What's new

Help TANUNGAN NG SIRA SA COMPUTER AT LAPTOP | TANONG MO, SAGOT KO!

CONFITEOR

Honorary Poster
Established
Computer technician ako for several years, and I can say na marami na ko na-encounter na problema sa computer at naayos.

Ask me anything tungkol sa sira ng computer at laptop nyo.

Sa mga kapwa ko technician tulungan din po natin ang mga members dito sa problema nila, wag lang sa love life 😅🤣

When posting questions, please post in this format para madali ma-trace ang problem

*************
Problem/Errors (if error, indicate the error code):
Date when last used (na okay pa):
Date problem/error occured:
Last activity bago nagkaproblema (example: nanonood ka lang ng p*rn bigla na lang nag shutdown na pc mo):
*************

Paki indicate din kung anong unit at quick specs:
Motherboard:
Procie:
RAM:
Windows OS Version (Win 7, Win 10, XP)

Always do first level troubleshooting:
1. Check cables/connections
2. unplug and unplug power cable/laptop charger
3. check kung umaandar ang fan
4. for no boot/no display, reseat RAM: clean with erase then put it back
at marami pang basic procedures na pwede munang gawin na baka sakaling mapagana ang system unit/laptop nyo

Sa mga may visible na sira sa LCD, (*****, lcd burn, etc.) obviously for replacement na ang case nyan, pero kung mapagtyatyagaan nyo gamitin wala namang problema don

Sa keyboard ng laptop with keys na di gumagana, I suggest na baklasin o ipabaklas nyo at linisan ang keyboard, marami nagagamot pa sa ganon bago magproceed sa replacement. Tinatanggal ko minsan yung di gumaganang key, at ibinabalik lang tapos gumagana na ulit.

Let's keep this thread alive! Susubukan ko kayo matulungan based on my experience ^_^
 
Last edited:
Boss pa help ako kase yung laptop ko namatay tapos after nun hindi na siya nag boboot and no sign na nag o-On siya , i mean fan was off and no noise coming from the laptop. what should i do Sir ?

First, check mo po ang power source, yung charger, kung may output na voltage same ng nasa specs nya using multimeter. Please ensure na naka DC ka. Baka kasi na-drain yan tapos wala naman pala supply ng power
 
huawei model b315s 936
Hindi ka ba nakaka-browse kahit may load? Sa PC na yan lang ba ganyan? Yung ibang device na connected sa WiFi may internet access ba?

Lodi ayaw pa din puro ilaw lang sya tas umiikot pang ang fan ayaw lumabas ng windows nya
Tanggalin gfx card linisin copper contacts, onboard muna ikabit monitor, linisin ram slots using compressed air or soft paint brush, tanggalin sa outlet at pindutin ang power switch for about 30 sec, check mo yung mga connections sa mobo (power, sata, etc.), kung more than one ram mo isa lang muna gamitin, kapag wala pa ring display palitan yung ram nung isa pa, kapag wala pa rin sa ibang slot naman i-try isang ram pa din muna.
 
Last edited:
boss tanung kulang yung laptop ko laging 100% yung disk usage nya then nag search ako sa google ng mga methods pero same problem parin, ano kaya problem ma nito? win10 po laptop ko, nag try na rin ako mag format kadahilanan sa 100% usage pero wala parin effect, defect po kaya HDD ko po may paraan kaya ma repair?
 
viruses or updates or scanning yung AV mo yan kadalasan kung bakit mataas yung percentage usage ng HDD mo, hindi ko lang masasabi kung may bad sector na yung HDD mo,
 
boss tanung kulang yung laptop ko laging 100% yung disk usage nya then nag search ako sa google ng mga methods pero same problem parin, ano kaya problem ma nito? win10 po laptop ko, nag try na rin ako mag format kadahilanan sa 100% usage pero wala parin effect, defect po kaya HDD ko po may paraan kaya ma repair?
Pagka-restart mo at after about 5 min naka-idle lang 100% pa rin ba disk usage? Ilang GB ram mo? Anong mga changes na ginawa mo? Screenshot mo task manager naka sort disk usage.
 
Hindi ka ba nakaka-browse kahit may load? Sa PC na yan lang ba ganyan? Yung ibang device na connected sa WiFi may internet access ba?

Tanggalin gfx card linisin copper contacts, onboard muna ikabit monitor, linisin ram slots using compressed air or soft paint brush, tanggalin sa outlet at pindutin ang power switch for about 30 sec, check mo yung mga connections sa mobo (power, sata, etc.), kung more than one ram mo isa lang muna gamitin, kapag wala pa ring display palitan yung ram nung isa pa, kapag wala pa rin sa ibang slot naman i-try isang ram pa din muna.
pag ibang wifi nakaka pag surf nmn sa moden siguro sira
 
Boss. Sa akin naman windows 8.1 laptop yung hard disk ko from other laptop. Okay naman sya kaso problem lang hindi ko ma update mga drivers kasi pag ginagawa ko yun mag blue bluescreen sya. Na oopen ko naman sya pero dapat naka anti malware yung mode ng windows. Tingin nyo po ano problem?
Sana may makapansin ❣
 
I have Videocard
model nya Asus GTX 760

ang nangyari ganit

Habang nag-lalaro ako ng Resident Evil 2 then biglang nag re render problem raw
1580100886056.png

then ni reboot ko, after ko mag reboot, lumaki yung mga display naging 1024x768 instead na 1920x1080, tinignan ko driver, wala then ni reboot ko ulet OK na sya, then dxdiag ko nakalagay sa note
Windows has detect blah blah bal

kaso after 2 mins biglang mawawala display, then inuninstall ko driver ng gpu, after uninstalling , ni reinstall ko ulet, tapos habang nag iinstall mga nasa 30% siguro (normal lang na mag bi blink monitor) nag blink then wala nang display,..

ito mga troubleshoot na ginawa ko
uninstall, reinstall driver [uninstall using DDU]
nilinis goldplate ng gpu using eraser

sira naba videocard ko??
 
Attachments

Sana may makapansin ❣

try mo po other source ng installer ng drivers, kasi tuwing nag-iinstall ka ng drivers saka nagkakaproblema, ang nangyayari parang nadedetect na malware. check mo rin scan ng malware kung ano detected threats. feedback ka po

kung persistent, try mo i-reformat para fresh lahat
 
I have Videocard
model nya Asus GTX 760

ang nangyari ganit

Habang nag-lalaro ako ng Resident Evil 2 then biglang nag re render problem raw
View attachment 770849

then ni reboot ko, after ko mag reboot, lumaki yung mga display naging 1024x768 instead na 1920x1080, tinignan ko driver, wala then ni reboot ko ulet OK na sya, then dxdiag ko nakalagay sa note
Windows has detect blah blah bal

kaso after 2 mins biglang mawawala display, then inuninstall ko driver ng gpu, after uninstalling , ni reinstall ko ulet, tapos habang nag iinstall mga nasa 30% siguro (normal lang na mag bi blink monitor) nag blink then wala nang display,..

ito mga troubleshoot na ginawa ko
uninstall, reinstall driver [uninstall using DDU]
nilinis goldplate ng gpu using eraser

sira naba videocard ko??

intel ba procie mo? tr y mo muna onboard graphics, gamitin mo ng 1hr. kung hindi nangyari yung ganyan, pwedeng may tama ang gpu mo..
 
Back
Top