What's new

Animation Underrated Anime Recommendation

Suggestions ko para sa naubusan kakamarathon ng anime

Bakuman- shounen to siya at tungkol sa dalawang aspiring na mangaka artists na gusto maging anime ang kanilang manga. Same author sa Death Note so expected na maganda ang dialogues nila at kung di mo tipo yung walang action, mukhang maghihinayang ka dito. Also napakaganda ng romance sa anime nato.

Kaiba- sci-fi to siya at parang cartoon ang kanilang katawan hahaha pero ma fe-feel mo talaga yung art sa storya na ito. Ito ay tungkol sa isang tao na nawalan ng alaala at nakikipagsapalaran para makuha ang kaniyang memorya. Napakaganda ng istorya na ito pero hinding hindi talaga ito magugustuhan kung tipo ang kagandahan sa mukha/world. Maganda ang animation dahil Madhouse studio ito same sa one punch man season 1.

Kaiji- psychological/game/thriller- one of the best game anime na napanuod ko, ma fefeel mo talaga yung tense sa laro at kung pano niya ito malalagpasan. Ito ay tungkol sa isang tao na si kaiji na lubong aa utang kaya't napalaro ng isa na parang death game. Grabe ito na anime, ubos singot ko sa panonood nito hahahaha pero take note sa drawing ng kanilang mukha kasi may pagkaweird sa simula pero habang nanonood ka ay magugustuhan mo na rin. Madhouse ang studio nito kaya di na kayo mag-alala sa animation nito.

Ito lang muna i susuggest ko sa ngayon at marami pa ako napapanuod na underrated anime at manga. Salamat sa pagbasa! Godbless!
 
Back
Top