What's new

Closed Turo 6: sinasang-ayunan ng diyos ang pagsamba sa mga imahen

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
Saan nagmula ang turong ito? “Ang mga unang Kristiyano ay hindi gumamit ng mga imahen sa kanilang pagsamba . . . Binigyang-katuwiran ng simbahan ang pagsamba sa mga imahen noong ika-4 at ika-5 siglo. Sinabi nilang mas matututo ang mga taong walang-alam sa mga turo ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga imahen kaysa sa mga sermon o aklat.”—Cyclopedia of Biblical, Theological, and Ecclesiastical Literature, ni McClintock at Strong, Tomo 4, pahina 503 at 504.

Ano ang sinasabi ng Bibliya? “Huwag kang gagawa ng imahen na kawangis ng anumang bagay sa langit, sa ibabaw ng lupa o sa ilalim ng tubig. Huwag mo silang yuyukuran o sasambahin.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Ang Biblia, Bagong Salin sa Pilipino) Sumulat si apostol Juan sa mga Kristiyano noong unang siglo: “Mumunting mga anak, bantayan ninyo ang inyong sarili mula sa mga idolo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Gaya ng sinasabi ng simbahan, ang mga imahen ba ay talagang paraan lamang upang makalapit at maparangalan ang mga kinakatawan nito? Ganito ang sinabi ng The Encyclopedia of Religion: “Sa simula, ikinakatuwiran ng simbahan na ang mga imahen ay ginamit pangunahin na sa [pagtuturo] at bilang dekorasyon. Pero di-nagtagal, ito ay ginamit na sa pagsamba. Totoo ito sa mga imahen na naging pangunahing bahagi ng pagsamba sa Silanganing Ortodokso.” Angkop nga ang tanong ni propeta Isaias: “Kanino mo itutulad ang Dios? Anong larawan ang pagtutularan mo sa kanya?”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Ang Biblia, Bagong Salin sa Pilipino.

Ihambing ang mga talatang ito ng Bibliya: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

ANG TOTOO:

Hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang pagsamba sa mga imahen

TANGGIHAN ANG MALING MGA TURO, MANGHAWAKAN SA KATOTOHANAN

Ano ang masasabi natin mula sa maikling pagtalakay tungkol sa maling mga turo ng maraming relihiyon? Ang mga turong ito na “katha lamang ng tao” ay hindi maihahambing sa simple at nakaaaliw na mga katotohanang itinuturo ng Bibliya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Magandang Balita Biblia.

Kaya buksan ang iyong isipan, at ihambing ang itinuro sa iyo sa kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos—ang bukal ng katotohanan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung gayon, magiging totoo sa iyo ang pangakong ito: “Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
to see is to believe. ganyan ang mga tao. kaya nga may imahen di ba? nakita mo na ba ang diyos. pwes ipakita mo din sa akin wag mga imahen
 
to see is to believe. ganyan ang mga tao. kaya nga may imahen di ba? nakita mo na ba ang diyos. pwes ipakita mo din sa akin wag mga imahen
May Nakakita Na ba sa Diyos?

Ang sagot ng Bibliya


Walang taong aktuwal na nakakita sa Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinasabi ng Bibliya na ang “Diyos ay Espiritu,” isang anyo ng buhay na di-nakikita ng tao.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pero dahil espiritung nilalang ang mga anghel, nakikita nila ang Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Karagdagan pa, ang ilang tao na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa langit at magkakaroon ng espiritung katawan ay makakakita rin sa Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kung paano “makikita” ang Diyos ngayon
Madalas gamitin ng Bibliya ang ideya ng pagkakita para tumukoy sa pagiging naliwanagan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya makikita ng tao ang Diyos ngayon gamit ang “mga mata ng [kaniyang] puso” kung mananampalataya siya sa Kaniya, at sa gayo’y makilala Siya at mapahalagahan ang mga katangian Niya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinasabi ng Bibliya kung paano tayo magkakaroon ng ganitong uri ng pananampalataya.

