What's new

Closed Totoo bang nabuhay si jesus?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
502012491_univ_sqr_xl.jpg
May matibay na basehan ang mga iskolar para maniwalang nabuhay si Jesus. Tungkol sa pagtukoy ng mga istoryador noong una at ikalawang siglo kay Jesus at sa mga unang Kristiyano, ganito ang sabi ng Edisyong 2002 ng Encyclopædia Britannica: “Pinatutunayan ng magkakaibang ulat na ito na noong sinaunang panahon, maging ang mga kaaway ng Kristiyanismo ay hindi kailanman nag-alinlangan na umiral si Jesus.” Ayon pa sa reperensiyang iyon, pinagtalunan lang ito noong magtatapos ang ika-18 siglo hanggang sa pasimula ng ika-20 siglo, pero wala naman silang matibay na saligan.

Noong 2006, sinabi ng aklat na Jesus and Archaeology: “Walang respetadong iskolar sa ngayon ang kukuwestiyon kung may nabuhay nga talagang Judio na nagngangalang Jesus na anak ni Jose; marami sa kanila ang aminadong may sapat tayong nalalaman tungkol sa mga ginawa niya at itinuro.”

Inilalarawan ng Bibliya si Jesus bilang isang tunay na tao. Binabanggit nito ang pangalan ng kaniyang mga ninuno at malapit na kamag-anak. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Binabanggit din nito ang pangalan ng prominenteng mga pinuno noong panahon ni Jesus. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa tulong ng mga detalyeng ito, nakukumpirma ng mga mananaliksik na talagang tumpak ang mga ulat ng Bibliya.
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top