What's new

Closed Turo 1: ang kaluluwa ay imortal

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
2009801_univ_lsr_xl.jpg

Saan nagmula ang turong ito?

“Tinanggap ng unang mga pilosopong Kristiyano ang ideya ng mga Griego na imortal ang kaluluwa, at ito ay nilalang ng Diyos at ipinasok sa katawan sa panahon ng paglilihi.”—The New Encyclopædia Britannica (1988), Tomo 11, pahina 25.

Ano ang sinasabi ng Bibliya?
“Ang kaluluwang magkasala ay mamamatay.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Magandang Balita Biblia.

Tungkol sa paglalang sa unang kaluluwang tao, sinasabi ng Bibliya: “Pinasimulang anyuan ng Diyos na Jehova ang tao mula sa alabok ng lupa at inihihip sa mga butas ng kaniyang ilong ang hininga ng buhay, at ang tao ay naging isang kaluluwang [Hebreo, ne′phesh] buháy.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang salitang Hebreo na ne′phesh, na isinaling ‘kaluluwa’ ay nangangahulugang ‘isang nilalang na humihinga.’ Nang lalangin ang unang taong si Adan, hindi ipinasok ng Diyos sa kaniya ang isang imortal na kaluluwa kundi binigyan Niya ito ng puwersa ng buhay sa pamamagitan ng paghinga. Kaya sa Bibliya, ang ‘kaluluwa’ ay tumutukoy sa buháy na tao. Kung wala ang puwersa ng buhay na galing sa Diyos, ang kaluluwa ay mamamatay.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Dahil sa turo tungkol sa imortal na kaluluwa, bumangon ang mga tanong: Pagkamatay ng isang tao, saan napupunta ang kaniyang kaluluwa? Ano ang nangyayari sa kaluluwa ng masasamang tao? Nang tanggapin ng mga nag-aangking Kristiyano ang turo tungkol sa imortal na kaluluwa, inakay sila nito na tanggapin ang isa pang turo—ang tungkol sa maapoy na impiyerno.

Ihambing ang mga talatang ito ng Bibliya: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

ANG TOTOO:
Kapag namatay ang isang tao, hindi na siya umiiral
 

Attachments

Ano ang pinagmulan ng paniniwala ng Sangkakristiyanuhan sa isang di-materyal, di-namamatay na kaluluwa?

“Ang Kristiyanong paniniwala sa isang espirituwal na kaluluwang nilikha ng Diyos na ipinasok sa katawan sa panahon ng paglilihi upang bumuo ng isang taong may buhay ay ang resulta ng matagal na paglinang ng pilosopiyang Kristiyano. Tangi lamang noong panahon ni Origen [namatay mga 254 C.E.] sa Silangan at ni San Agustin [namatay noong 430 C.E.] sa Kanluran nabuo ang paniniwala sa kaluluwa bilang isang espirituwal na sustansiya at nagkaroon ng pilosopikong ideya ng kayarian nito. . . . Ang turo niya [ni Agustin] . . . sa kalakhan ay hango (lakip na rin ang ilang mga pagkukulang) sa Neoplatonismo.”—New Catholic Encyclopedia (1967), Tomo XIII, p. 452, 454.

“Ang ideya ng pagka-walang kamatayan ay nagmula sa kaisipan ng mga Griyego, samantalang ang pag-asa sa isang pagkabuhay-muli ay hango sa kaisipan ng mga Judio. . . . Pagkatapos ng mga pananagumpay ni Alejandro ay unti-unting nahawa ang Judaismo sa mga kuru-kuro ng mga Griyego.”—Dictionnaire Encyclopédique de la Bible (Valence, Pransiya; 1935), pinatnugotan ni Alexandre Westphal, Tomo 2, p. 557.

“Ang pagka-walang kamatayan ng kaluluwa ay isang paniniwalang Griyego na nabuo sa sinaunang mahiwagang mga kulto at higit na ipinaliwanag ng pilosopong si Plato.”—Presbyterian Life, Mayo 1, 1970, p. 35.

“Naniniwala ba tayo na may tinatawag na kamatayan? . . . Hindi ba paghihiwalay ito ng kaluluwa at katawan? At ang kamatayan ang siyang kaganapan nito; kapag ang kaluluwa ay umiral sa ganang sarili, at pinalaya sa katawan at ang katawan ay pinalaya sa kaluluwa, ano ba ito kundi kamatayan? . . . At nakakaranas ba ng kamatayan ang kaluluwa? Hindi. Kung gayon imortal ba ang kaluluwa? Oo.”—Ang “Phaedo” ni Plato, Sek. 64, 105, gaya ng paglalathala sa Great Books of the Western World (1952), pinatnugotan ni R. M. Hutchins, Tomo 7, p. 223, 245, 246.

“Nakita na natin na ang suliranin ng pagka-walang kamatayan ay matamang binigyan ng pansin ng mga teologong taga-Babilonya. . . . Hindi inisip ng mga tao ni inisip man ng mga nangunguna sa turong relihiyoso ang posibilidad ng ganap na pagkalipol niyaong umiiral na. Ang kamatayan ay daan tungo sa ibang uri ng buhay.”—The Religion of Babylonia and Assyria (Boston, 1898), M. Jastrow, Jr., p. 556.
 
marami yatang ibig sabihin ang kaliluwa sa biblia.

Kahulugan: Sa Bibliya, ang “kaluluwa” ay isinasalin mula sa Hebreong neʹphesh at sa Griyegong psy·kheʹ. Ang paggamit nito sa Bibliya ay nagpapakita na ang kaluluwa ay isang tao o isang hayop o ang buhay na tinatamasa ng isang tao o hayop. Subali’t sa maraming tao, ang “kaluluwa” ay tumutukoy sa espiritung bahagi ng isang tao na patuloy na nabubuhay pagkamatay ng pisikal na katawan. Ang pagkaunawa ng iba ay na ito’y tumutukoy sa prinsipyo ng buhay. Nguni’t ang mga huling nabanggit ay hindi itinuturo ng Bibliya.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top