na yung babae itinadhana sa akin dahil masaya ako na pinagmamalasakitan ko siya at naalala sa lahat ng oras nabago ang lahat at nawala lang yung pagmamahal ko sa kanya yung lumabas yung totoo nyang ugali kaya inunawa ko nalang at kinaawaan dahil hindi naman alam ng mga tao yung buong kwento pero buo loob ko humarap sa mga tao dahil wala naman akong pinakitang pangit sa kanya pinagpasa Diyos ko nalang ang lahat😔

Grabe nmn Yung trinaydor, Pala kwento talaga Ang mga babae, kaya mahirap talaga Silang kausapin Kasi lahat ng sasabihin mo sa kanila, ikekwento talaga nila Yun sa iba.
pinanindigan nya nalang na wala siyang nararamdaman sa akin kasi na kwento nya sa iba.Hindi na kasi siya paniniwalaan kapag pumayag pa siya sa gusto ko.Nakiusap ako na makipag usap sa akin ng maayos galit pa rin ang nanaig sa kanya it means may naramdaman siya bakit ayaw nyang makipagusap sakin para maayos namin diba.
 
Last edited:
Wagas yung pagmamahal ko sa kanya nabago lang lahat yun yung lumabas yung totoo nyang ugali pinagkanulo nya ko trydor siya akala ko siya na yung babaeng itinadhana sa akin kasi buo yung loob ko na ipaglaban ko siya😔


dahil buo yung loob ko na ipaglaban ko siya sa iba kahit na ikamatay ko hindi nya nako matanggihan dahil hindi na siya paniniwalaan ng mga tao kapag pumayag pa siya sa gusto ko kaya ako nalang yung nilagay nya sa kahihiyan buo akala ko siya na yung babae itinadhana sa akin dahil masaya ako na pinagmamalasakitan ko siya at naalala sa lahat ng oras nabago ang lahat at nawala lang yung pagmamahal ko sa kanya yung lumabas yung totoo nyang ugali kaya inunawa ko nalang at kinaawaan dahil hindi naman alam ng mga tao yung buong kwento pero buo loob ko humarap sa mga tao dahil wala naman akong pinakitang pangit sa kanya pinagpasa Diyos ko nalang ang lahat😔


pinanindigan nya nalang na wala siyang nararamdaman sa akin kasi na kwento nya sa iba.Hindi na kasi siya paniniwalaan kapag pumayag pa siya sa gusto ko.Nakiusap ako na makipag usap sa akin ng maayos galit pa rin ang nanaig sa kanya it means may naramdaman siya bakit ayaw nyang makipagusap sakin para maayos namin diba.
Baka nga may nararamdaman nga sya, pinipigilan lng nya dahil sa edad nyo.
 
Pero seriously, baka wrong mistake ka at assumptionista ka lang. Baka ang turing sa 'yo ni madam eh anak o paboritong pamangkin tapos nag-aylabyu ka na agad kaya parang nailang na siya sa iyo. Opinyon ko lang naman. Feel free na magpaliwanag at magkwento pa. Mas maganda siguro post pic na rin ni tita. Spoiler mo na lang. Na-curious na ako eh. Hihihi...
sige pagpalagay natin wala siyang naramdaman sa akin bakit hindi nya ko magawang batiin at kausapin pagkatapos nyang sabihin na walang nararamdaman sa akin ? Bakit sa tuwing magkikita kami palagi nalang siyang galit? hindi ko na siya magawang tingnan dahil hindi siya naging totoo sa akin ganun lang kadali sa kanya na itapon yung mga pinagsamahan at mga bagay na mabubuting ginawa ko sa kanya okay lang kung sinabi nya sakin na kaibigan lang tingin nya sakin eh kaso sibabihan pa ko ng wala daw siyang pakialam sa nararamdaman ko at kung masaktan man ako wala siyang paki pinanindigan nya nalang kasi natatakot siya malagay sa kahihiyan kaya ako nalang yung nilagay nya.Kapag nagkikita kami parang gusto ko siya sigawan pero hindi ko na dapat patulan inintindi ko nalang wala naman ako kapangyarihan para kontrolin yung emosyon nya kinaawaan ko nalang.Pinakitaan mo ng mabubuting bagay tapos ikaw pa yung ikwento sa iba para ikaw maging masama.Mabuti nalang mabuting tao ako at malinis ang layunin ko sa buhay ko kaya may mga tao pa din na nakakaitindi sa akin at nagiging mabait.
 
Ilan yung mga anak nya sir 🤔 saka wala ba syang sabit ibig kong sabihin walang buhay na asawa or hiwalay lang pero kasal ganun 🤔
 

Similar threads

Back
Top