Nope. I don't believe na "nagsulat sila based on their ideal deity" na sinasabi mong dahilan kung bakit nagkaroon ng two characteristics of God sa Bible. I believe na kaya nangyari yan dahil sa katotohanang hindi lubos na kilala ng mga propeta ang Diyos. Naniniwala silang mabuti ang Diyos sa mabubuti at naniniwala rin silang malupit at mapagparusa naman sa mga masasama. Kaya sa mga katulad na turo nila like sa Noah's flood at pagkawasak ng Sodoma at Gomora na maitururing na natural disasters ay itinuro nilang Diyos daw ang may gawa dahil nga sa paniniwala rin nilang malupit ang Diyos sa mga masasama.
Yan ang masasabi kong malalim na dahilan kung bakit nagpadala ang Diyos ng galing sa itaas upang lubos na makilala ng lahat ang Kanyang katangian. Dahil ang galing sa itaas ay nakasama ang Diyos buhat pa sa pasimula. Kaya nga lubos na kilala ni Jesus ang Diyos dahil Siya ay galing sa itaas na bumaba sa lupa. At ang mga apostol at alagad ni Jesus na sumulat tungkol sa Kanya ay mismong nasaksihan ang Kanyang mga salita at gawa. Sa mga sinabi ni Jesus na "Siya at ang Ama ay iisa" (Juan 10:30) at "Siya ay nasa Ama at ang Ama ay nasa Kanya" (Juan 14:11) ay masasabi kong tunay nga Niyang napatunayan sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa dito sa lupa. Si Jesus ay naging mabuti hindi lang sa mabubuti kundi sa mga masasama din, patunay na ganun din ang Diyos na nasa langit. Si Jesus na kahit pinagmalupitan at pinahirapan ng mga masasama dito sa lupa ay hindi naghiganti bagkus hiniling sa Diyos na Sila'y patawarin sa kanilang mga ginawa. Talagang napatunayan ni Jesus ang itinuro Niya na "Ibigin ang mga kaaway at gawan ng mabuti, upang maging mga anak ng Kataastaasan: sapagka't ang Diyos ay magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama" (Lucas 6:35). Kaya nga upang maituring na anak ng Diyos ay dapat ding tularan ang Kanyang pagmamahal at paggawa ng mabuti sa mga masasama. Yung masasama at kaaway mo iibigin mo at gagawan mo ng mabuti, this is also "Love to the highest level".
Kaya pasensya na, hindi ako agree sa paliwanag mo.
Okay lang na huwag mag-agree sa ipinaliwanag ko. Okay lang sa akin. Ang akin lang naman is being realistic lang naman. If sa paniniwala mo about God and everything is mataas ang ideal nito, it is okay for me din. Wala naman kaso.
Sinabi ko lang naman iyon dahil in the beginning of belief system, hindi pa kase uso ang single God. Siyempre, naniniwala po ako dahil meron na po knowledge ang ibang tao pagdating sa ancient history religion.... alam niyo na? Yung tipong na evolve ang relihiyon from past up to the modern days, kahit sa ilan encyclopedia online ay meron din nakalagay po. Iyon nga lang, hindi nakalagay sa bible. Magkaseparate po kase pagdating sa mga ganyan so understood po iyon.
Sunod, nasabi ko din dahil yung old testament ay si abraham (kaya nga itinawag na abrahamic religion) and so noon unang panahon, hindi natin masisi malamang ang mga tao na naniniwala sa dating old God nila na ganun ang pagkakaportray nila about their God. Yung new testament po naman, well, bago lang po siya, yun ay si Jesus Christ na pagpoportray naman ng mga tao is iba naman ang characteristic ng God and so.... you know? I mean... uhm... we really, really can't blame them why umusbong ang two characteristic ng God po nila. Beside, same ng old God from old testament and new God from new testament is meron miracle din.
Yun ang reason why nasabi ko siya but it is okay if you don't agree with me. I understood naman na naniniwala ka na nag-exist ang single God from the beginning up to the modern days. Ibig sabihin, yung God natin based on theist beliefs ay walang nauna sa kanila dieties. Siya lang. Kaya, naiintindihan ko.
Anyway, yung itinutukoy ko na siya ang nauna, siya ang nag create ng Adam and Eve at siya ang single God and then nagparami sa mundo. Nagpakita kay abraham and then kay Jesus Christ naman ay bumaba galing langit, galing kay God. So all in all, sa lahat ng mga theist, naka-indoctrinate na po na walang nag exist na polytheist noon unang panahon. Ang nag exist lang ay yung true God nila or single God lang.
Last edited: