What's new

Closed Written and spoken word poetry

Status
Not open for further replies.
Joined
Aug 19, 2016
Posts
179
Reaction
38
Points
109
"YOSI TAYO"

A SPOKEN WORD POETRY

Paano nga ba ang pakiramdam ng mainlove sa ikalawang pagkakataon sa iisang tao? Hayaan mo at isasalaysay ko sa iyo kung paano. Idedetalye ko kung paano muling magmahal pagkatapos na ikaw ay mabigo. Ikukuwento ko kung paano maghanap ang isang pusong nangulila. Uumpisahan ko sa salitang "YOSI."
Ilang taon na nga ba akong naninigarilyo? Siguro halos kalahati ng edad ko ngayon. Ganun na ako katagal nagyoyosi. Labinlimang taon. Pero sa loob ng labinlimang taon ay natagpuan ko ang isang kahulugan ng salitang yosi. Yun pinakamatamis na kahulugan nito. Kapag nagsasalubong ang mga usok ninyong dalawa ng mahal mo. Kapag sisindihan ninyo ang mga sigarilyo ng iisang lighter. Kapag magkukrus ang mga landas ninyo sa iisang tagpuan para lamang makasama ang isa't isa na magyosi. Wala ng mas tatamis na pagkakataon bukod sa dalawang magkawak-kamay na nagyoyosi.
Ngunit isang gabi ay nalango ako sa alak. Nanigarilyo ako ng mag-isa na malayo sa aming tagpuan. At kakilakilabot na ang mga sumunod na naganap. Isang pagkakamali ang aking nagawa at lubha ko itong pinagsisisihan. Dahil sa pagkakamaling ito bigla na lamang naglaho ang lahat ng tamis sa isang iglap. Lumipas ang mga araw na wala ng kaming dalawa sa aming tagpuan. Ang naiwan na lang doon ay isang usok mula sa isang pusong nasaktan. Naiwan akong magisa dito sa kuwartong ito, pilit na naghintay ng isang text na nagsasabing, " Tara yosi tayo. " Pero lumipas ang mga araw nangulila ako sa nagiisang text na yan. Ni hindi ako makalabas ng bahay dahil tanaw na tanaw ko lang ang aming tagpuan. Sabay matutulala ako dahil gustuhin ko man pumaroon ngunit wala namang naghihintay sa akin doon. Yun pakiramdam na biglang huminto ang oras mo na nangangarap ka na lamang ng gising at nabubuhay sa nakaraan na hindi mo alam kung nakaraan na nga ba talga o may karugtong pa sa kasalukuyan.
Ngunit anong sugat ang hindi kayang gamutin ng pag-ibig?Sabi nga nila paglipas ng unos ay sisikat parin muli ang araw. Pinilit kong abutin muli ang aking pangarap bago pa man ito tuluyang mawasak. Unti-unting nabuo muli ang mga pares ng usok sa aming tagpuan.





PAG-AKYAT SA BUNDOK A Spoken Word Poetry




You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.



5bb799_05db845a250e4b56858029c5a626cb51~mv2.webp


May lumuksong ideya sa aking kaisipan ,
Pangarap na nililok ng isang nakakulong na liwanag
sa madaling araw;
Binuo ng sumisingaw na kapighatian,
Binuhay ng anak ng liwanag,
Sa mabilis na sumasalubong umaga.

Ang mga damo ay maghihintay,
Upang ang kanyang mga butil ng hamog
ay patuyuin ng aking mga panyapak.



Ang mga dahong tahimik naman,
Ay bahagyang iindayog,
Tila sasayaw sa bawat pagpunas ng pawis
ng isang manlalakbay.



Yayakap ang isang kakaibang lamig,
Sa nasa loob ng kasuotang dadalhin.
Ang haharap na mundo ay dudungaw
mula sa kalayuan,
Sa mga matang mabibighani sa kanya.



Iaangat ng mga oras ang aking mga paa.
Sila ay hahakbang patungo sa panganganak
ng naglaro sa guni-guni.
Saluhin mo Kabundukan
ang aking mga bibigkasin sa iyo.



Pakinggan mo ang nasa loob ng aking puso
sa ating pagtatagpo.
Dahil ikaw ay aking aakyatin.
Ang iyong bagnos ay aking susundan
kapiling ang aking matamis na anino.
 
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


PANGANGAPA


Kapain mo ang himaymay ng mga musika na hindi mo marinig.
Kapain mo ang daloy ng tubig
sa batuhang walang lumot.
Kapain mo ang linyang binakat
ng mga langgam na walang mapuntahan.
Kapain mo ang kapaligirang
likha lamang ng mga guni-guni.

Kapain mo ang gabi na hiling
mo ay di na magwakas.
Kapain mo ang ang mga panaginip
na ang tauhan ay nasa realidad.
Kapain mo ang mahimbing na
pagtulog na nabubuhay sa alamat.
Kapain mo ang katahimikan
na sa iyo'y ayaw magabang.

Kapain mo ang mga salitang
makabubuo ng isang aklat.
Kapain mo kung hindi bahiran
ng kadiliman ang bawat pahina.
Kapain mo ang panulat kung
iiyak ito ng langit.
Kapain mo ang karimlan kung
siya ay muling magsasalita.

