What's new

Help TANUNGAN NG SIRA SA COMPUTER AT LAPTOP | TANONG MO, SAGOT KO!

CONFITEOR

Honorary Poster
Established
Computer technician ako for several years, and I can say na marami na ko na-encounter na problema sa computer at naayos.

Ask me anything tungkol sa sira ng computer at laptop nyo.

Sa mga kapwa ko technician tulungan din po natin ang mga members dito sa problema nila, wag lang sa love life 😅🤣

When posting questions, please post in this format para madali ma-trace ang problem

*************
Problem/Errors (if error, indicate the error code):
Date when last used (na okay pa):
Date problem/error occured:
Last activity bago nagkaproblema (example: nanonood ka lang ng p*rn bigla na lang nag shutdown na pc mo):
*************

Paki indicate din kung anong unit at quick specs:
Motherboard:
Procie:
RAM:
Windows OS Version (Win 7, Win 10, XP)

Always do first level troubleshooting:
1. Check cables/connections
2. unplug and unplug power cable/laptop charger
3. check kung umaandar ang fan
4. for no boot/no display, reseat RAM: clean with erase then put it back
at marami pang basic procedures na pwede munang gawin na baka sakaling mapagana ang system unit/laptop nyo

Sa mga may visible na sira sa LCD, (*****, lcd burn, etc.) obviously for replacement na ang case nyan, pero kung mapagtyatyagaan nyo gamitin wala namang problema don

Sa keyboard ng laptop with keys na di gumagana, I suggest na baklasin o ipabaklas nyo at linisan ang keyboard, marami nagagamot pa sa ganon bago magproceed sa replacement. Tinatanggal ko minsan yung di gumaganang key, at ibinabalik lang tapos gumagana na ulit.

Let's keep this thread alive! Susubukan ko kayo matulungan based on my experience ^_^
 
Last edited:
binigay lang kasi boss matagal hindi nagamit nakalimutan pass kapag mag rurun nang application ayaw
kung wala namang importanteng files jan i re-format mo na lang total binigay naman na sayo, mag clean install ka na lang para ikaw na mismo yung maging administrator ng laptop na bigay sayo, pero kung gusto mo ma bypass yan madaming paraan para magawa yun, madami kung iisa isahin ko pa, kaya mas maganda kung tanungin mo muna si pareng google, tapos kung hindi pa nagana sayo yung mga turo ni pareng google tanong ka ulit dito baka masagot ng iba nating mga kasamahang tech dito,
 
sige boss salamat kapag ka ni reformat koba ito wala nang ibanng hihingiin tong laptop?
 
n

nabubuksan naman yung laptop kapag ka ni run lang talaga yung application ayaw niyan yung "RUN AS ADMINISTRATOR"
local user lang siguro kasi yung gamit mo, kaya pag mag run ka ng executable file o kaya mag install ka ng application mag require sya ng password,
 
boss kapag ka nireformat koto hindi naba niya hihingiin yung password na yan?
oo kasi wala na yung dating mga laman nya, freshly installed na sya kaya hindi na sya mag hahanap ng password, kasi ikaw na yung bagong administrator
 
Date when last used (na okay pa): jan 2018
Date problem/error occured: feb 2018
Last activity bago nagkaproblema: thesis namin tapos biglang ayaw niya na mag-on. blackout siya ng ilang araw tapos pagkabukas ko ulit may lumabas ng aptio setup utility. mga 3 buwan pa lang namin nagagamit yung laptop ko.
 
anong brand ng laptop mo and anong ginagawa mo or nangyare before magka error ng ganyan??
 
Back
Top