What's new

Closed Thank you phc community ❤ take time to read.

Status
Not open for further replies.

ItsmeTiffi

Eternal Poster
Dear PHC members (from established, down to leechers),

Kadalasan po sa nababasa ko sa forum eh about internet questions, mga tutorials, config, pati na din advices at iba pa, pero never pa ko nakabasa ng thread about being grateful.

Thank you sa inyong lahat. You we're all very helpful, not just to me but to everyone. I am a med student from Davao City, God knows how PH Corner have been a great help for me. As a med student kelangan ko lagi manood ng YøùTùbé videos regarding surgeries and other medical stuff para kapag nasa operating room na eh may knowledge ako of what to do, hindi yung nga nga lang. Kung may kelangang ebook na basahin kasi pricy ang med book.

I am glad na may ganitong community akong nahanap. Sorry din sa pagiging hit n runners kasi minsan sa sobrang busy nakakaligtaan ko na magthank you, pero if I have time nagfefeedback naman ako at naglalike sa mga kunukuhanan ko ng prx, hpi and ehi pati mga vpn's.

Magiisang taon na akong leechers dito Sorry kung wala akong naiaambag. Siguro greatest achievement ko na sa PHC yung makagawa ako ng sariling config though i don't know when pa o makakagawa ba ako ✌

Wag sana akong makick out sa pagiging pabigat Ang purpose po ng thread na to ay para makapagpasalamat ako sa inyong lahat. Narealize ko lang kasi na we're too busy with all the tech stuff that we forgot to give thanks sa mga members dito na nagbabahagi ng knowledge nila. I mean at least once in a while may mabasa tayong acknowledgement sa thread.

Nagpapasalamat,


Magiisang taong leecher
 
Dear PHC Member,

Nakaraang buwan lamang ng magsulat ako ng pasasalamat dito. Kung dati leecher lang ako, ngayon, isang ganap na established member na. Maraming salamat sa inyong tulong at suporta.


Lubos na gumagalang,

Hindi na isang taong leecher.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top