Minsan ay darating na bigla,
Minsan ay maglalaho na lamang
Ang lahat ng pangangapa.
Ang mundo nga ba ang siyang nagkamali?
O ang mga daliri mong nakalutang
sa kawalan?
 
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


PANGANGAPA


Kapain mo ang himaymay ng mga musika na hindi mo marinig.
Kapain mo ang daloy ng tubig
sa batuhang walang lumot.
Kapain mo ang linyang binakat
ng mga langgam na walang mapuntahan.
Kapain mo ang kapaligirang
likha lamang ng mga guni-guni.

Kapain mo ang gabi na hiling
mo ay di na magwakas.
Kapain mo ang ang mga panaginip
na ang tauhan ay nasa realidad.
Kapain mo ang mahimbing na
pagtulog na nabubuhay sa alamat.
Kapain mo ang katahimikan
na sa iyo'y ayaw magabang.

Kapain mo ang mga salitang
makabubuo ng isang aklat.
Kapain mo kung hindi bahiran
ng kadiliman ang bawat pahina.
Kapain mo ang panulat kung
iiyak ito ng langit.
Kapain mo ang karimlan kung
siya ay muling magsasalita.

Minsan ay darating na bigla,
Minsan ay maglalaho na lamang
Ang lahat ng pangangapa.
Ang mundo nga ba ang siyang nagkamali?
O ang mga daliri mong nakalutang
sa kawalan?
ikaw may gawa nito boss? galing :D
 
SINABIT KO ANG MGA BITUWIN SA TABI NG ISANG
KANAL


(A Spoken Word Poetry On Being A Freelancer and Virtual Assistant)

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.



Tubig na mahinhing dumadaloy
kasama ang lahat ng dumi at kalat
na itinapon sa kanya ng mundo,
mga supot ng pagkain,
mga bote’t lata ng inumin,
napkin, diaper, tsinelas
na pudpod at gutay-gutay.


Kulang ang isang dosenang
tula upang isa-isahin ko
ang lahat ng basurang itinapon
at itatapon ng isang bahagi
ng isang barangay
sa kanlungan ng tubig
na palagi kong dinadaanan
sa umaga at sa hapon,
minsan pati sa gabi.


May isang kanal na dakila
kong tagapanood
habang paulit-ulit kong
inilulutang sa mababaw na hangin
ang lobo ng pag-ibig.
May isang kanal na dakila
kong taga-palakpak at taga-ngiti
sa tuwing high na high
si Kupido sa loob ng
aking pagkatao.


At minsan malapit sa kanal na ‘to
nabuo rin ang paulit-ulit na pagclick
sa isang mouse.
Ganun ko rin inulit-inulit ang
pagpindot sa isang key
ng katabi nitong keyboard.
Enter! Enter! Enter!



At pinasok ko nga ang isang
computer shop sa tabi ng isang kanal.
Naisip ko bukod sa aking silid
kung saan ko ibinubuhos ang mga oras ko
bilang isang freelancer,
may isa pa akong nahanap na opisina.
Malapit sa isang napakaruming kanal,
isinabit ko ang mga bituwin.
 
Boss pahiram ng spoken poetry mo kailangan ko lang, yung PAG-AKYAT SA BUNDOK A Spoken
Word Poetry

Thanks a lot
 
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


BAGONG HALIMAW



Maraming kuko and kadiliman,
Ang iba sa mga ito ay nakikita ng ating dalawang mga mata,
Samantalang ang ilan naman ay naririnig lamang
Ng tengang ginawang isang halimaw ng kanyang nakaraan.

Nagkaroon ng isang malaking pagbabago sa buhay
Ng isang taong nagmamay-ari ng pansalo
Sa lahat ng malalagim na tunog na may kasamang lungkot,
Bahagyang tumahimik ang kanyang mundo.

Ang mga paglalaro sa mga salita na naging kanyang kaluluwa
Nagbukas ng isang bagong pintuan
Ang bawat katahimikan ng gabi
May kapalit na salapi.

Ngunit ang kayamanang nahihipo ng mga kamay,
Tila may tinatagong muling panganganak ng isang halimaw,
Isang nakakapangilabot na bagong anak ng kadiliman
Na kayang lamunin ang bawat emosyon mong maganda.

May mga sandaling wala na siyang maramdaman,
At mga punyal ang makikita sa kanyang mga mata.
Unti-unti nilang kinikitil ang buhay na nagumpisa sa kanyang nakaraan
Dahilan upang salubungin ng mga patak ng luha ang pagdating buwan.

Nagbabago ng anyo ang halimaw,
Sa mga panahon na hindi mababatid ng may katiyakan.
Kaya rin nitong buhayin ang ilang piraso ng nakaraan,
Marahil ay paraan niya ito upang ikaw ay kanyang bitagin.

Ilang ulit kong pinag-isipan kung paano siya nalikha.
Ang buhay ng halimanaw na ‘to,
Hindi sa salapi nagsimula,
At inakala kong ang kalikasan niya ay bago.

Ngunit nararamdaman ko
Na pinakikita niya lamang sa akin ang tunay kong kaanyuaan,
At nais niya akong ihatid sa kaligayan at katahimikan
Na lubha kong hinahangad.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top