Saan nanggaling ang “makalangit na karagatan” na ito? Inilalahad ng ulat ng paglalang sa Genesis kung paanong noong ikalawang “araw” ay gumawa si Jehova ng kalawakan sa palibot ng buong lupa, at pinaghiwalay ng kalawakang ito (na tinawag na “Langit”) ang tubig sa ilalim nito, samakatuwid nga, ang mga karagatan, at ang tubig sa ibabaw nito. (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Maliwanag na ang tubig na nasa ibabaw ng kalawakan ay nanatili roon mula noong ikalawang “araw” ng paglalang hanggang noong Baha. Ito ang tinutukoy ng apostol na si Pedro nang sabihin niya na may “mga langit mula noong sinauna at isang lupa na nakatayong matatag mula sa tubig at sa gitna ng tubig sa pamamagitan ng salita ng Diyos.” Ang “mga langit” na iyon at ang tubig sa ibabaw at sa ilalim ng mga ito ang ginamit ng salita ng Diyos, at “sa pamamagitan ng mga iyon ang sanlibutan ng panahong iyon ay dumanas ng pagkapuksa nang apawan ito ng tubig.” (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) May iba’t ibang paliwanag na inihaharap tungkol sa kung paano nanatili sa kalawakan ang tubig hanggang noong sumapit ang Baha at tungkol sa mga prosesong humantong sa pagbagsak nito. Ngunit ang mga ito ay batay lamang sa espekulasyon. Ang sinasabi lamang ng Bibliya ay na gumawa ang Diyos ng kalawakan anupat may tubig sa ibabaw nito at na siya ang nagpasapit ng Delubyo. Madali niyang magagawa ito dahil walang kapantay ang kaniyang kapangyarihan.
Yamang sinasabi ng ulat sa Genesis na “ang lahat ng matataas na bundok” ay natakpan ng tubig, nasaan na ngayon ang lahat ng tubig na iyon? Maliwanag na naririto sa lupa. Pinaniniwalaan na noong sinaunang panahon ay mas maliliit ang mga karagatan at mas malalaki ang mga kontinente, gaya ng pinatutunayan ng mahahabang daanan ng ilog na umaabot hanggang sa ilalim ng mga karagatan. Dapat ding pansinin na sinasabi ng mga siyentipiko na mas mabababa noon ang mga bundok kaysa sa ngayon, at may mga bundok pa nga na umangat mula sa ilalim ng mga dagat. Sa ngayon, sinasabi na “sampung ulit na mas marami ang tubig ng karagatan kaysa sa lupang nakalitaw sa ibabaw ng dagat. Kung itatambak ang lahat ng lupang ito sa dagat at papatagin, matatakpan ng tubig ang buong lupa sa lalim na isa’t kalahating milya.” (
National Geographic, Enero 1945, p. 105) Kaya pagkatapos na bumagsak ang tubig-baha, ngunit bago tumaas ang mga bundok at lumalim ang pinakasahig ng mga dagat at bago nagyelo ang mga polo, napakarami ng tubig noon upang matakpan “ang lahat ng matataas na bundok,” gaya ng sinasabi sa kinasihang ulat.—
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now..