What's new

Closed Turo 3: mapupunta sa langit ang mababait

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
Saan nagmula ang turong ito? Pagkamatay ng mga apostol ni Jesus, sa pasimula ng ikalawang siglo C.E., naging prominente ang unang mga Ama ng Simbahan. Ganito ang sinabi ng New Catholic Encyclopedia (2003), Tomo 6, pahina 687 may kinalaman sa kanilang turo: “Ang lubos na kaligayahan sa langit ay ipinagkakaloob sa kaluluwang humihiwalay karaka-raka pagkatapos gawin ang kinakailangang pagdadalisay pagkamatay ng isa.”

Ano ang sinasabi ng Bibliya? “Maligaya ang mga mahinahong-loob, yamang mamanahin nila ang lupa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bagaman ipinangako ni Jesus sa kaniyang mga alagad na ‘maghahanda siya ng dako’ para sa kanila sa langit, sinabi niya na hindi lahat ng matuwid ay mapupunta roon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ba ipinanalangin niya na maganap sana ang kalooban ng Diyos “kung paano sa langit, gayundin sa lupa”? (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa katunayan, may dalawang pag-asa para sa mga matuwid. Ilan sa kanila ay mamamahalang kasama ni Kristo sa langit, pero ang karamihan ay mabubuhay magpakailanman sa lupa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Nang maglaon, binago ng sinaunang simbahan ang paniniwala nito tungkol sa kaniyang gagampanang papel dito sa lupa. Ano ang naging resulta? “Ang itinatag na simbahan ang patuloy na humalili sa inaasahang Kaharian ng Diyos,” ang sabi ng The New Encyclopædia Britannica. Pinalakas ng simbahan ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pakikisangkot sa pulitika, at winalang-bahala ang sinabi mismo ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na ‘hindi sila bahagi ng sanlibutan.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang mamahala ang Romanong emperador na si Constantino, ikinompromiso ng simbahan ang ilan sa paniniwala nila. Ang isa rito ay ang tungkol mismo sa Diyos.

Ihambing ang mga talatang ito ng Bibliya: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

ANG TOTOO:

Ang karamihan ng mababait ay mabubuhay magpakailanman sa lupa—hindi sa langit
 
. .galing ng diyos.. gagawa ng ka-imahe tapos parurusahan , susunugin at lulunurin.. bait niya
“Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na tulad ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa tubig sa ilalim ng lupa.
Exodo 20:4

Utos yan ng Diyos na huwag gagawa na imahe kasama na di umano imahe nya... kinasusuklaman nya yun.
 
“Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na tulad ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa tubig sa ilalim ng lupa.
Exodo 20:4

Utos yan ng Diyos na huwag gagawa na imahe kasama na di umano imahe nya... kinasusuklaman nya yun.
.. mali, sabe ko ka-imahe hindi imahe niya o ng ano man diyos diyosan.. tayo na tao ka-imahe.. at ginawa tayo para din sumunod sa utos.. isa tayong alipin niya.. pero ako di papaalipin sa libro ng sinulat lang din ng kapwa tao.. tao ang gumawa ng diyos
 
.. mali, sabe ko ka-imahe hindi imahe niya o ng ano man diyos diyosan.. tayo na tao ka-imahe.. at ginawa tayo para din sumunod sa utos.. isa tayong alipin niya.. pero ako di papaalipin sa libro ng sinulat lang din ng kapwa tao.. tao ang gumawa ng diyos
Paano nilalang ang mga tao ayon sa larawan ng Diyos?

“Pinasimulang lalangin ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan, nilalang niya siya ayon sa larawan ng Diyos; nilalang niya sila na lalaki at babae.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

ANG SABI NG BIBLIYA
Bilang mga tao, may kakayahan tayong magpakita ng mga katangian ng Diyos, tulad ng pag-ibig, katarungan, at karunungan. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya: “Maging mga tagatulad kayo sa Diyos, bilang mga anak na minamahal, at patuloy kayong lumakad sa pag-ibig.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Binigyan din tayo ng Diyos ng kalayaang magpasiya, na tumutulong sa atin na piliin ang tama sa halip na ang mali at magpakita ng pag-ibig sa maraming paraan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May kakayahan din tayong maging malikhain, masiyahan sa magagandang bagay, at mamangha sa ating pambihirang daigdig. Higit sa lahat, pinagkalooban tayo ng pagnanais na matuto tungkol sa ating Maylalang at sa kaniyang kalooban para sa atin.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kung paano makakatulong sa iyo ang katotohanan sa Bibliya. Habang nakikilala natin ang Diyos at tinutularan siya, lalo tayong makapamumuhay sa paraang nilayon niya. Kaya naman lalo tayong nagiging maligaya sa ating buhay, anupat nasisiyahan, panatag, at kontento. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, alam ng Diyos na naaantig ang puso ng mga tao sa kaniyang magagandang katangian, anupat lumalapit sa kaniya ang tapat-pusong mga tao at inaakay sila sa daang patungo sa buhay na walang-hanggan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
.. mali, sabe ko ka-imahe hindi imahe niya o ng ano man diyos diyosan.. tayo na tao ka-imahe.. at ginawa tayo para din sumunod sa utos.. isa tayong alipin niya.. pero ako di papaalipin sa libro ng sinulat lang din ng kapwa tao.. tao ang gumawa ng diyos

Sa lahat ng uri ng buhay na nilikha ng Diyos sa lupa, talagang espesyal ang mga tao. Bakit? Ipinakikita ng Bibliya na tao lang ang ginawa ayon sa “larawan” at “wangis” ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ano ang ibig sabihin nito? Binigyan ng Diyos ang tao ng mga ugali at katangian na katulad ng sa kaniya, gaya ng pag-ibig at katarungan.

Binigyan din ang tao ng kakayahang mag-isip at mangatuwiran, makilala ang tama at mali, at ng pagnanais na magkaroon ng kaugnayan sa Diyos. Kaya naman, napapahanga tayo sa maringal na uniberso at sa magagandang bagay sa kalikasan, pati na sa sining, musika, at tula. Higit sa lahat, tao lang ang may kakayahang sumamba sa Maylikha. Kaya naman, ibang-iba ang tao kung ikukumpara sa ibang mga nilalang sa lupa.

Kaya pag-isipan ito: Bibigyan kaya ng Diyos ang tao ng gayong mga katangian, pati na ng kakayahang pasulungin at pahusayin ang mga iyon, kung gusto niya tayong mabuhay lang nang iilang taon? Ang totoo, ibinigay ng Diyos ang mga katangian at kakayahang ito sa tao para mabuhay tayo nang masaya dito sa lupa magpakailanman.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top