What's new

TARA MGA BATANG 90'S Tambay tayo

markton1975

Honorary Poster
Joined
Sep 5, 2022
Posts
211
Reaction
454
Points
150
I am a 90’s kid and listening to songs brings me to an ultimate nostalgic moment. Those time when computers, tablets, Android phones, and internet don't yet exist, kid`s happiness is just simple.
Larong ng lahi is very close to our hearts, it was our happiness way back then. At the end of the day, we always went home with the stinky smell after playing under the sun and even shared with Mom and Dad of where we have been and what we have done the whole day.

I bet you experienced this popular games during our time. C)

TAGUAN (yung uuwian nyo sa bahay yung taya, kala nya may hinahanap pa sya)
PATINTERO ( PATOTOT MVP)
LUKSONG TINIK( mas gusto ko yung luksong baka, kasi pwede mo activate yung skills na PATUROK, AT BATISTA BOMB o BOMBA)
JOLENS,
TUMBANG PRESO ( tapos ang tsinelas mo na gamit eh yung +10 ALPOMBRA ng tatay ko na red o ISLANDER ng pinsan ko na gangster gangster)
TEKS (mas malakas ang powers na mag chaya lahat depende sa postura bago tumira, Mas maganda ang tuwad mas maganda ang pektus)
Agawang base (wala lng, lagi lang aq may kasuntukan pag yan yung laro)
BAHAY-BAHAYAN ( Paborito ko to kasi mas nalalaman ko ang kahalagahan ng mga sakripisyo at nararamdaman ng isang TATAY, inspired lalo pag Yung CRUSH mo yung ASAWA mo Kunwari, Bahay bahayan na may kasamang Diindiinan Ladies and gentlemen)

Ikaw anong Kwentong 90's mo?
 
Certified tito at tita na mga batang 90’s pero másáráp lumaki sa 90’s kasi nadisiplina mga bata kahit paluin ng teacher or paluin ng magulang tatatak sa isip niya na mali ginawa niya.. ngayon kahit paluin mo yung bata child abuse na at tsaka lalong magrerebelde pag pinagalitan mo
 
mismo, mga bata ngayon mapagsabihan lang ng magulang kung makapost sa social media kala mo aping api, hiyang hiya naman ako na pinaluhod dati sa bigas na may libro sa kamay ng isang oras 😂
 
mismo, mga bata ngayon mapagsabihan lang ng magulang kung makapost sa social media kala mo aping api, hiyang hiya naman ako na pinaluhod dati sa bigas na may libro sa kamay ng isang oras 😂
Uu bro, totoo din yung pagkatapos maglaro eh andungis dungis na at maasim ang amoy sa mga larong kalye hehe
 
másáráp pa rin talaga balikan ang batang 90's yung tipong akala mu noon walang katapusan ang buhay, yung lahat na eenjoy mu kahit walang internet mga panahon na uuwi kang madungis may sugat sa tuhod kakatakbo kung saan saan sa bukid sa damohan. Napaka simple ng buhay pero sulit sa saya kaya para sakin da best pa rin ang batang 90's👊💪
 
Di ko alam kung anong tawag sa inyo ng larong yun basta sa amin "palpagan" kapag ikaw yung taya palpag ka sa talampakan. Naku ang daming kwento na walang internet at mas maraming karanasan mga batang 90s pagdating sa buhay.
 
Mga bagay na masaya di na natin mababalikan.
Mga puppy love natin, binully, ninakawan ng ballpen o crayola at lapis, pati ung mga kapalitan natin ng snacks at lunch kamusta na kaya sila?

másáráp balikan yung mga moments na masaya tayo at bata tayo walang iniindang sakit ng katawan and all. Narealize ko na ambilis lang ng phase na yun at ngayon depressing as **** na. When i look back napapangiti ako.

-ESPS '99
 
Certified tito at tita na mga batang 90’s pero másáráp lumaki sa 90’s kasi nadisiplina mga bata kahit paluin ng teacher or paluin ng magulang tatatak sa isip niya na mali ginawa niya.. ngayon kahit paluin mo yung bata child abuse na at tsaka lalong magrerebelde pag pinagalitan mo
skwat with super book sa kamay hahaha
 
Yung shhhhhhhaaaaaatttttoooooo....nalaro din ninyo 4 sure....yung may dalawang patpat ng kawayan yung isa mga 25 inch siguro at yung isa maikli lang.hindi ko alam kung ano tawag sa inyo yan.sa pampanga shato tawag.
 
shato din tawag samin nyan paps
 
Back
Top