  • Matuto sa mga katangian ng Diyos, gaya ng kaniyang pag-ibig, pagkabukas-palad, karunungan, at kapangyarihan, na makikita sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Matapos mapaalalahanan tungkol sa paglalang ng Diyos, nadama ng tapat na si Job na para bang nakikita niya mismo ang Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • Kilalanin ang Diyos sa pamamagitan ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Tinitiyak sa atin ng Bibliya: “Kung hahanapin mo [ang Diyos], hahayaan niyang masumpungan mo siya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • Matuto tungkol sa Diyos sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Dahil makikita kay Jesus ang personalidad ng kaniyang Ama, ang Diyos na Jehova, tama lang na sabihin niya: “Siya na nakakita sa akin ay nakakita rin sa Ama.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • Mamuhay sa paraang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., at tingnan kung anong gagawin niya alang-alang sa iyo. Sinabi ni Jesus: “Maligaya ang mga dalisay ang puso, yamang makikita nila ang Diyos.” Gaya ng nabanggit na, ang ilang lingkod ng Diyos ay bubuhaying muli sa langit at “makikita nila ang Diyos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Talaga bang nakita nina Moises, Abraham, at ng iba pa ang Diyos?
May mga ulat na para bang sinasabi ng Bibliya na aktuwal na nakita ng tao ang Diyos, pero ipinakikita ng konteksto na isang anghel ang kumatawan sa Diyos o na nagpakita ang Diyos sa pamamagitan ng pangitain.

Mga Anghel.
Noon, nagsusugo ang Diyos ng mga anghel bilang mga kinatawan niya para magpakita sa mga tao at magsalita sa kaniyang pangalan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Halimbawa, minsan ay nakipag-usap ang Diyos kay Moises mula sa isang nagniningas na palumpong, at ayon sa Bibliya, “ikinubli ni Moises ang kaniyang mukha, sapagkat natatakot siyang tumingin sa tunay na Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunman, hindi aktuwal na nakita ni Moises ang Diyos dahil ipinakikita ng konteksto na ang talagang nakita niya ay ang “anghel ni Jehova.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Gayundin, nang sabihin ng Bibliya na “nagsalita si Jehova kay Moises nang mukhaan,” nangangahulugan ito na nakipag-usap ang Diyos kay Moises nang sarilinan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi naman aktuwal na nakita ni Moises ang mukha ng Diyos, kasi ang impormasyon na tinanggap niya mula sa Diyos ay “inihatid ng mga anghel.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Dahil napakatibay ng pananampalataya ni Moises sa Diyos, inilarawan siya ng Bibliya na “parang nakikita ang Isa na di-nakikita.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ganiyan din nang makipag-usap ang Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng mga anghel. Totoo, sa pahapyaw na pagbasa sa Bibliya, maaaring magmukhang aktuwal na nakita ni Abraham ang Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunman, ipinakikita ng konteksto na ang “tatlong lalaking” pumunta kay Abraham ay mga anghel na isinugo ng Diyos. Para kay Abraham, sila ay mga kinatawan ng Diyos at nakipag-usap siya sa kanila na para bang si Jehova ang kinakausap niya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Mga Pangitain.
Nagpakita rin ang Diyos sa pamamagitan ng mga pangitain, o malinaw na mga larawang nakikita sa isip. Halimbawa, nang sabihin ng Bibliya na “nakita nila ang Diyos ng Israel,” talagang “nagkaroon sila ng pangitain ng tunay na Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayundin, sinasabi kung minsan ng Bibliya na “nakita” ng mga propeta si Jehova. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa bawat pagkakataon, ipinakikita ng konteksto na hindi tuwirang nagpakita ang Diyos, kundi nagpakita siya sa pangitain.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
di naman basihan yan basta ang importante naniniwala ka sa kanya(God the father)

Ang basta paniniwala sa Diyos ay hindi sapat para mapalugdan siya. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na maging ang mga demonyo ay naniniwala na umiiral ang Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunman, maliwanag na hindi nila ginagawa ang kalooban ng Diyos at hindi niya sila sinasang-ayunan. Upang sang-ayunan ng Diyos, hindi lamang tayo dapat maniwala na umiiral siya kundi kailangan din nating gawin ang kaniyang kalooban. Kailangan din nating humiwalay sa huwad na pagsamba at malugod na tanggapin ang tunay na pagsamba.

Ipinakita ni apostol Pablo na hindi tayo dapat makibahagi sa huwad na pagsamba. Sumulat siya: “ ‘Lumabas kayo mula sa kanila, at humiwalay kayo,’ sabi ni Jehova, ‘at tigilan na ninyo ang paghipo sa maruming bagay’; ‘at tatanggapin ko kayo.’ ” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya iniiwasan ng tunay na mga Kristiyano ang anumang may kaugnayan sa huwad na pagsamba.
 
bakit ba ang hilig maki pag debate ng mga taga inc tungkol sa kung anong kaibahan nila sa paniniwala ng mga katoliko ?
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top