Share ko din sakin, may sarili akong kwarto at nangyari ito nung bata pa ako mga grade 4 or grade 5, diko malilimutan itong nangyari kasi halos 1-week palang nakakalipas at kakalibing namin nun sa lolo ko. Nung nabubuhay pa sya, lagi nya akong kinukwentuhan pag andun ako sa kanila, kaya close kami, at the same time kasi ako ang unang apo nya. Mga bandang 10-12 ng gabi naalimpungatan ako bigla, may nakabarong na puti sa harapan ko, yung kakamulat mo talaga ng mata mo may mapapansin kang nakatayo sa may left part ng paanan mo, pero diko nakita mukha, syempre bata ako nun kaya pinikit ko agad mata ko at nagkumot ako sa takot, at dahil curious ako kung namamalikmata lang ba ako or meron talaga yung nakabarong, pasimple akong nag side sa left ko at tinaas yung gilid ng kumot ko (imaginin nyo nalang) para silipin, at yung nakita kong una eh paa na nakalutang, diko na tinignan ng buo binaba ko nalang agad ung kumot.