1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tanong lang po mga ka phc at opinion nyo. salamat

Discussion in 'Love' started by dragonpet, Feb 15, 2015.

  1. Sir ok lang po ba na sabihin ko sa mama nung ex gf ko na pupunta ako sa bahay nila at balak ko po surpresahin ang ex ko before po ako sumakay ng barko?. for more details lang po nasa abroad po ang mama nya at ok naman ako sa family nila sa kuya nya pati sa lola nya, sabi din po ng mama nya kung magka bf daw ulit ang anak nya sana daw po ako ulit ganun din po ang gusto ng family nya at lola nya. Nag break po kami nung june last year pa po nakikipag ayos po sya noon kaso pakipot po ako pero umasa ako na maayos ulit namin kahit di po ako gumagawa ng aksyon/effort binase ko na lang po sa paggttxt namin.. pero nagkakausap pa rin po kami at nakaka punta po ako sa bahay nila at nagkakatxt palagi kahit break kami. Hanggang sa ngayon lang feb. 13 po nag bago na lahat sinabi na po nya sa akin na wag na ko umasa nalaman ko din po na may manliligaw na sya, nasabi din po nya sa akin na babaero yung nanliligaw sa kanya na classmate at tropa nya pero ma effort daw po kaya malamang magustuhan ng ex ko yun. Long time crush ko po ang ex ko simula nung highschool pa kami school mate lang kami way back in 2008 lagi na po kami magkausap noon pero sa letter lang at sa y.m pati mama nya nakaka chat ko din, parang mag m.u lang pero di ko sya naligawan noon torpe po ako nung time na yun pero di po nawala communication namin hanggang maging college sya at hanggang maka graduate ako sa college, naging mag on po kami nung mag college sya 2013 medyo matagal ko po sya niligawan halos 11 months. Mga sir ano po gagawin ko patulong po :(((

    Question po: Paano kung may bf na sya at balak ko surpresahin ang ex gf ko before ako sumakay ng barko ok lang po ba?
     
  2. Draft

    Draft Administrator Staff Member Administrator

    Unang payu ku sayu ay:
    Wag ka manligaw sa family niya: mama, kuya o lola.
    Dapat sa kanya ka mismo manligaw, dapat sa kanya mu mismo ipapakita na sincere ka at you really love her.
    Show it to her not just on words but thru actions talaga.
     
    dragonpet likes this.
  3. Draft

    Draft Administrator Staff Member Administrator

    Then may advantage ka.
    Then gawin mu ay mas more effort sa lalaking yun.
    Wag mung hayaan magpa talo sa effort ng iba.
     
    dragonpet likes this.
  4. Thank you ng madami sir draft. Sundin ko po lahat ng mga sinabe nyo.
     
  5. DCCS

    DCCS Forum Veteran Established

    Pero kung niloko mo siya at pinagpalit dati sa ibang babae aba ang lakas ng loob mo magpakita pa sa kanya. At kung matagal na kayong hiwalay siguro naka move-on na siya at wala na siyang pake sa nararamdaman mo.
     
    dragonpet likes this.
  6. Draft

    Draft Administrator Staff Member Administrator

    But:
    Kung mahal talaga siya ng EX nya, walang imposible. ;)
     
    dragonpet and DarkCore.CoreSec like this.
  7. dami naman ibang gurls dyan fafi.. wag na sa masakit sa ulo.. magulo at complicated na yan.. di na yan masaya.. hanap ka n lng iba fafi..
     
    dragonpet likes this.
  8. DCCS

    DCCS Forum Veteran Established

    Yup. Mahal sa mahal. Pero hindi na ganun na mababalik pa sa dati yung 100% na trust nung girl :) Depende lang naman sa situation :) pero yung girl na nagsabe na wag na siyang umasa. That's the sad part of life. Kasi kung tutuusin bakit niya pa kailangang magpakita at isu-surprise pa nya eh meron namang text/call and chat/viber. kung pagbabasehan sa sinabi nung babae wala ka ng karapatan sa kanya eh.
     
    dragonpet likes this.
  9. Draft

    Draft Administrator Staff Member Administrator

    I was there once :)
    Sabihin na nating mas worst pa dyan ;)

    Yet I still win her now :love:
    And still fighting for her at the moment :angelic:.
     
    dragonpet likes this.
  10. DCCS

    DCCS Forum Veteran Established

    Well depende kung gaano kayo nag tagal :) at kung gaano mo siya ginalang nung time na kayo pa kaya nagkaroon ng chance na magkabalikan kayo.
     
    dragonpet and Draft like this.
  11. Draft

    Draft Administrator Staff Member Administrator

    Yes it depends.
     
    dragonpet and DarkCore.CoreSec like this.
  12. DCCS

    DCCS Forum Veteran Established

    hahaha. (y) (y)
     
    dragonpet likes this.
  13. Salamat sainyo mga sir. Di ako nangbabae wala ako pinalit na iba kahit ako ang nakipag break lagi po kasi kami puro away noon. Mahal ko lang po talaga yung ex ko. Baka po ngayon march sakay nako barko. gusto ko lang sana i-surprise sya before ako alis kasi nagsabi sya na gusto nya yung cute na travel pillow. eh ang balak ko lang po sana bago ako alis bigyan sya nun kahit halimbawa may bf na sya, Yun lang po sana gagawin ko.. ok lang po siguro yun ano po tingin nyo mga sir?
     
  14. DCCS

    DCCS Forum Veteran Established

    Halimbawa mang may bf na siya sa tingin mo tama yung gagawin mong pagbibigay sa kanya ng regalo? :) As friends ba o dahil mahal mo pa siya.
     
    dragonpet likes this.
  15. Draft

    Draft Administrator Staff Member Administrator

    Gift lang naisip mu?
    I think masyadong kulang yan in terms of effort na sinasabi ku ;)
     
    dragonpet likes this.
  16. DCCS

    DCCS Forum Veteran Established

    Sa akin parang mali. Kasi kung sakali mang may bf nga siya. Example natin kunwari ikaw yung bf dragonpet tapos ako yung ex. Pupunta ako ng palihim sa bahay ng ex ko tapos bibigyan ko ng gift tapos isesekreto namin ng ex ko yung pagpunta ko sa bahay nila. Sa tingin mo pag nalaman mo yun matutuwa ka? Of course not. Magagalit ka syempre at ganun ang mararamdaman ng lalaki kung sakaling may bf na nga si girl. :) makakasira ka pa ng relasyon ^_^
     
    dragonpet likes this.
  17. Draft

    Draft Administrator Staff Member Administrator

    Ikaw mismo nakaka alam ng status nyung dalawa, kung sa tingin mu may chance kapa kahit kunti lang go for it!
    Di bali ng mahirapan ka ngayun kaysa pag sisihan mu sa huli ;)
     
    dragonpet likes this.
  18. Sir alam ko naman po mali talagang gawin yun. as friends at mahal ko pa din sya.
    Opo sir at yung favorite food nya at white roses.. balak ko din na konchabahin mga guard sa village nila at yung mga kapatid at kaibigan nya basta mag eeffort po ako. ano po tingin nyo matutuwa ba sya o maiinis mga sir?
     
  19. Draft

    Draft Administrator Staff Member Administrator

    Depende sa klase ng Girl, may girl kasi na mahilig ng surprises at merun din mahilig sa simple lang ;)

    Basta master mu muna/basahin yung ni link ku sa PM mu ;)
    It helps a lot :)
     
    dragonpet likes this.
  20. Ok po,Thank you sir draft!
     
Tags / Keywords: